Maliit na phreatic eruption, naitala sa Bulkang Taal

Mahigpit pa ring binabantayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Bulkang Taal sa Batangas. Sa inilabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may naitalang maliit na phreatic eruption sa bulkan sa nakalipas na 24-oras at tumagal ito ng isang minuto. Umabot naman sa 2,068 na toneladang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas o… Continue reading Maliit na phreatic eruption, naitala sa Bulkang Taal

4 na malalaking pagawaan ng pekeng sigarilyo sa Clark, Pampanga, sinalakay ng BIR

Sa pinaigting na kampanya kontra iligal na sigarilyo ay apat na malalaking manufacturers ang sinalakay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Clark, Pampanga. Sa ulat ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., sabay-sabay na sinalakay ng BIR noong September 12 ang apat na malalaking pagawaan ng iligal na sigarilyo kung saan umabot sa ₱8-billion ang… Continue reading 4 na malalaking pagawaan ng pekeng sigarilyo sa Clark, Pampanga, sinalakay ng BIR

Mga armadong grupo, mahigpit na tututukan ng PNP ngayong papatapos na ang paghahain ng kandidatura

Naglabas ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa lahat ng mga opisyal nito na paka-tutukan ang mga armadong grupo na magtatangkang sirain ang mapayapang pagdaraos ng halalan sa Mayo ng susunod na taon. Ginawa ng PNP chief ang pahayag sa ngayong bisperas ng deadline sa paghahain ng Certificates of… Continue reading Mga armadong grupo, mahigpit na tututukan ng PNP ngayong papatapos na ang paghahain ng kandidatura

Pilipinas, Amerika, nagsanib puwersa sa pagpapadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa Batanes

Sanib-puwersang ipinadala ng Amerika at Pilipinas ang tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa lalawigan ng Batanes. Batay sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), aabot sa pito at kalahating toneladang essential supplies ang isinakay sa C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) mula Villamor Airbase sa Pasay City patungong Basco.… Continue reading Pilipinas, Amerika, nagsanib puwersa sa pagpapadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Julian sa Batanes

Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Pasig Mega Market, bahagyang tumaas

Ramdam agad ang epektong dulot ng bagyong Julian sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Pasig City Mega Market ngayong Lunes. Ito’y ilang araw matapos itong manalasa sa hilagang bahagi ng Luzon kabilang na ang Cordillera Administrative Region kung saan nagmumula ang karamihan sa mga gulay gayundin sa CALABARZON kung saan naman nagmumula ang ilang… Continue reading Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Pasig Mega Market, bahagyang tumaas

Animal-assisted therapy para sa mga kababaihan sa residential care facilities, inilunsad ng DSWD at PAWS

Nag-partner ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para sa paglulunsad ng ‘Angel Pets’ o animal-assisted therapy program para sa mga bata at kababaihang nasa pangangalaga ng residential care facilities ng ahensya. Nilagdaan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at PAWS Executive Director Anna Cabrera ang isang Memorandum of… Continue reading Animal-assisted therapy para sa mga kababaihan sa residential care facilities, inilunsad ng DSWD at PAWS

Pinsala sa electric coops bunsod ng Super Typhoon Julian, sumampa na sa ₱20-M — NEA

Umabot na sa ₱20.5-milyon ang naitalang halaga ng pinsala sa mga pasilidad ng electric cooperatives bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Julian. Ayon sa National Electrification Administration (NEA), ang Batanes Electric Cooperative, Inc. (BATANELCO) ang may pinakamalaking pinsala kung saan tatlong bayan nito ang nakaranas ang total power interruptions kabilang ang Mahatao, Ivana, at Uyugan.… Continue reading Pinsala sa electric coops bunsod ng Super Typhoon Julian, sumampa na sa ₱20-M — NEA

Dismissed Mayor Alice Guo, mahaharap sa dagdag na kaso kung itutuloy ang pagtakbo sa 2025 Elections

Binalaan ni Senate Committee on Women Chairperson Senador Risa Hontiveros si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na mahaharap ito sa dagdag na mga kaso kung itutuloy ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para makatakbo sa 2025 Midterm Elections. Binigyang-diin ni Hontiveros na kung tatakbo pa rin si Guo ay mahaharap ito sa kasong… Continue reading Dismissed Mayor Alice Guo, mahaharap sa dagdag na kaso kung itutuloy ang pagtakbo sa 2025 Elections

Karagdagang 1,000 family food packs, ipinadala ng DSWD sa Batanes

Walang tigil pa rin ang relief efforts ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Batanes na labis na hinagupit ng Bagyong Julian. Sa tulong ng US military aircraft, karagdagang 1,000 family food packs ang ipinadala ng DSWD sa Batanes para sa mga apektadong pamilya sa lalawigan. Ayon sa DSWD, bahagi ito… Continue reading Karagdagang 1,000 family food packs, ipinadala ng DSWD sa Batanes

Roman Catholic Diocese of Kalookan, binati si Cardinal-designate Pablo David

Ipinagmalaki ng Roman Catholic Diocese of Kalookan si Bishop Pablo Virgilio “Ambo” S. David matapos italaga ni Pope Francis bilang Cardinal. Si Cardinal-designate David ay ang ika-10 Filipino Cardinal ng Simbahang Katolika. Mas kilala siya bilang “Bishop Ambo” at ang kasalukuyang Obispo ng Diocese ng Kalookan na isa sa pinakamaliit na diyosesis sa Pilipinas. Siya… Continue reading Roman Catholic Diocese of Kalookan, binati si Cardinal-designate Pablo David