Ipo Dam, nagpapakawala pa rin ng tubig

Patuloy sa pagbabawas ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan dahil sa mga pag-ulang dulot ng Habagat. Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay umabot sa 101.31 ang water level sa Ipo Dam na lagpas pa rin sa spilling level ng dam na nasa 101 meters. Sinimulan pa kahapon ng alas-11… Continue reading Ipo Dam, nagpapakawala pa rin ng tubig

Valenzuela LGU, patuloy sa paghahatid ng libreng sakay sa mga binahang kalsada sa lungsod

Muling nag-deploy ng mga trak ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela para alalayan ang mga pasaherong hirap sumakay dahil sa ilang binahang kalsada. Kasunod na rin ito ng masungit pa ring panahon na may minsang pabugso bugsong ulan. Ngayong araw, naghahatid ng libreng sakay ang Valenzuela LGU sa mga lugar ng: As of 8am, naman ay… Continue reading Valenzuela LGU, patuloy sa paghahatid ng libreng sakay sa mga binahang kalsada sa lungsod

DSWD, nakapaghatid na ng higit ₱36-M halaga ng ayuda sa mga apektado ng habagat at Bagyong Egay

Walang patid na ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya buhat ng pananalasa ng Habagat at Bagyong Egay Sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 27 ay umakyat na sa higit ₱36-million ang halaga ng relief assistance na… Continue reading DSWD, nakapaghatid na ng higit ₱36-M halaga ng ayuda sa mga apektado ng habagat at Bagyong Egay

DA, inaasahan pang madaragdagan ang pinsala ng bagyong Egay sa agri sector

Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na lalawak pa ang pinsala ng Bagyong Egay sa sektor ng pagsasaka. Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, as of July 27 ay umabot na sa ₱53.1-million ang halaga ng pinsala sa agricultural sector ng Super Typhoon. Gayunman, nagpapatuloy pa aniya ang assessment at validation ng mga… Continue reading DA, inaasahan pang madaragdagan ang pinsala ng bagyong Egay sa agri sector

Sen. Imee Marcos, hinamon ang pamahalaan na patawan ng preventive suspension ang mga opisyal ng DA at BOC na sangkot sa smuggling

Dapat nang patawan ng preventive suspension o tanggalin sa pwesto ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa smuggling ng mga produktong pang agrikultura ayon kay Senadoral Imee Marcos. Ang hamon na ito ng senador ay kaugnay na rin sa pagtanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.… Continue reading Sen. Imee Marcos, hinamon ang pamahalaan na patawan ng preventive suspension ang mga opisyal ng DA at BOC na sangkot sa smuggling

Speaker Romualdez biyaheng Baguio para magpaabot ng ayuda sa mga sinalanta ng bagyong Egay

Tuloy-tuloy ang ugnayan sa pagitan ng Office of the Speaker at district offices ng ibang mga kongresista para mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Egay. Katunayan, naipaabot na nitong Huwebes ang tig-isang milyong pisong cash assistance para sa Ilocos Sur 2nd District at Cagayan 1st, 2nd, at 3rd District. Ngayong araw,… Continue reading Speaker Romualdez biyaheng Baguio para magpaabot ng ayuda sa mga sinalanta ng bagyong Egay

Notoryus na lider ng teroristang komunista, patay sa engkwentro sa Misamis Oriental

Nasawi sa pakikipaglaban sa mga tropa ng Joint Task Force (JTF) Diamond ang notoryus na lider ng teroristang komunista sa engkwentro sa Barangay Libertad, Gingoog City, Misamis Oriental. Kinilala ni Eastern Mindanao Command (EastMinCom) Commander Lieutenant General Greg Almerol ang nasawing lider komunista na Dionesio Micabalo, alyas Muling, regional secretary ng North Central Mindanao Regional… Continue reading Notoryus na lider ng teroristang komunista, patay sa engkwentro sa Misamis Oriental

Pagtalikod ng CPP-NPA sa alok ng Pangulo na amnestiya, kinondena ng NTF-ELCAC

Kinondena ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang hayagang pagtalikod ng CPP-NPA-NDF sa amnestiyang inalok ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA). Sa isang statement, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na ang alok na amnestiya ng Pangulo… Continue reading Pagtalikod ng CPP-NPA sa alok ng Pangulo na amnestiya, kinondena ng NTF-ELCAC

DMW, tiniyak sa mga OFW na naghihintay ng unpaid claims sa Saudi Arabia na nalalapit nang maibigay ang kanilang sahod

Nanawagan ang Department of Migrant Wokers (DMW) sa mga kababayang nating Overseas Filipino Workers (OFWs) na naghihintay ng kanilang unpaid claims sa Kingdom of Saudi Arabia na nagsara matapos mabangkarote sa naturang bansa. Ayon kay DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople, batay sa huling pag-uusap nila ni Royal Highness Crown Prince Mohammad Bin Salman, ibibigay ngayong… Continue reading DMW, tiniyak sa mga OFW na naghihintay ng unpaid claims sa Saudi Arabia na nalalapit nang maibigay ang kanilang sahod

DFA, nagpasalamat kay PBBM sa pagsuporta nito sa pagprotekta sa soverign rights at territorial integrity ng bansa

Nagpasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsuporta nito sa pagtatangol ng DFA sa sovereign rights at tertiorial integrity ng bansa. Sa isinagawang Post Sona Forum kahapon, sinabi ni DFA Undersecretary Antonio Morales na magandang indikasyon ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging SONA nitong Lunes na pagpapahayag… Continue reading DFA, nagpasalamat kay PBBM sa pagsuporta nito sa pagprotekta sa soverign rights at territorial integrity ng bansa