Iskedyul ng 2025 Civil Service Exams, inilabas na ng CSC

Inilabas na ng Civil Service Commission (CSC) ang iskedyul para sa mga nakatakdang Civil Service Exam sa taong 2025. Mauuna ang Career Service Examination para sa Foreign Service Officer (CSE-FSO), na gaganapin sa January 25, 2025. Samantala, ang Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT), para sa Professional at Sub-professional Levels, ay isasagawa naman sa… Continue reading Iskedyul ng 2025 Civil Service Exams, inilabas na ng CSC

QC-COMELEC, handa na sa huling araw ng COC filing

Bukas na muli ang Amoranto Sports Complex para tumanggap ng mga kandidatong hahabol sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections. Nananatiling mahigpit ang seguridad sa loob at labas ng Amoranto na bantay-sarado pa rin ng Quezon City Police District (QCPD), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department… Continue reading QC-COMELEC, handa na sa huling araw ng COC filing

OCD, nagpasalamat sa AFP sa pagtulong nito sa kanilang relief efforts para sa mga nasalanta ng Bagyong Julian

Nagpasalamat ang Office of Civil Defense (OCD) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtulong nito na maihatid ang mga kinakailangang tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Julian partikular na sa dulong hilagang Luzon. Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, napakahalaga ng papel na ginampanan ng AFP upang maiparating sa mga nasalanta… Continue reading OCD, nagpasalamat sa AFP sa pagtulong nito sa kanilang relief efforts para sa mga nasalanta ng Bagyong Julian

Full digitalization sa PhilHealth, target bago matapos ang administrasyong Marcos

Bukod sa pagpapalawak ng mga benepisyo para sa mga miyembro nito, tuloy-tuloy na ring isinusulong ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang digitalisasyon sa sistema nito. Ayon kay PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr., nakatutok sila sa digital transformation para mapalawak pa ang access ng mamamayan sa mga serbisyo ng PhilHealth, lalo na para… Continue reading Full digitalization sa PhilHealth, target bago matapos ang administrasyong Marcos

Marikina Mayor Marcy Teodoro, nagpaliwanag kung bakit ‘di natuloy ang alyansa nila ni Sen. Koko Pimentel

Nagpaliwanag si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro kung bakit siya napilitang tumakbo bilang Kinatawan ng unang distrito ng Lungsod. Sa kaniyang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) kahapon, sinabi ni Teodoro na naunsyami ang dapat sana’y alyansa nila ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na kaniyang makakatunggali sa nasabing posisyon. Ayon kay Teodoro, kumalas ang… Continue reading Marikina Mayor Marcy Teodoro, nagpaliwanag kung bakit ‘di natuloy ang alyansa nila ni Sen. Koko Pimentel

Paglalagay ng notaryo sa COMELEC-NCR, pinag-aaralan dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga maghahain ng kanilang kandidatura sa pagka-kongresista ngayong araw

May paalala ang Commission on Elections-National Capital Region (COMELEC-NCR) sa mga nagnanais maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa huling araw ng filing nito ngayong araw. Ayon kay COMELEC-NCR Assistant Regional Director, Atty. Jovencio Balanquit, maghain na ngayong umaga ng kanilang COCs upang maiwasan ang pagkakaroon ng aberya. Layon nito, ani Balanquit na maayos… Continue reading Paglalagay ng notaryo sa COMELEC-NCR, pinag-aaralan dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga maghahain ng kanilang kandidatura sa pagka-kongresista ngayong araw

DSWD, nilinaw na walang pamumulitika sa pamamahagi ng AICS at AKAP

Muling binigyang-diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na walang pamumulitika sa pamamahagi ng mga cash aid ng ahensya kabilang ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda para sa mga Kapos ang Kita Program (AKAP). Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na walang pinipiling botante sa pagbibigay… Continue reading DSWD, nilinaw na walang pamumulitika sa pamamahagi ng AICS at AKAP

Ilang mambabatas, nagpaabot ng pagbati sa pagiging Kardinal ni Caloocan Bishop Pablo David

Ipinaabot ni Navotas Representative Toby Tiangco ang kaniyang pagbati kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa kaniyang pagkakatalaga bilang Kardinal. Ayon kay Tiangco, sa 41 taon ng pagiging pari at 18 taon bilang obispo, ginugol ni Cardinal David ang kaniyang buhay sa pagpapalakas ng mga komunidad sa pamamagitan ng pananampalataya at serbisyo. Dasal naman ng… Continue reading Ilang mambabatas, nagpaabot ng pagbati sa pagiging Kardinal ni Caloocan Bishop Pablo David

Pinatatag na ugnayan ng Pilipinas at South Korea, pinuri ng House Leader

Nagpahayang ng buong suporta si House Speaker Martin Romualdez sa pagpapalalim at pagpapalawak ng relasyon ng Pilipinas at Republic of Korea (ROK). Aniya, malaking bagay ang pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol at First Lady Kim Keon Hee na nataon pa sa ika-75 taong anibersaryo ng diplomatic ties ng dalawang bansa. “Congress is… Continue reading Pinatatag na ugnayan ng Pilipinas at South Korea, pinuri ng House Leader

Sen. Tolentino, umapela sa gobyerno na tulungan ang mga lehitimong Pinoy ex-POGO workers

Muling ipinanawagan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa pamahalaan na tulungan ang mga lehitimong Pilipinong kawani ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nawalan ng trabaho para makapagsimulang muli. Ayon kay Tolentino, dapat protektahan ang mga manggagawang ito mula sa diskriminasyon sa job fairs at hiring. Ipinahayag ito ng senador kasunod ng naging… Continue reading Sen. Tolentino, umapela sa gobyerno na tulungan ang mga lehitimong Pinoy ex-POGO workers