Pagtutulungan ng iba’t ibang government agencies laban sa banta ni VP Sara kay Pangulong Marcos, hindi personal, bagkus, pagsusulong lamang ng batas, ayon sa pamahalaan

Nagtutulungan na ang mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng batas, kaugnay sa naging banta ni Vice President Sara Duterte sa buhay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta – Marcos, at House Speaker Martin Romualdez. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na hindi personal… Continue reading Pagtutulungan ng iba’t ibang government agencies laban sa banta ni VP Sara kay Pangulong Marcos, hindi personal, bagkus, pagsusulong lamang ng batas, ayon sa pamahalaan

Senadora Imee Marcos, no comment sa mga naging pahayag ni VP Sara laban sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Tumanggi na muna si Senadora Imee Marcos na magkomento tungkol sa pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand R. Mrcos Jr. Matatandaang malapit ang presidential sister kay VP Sara. Ayon kay Senadora Imee, papakinggan na muna niya ang naging sagot ng kanyang kapatid na si Pangulong Marcos sa mga pahayag ni VP… Continue reading Senadora Imee Marcos, no comment sa mga naging pahayag ni VP Sara laban sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pagdadagdag ng panukalang 2025 budget ng OVP, nakasalalay na sa mayorya ng mga senador

Binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na nakadepende sa mayorya ng mga senador ang magiging kapalaran ng panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP). Ito ay matapos ang naging mga pahayag ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin… Continue reading Pagdadagdag ng panukalang 2025 budget ng OVP, nakasalalay na sa mayorya ng mga senador

Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Japan at pilipinas, naendorso na sa plenaryo ng Senado

Inendorso na ng Senate Committee on Foreign Relations sa plenaryo ng Senado ang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Sinabi ni committee chairperson Senadora Imee Marcos na matapos ang ginawang committee hearing ngayong araw ay paplantsahin na lang nila ang ilang mga isyu tungkol sa jurisdiction at privileges na ibibigay sa… Continue reading Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Japan at pilipinas, naendorso na sa plenaryo ng Senado

VP Sara, walang immunity sa anumang kaso, kahit nasa posisyon pa, ayon sa pamahalaan

Hindi ligtas sa demanda o walang immunity from suit si Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ni Justice Undersecretary Jesse Andres kasunod ng kontrobersiyal na pagbabanta ni VP Sara sa buhay nina Pangulong Ferdinand r. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez, sakali aniya na mayroong mangyaring masama sa kaniyang… Continue reading VP Sara, walang immunity sa anumang kaso, kahit nasa posisyon pa, ayon sa pamahalaan

Kamara, titindigan at dedepensahan ang dignidad at integridad ng Kamara de Representantes; mga pahayag ng Bise Presidente, isang banta sa pundasyon ng pamahalaan

Direktang banta sa demokrasya, pamahalaan at seguridad ng bayan. Ganito inilarawan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga akusasyon at pahayag na ibinato ni Vice President Sara Duterte hindi lang aniya sa kaniya, kundi sa sagradong institusyon ng Kamara de Representantes. Giit ng House Speaker, hindi na biro ang pag-amin ng bise presidente sa pagkikipag-usap… Continue reading Kamara, titindigan at dedepensahan ang dignidad at integridad ng Kamara de Representantes; mga pahayag ng Bise Presidente, isang banta sa pundasyon ng pamahalaan

Sedition, conspiracy, at iba pang charges laban kay VP Sara at mga nasa likod ng assasination plot laban kay Pangulong Marcos, pinag-aaralan na ng pamahalaan

Ikinu-konsidera na pamahalaan ang paghahain ng sedition charges o iba pang mas matinding kaso laban kay Vice President Sara Duterte, kasunod ng pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Justice (DOJ) Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na ikinu-konsidera na nila bilang mastermind ng assasination plot sa… Continue reading Sedition, conspiracy, at iba pang charges laban kay VP Sara at mga nasa likod ng assasination plot laban kay Pangulong Marcos, pinag-aaralan na ng pamahalaan

Mga alegasyon ng “financial irregularities” ng OVP at DepEd sa ilalim ng pamamahala ni VP Sara, dapat nang sagutin ng pangalawang pangulo — Party-list Coalition

Sinabi ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na malinaw na paglilihis sa atensyon ang ginagawa ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng mga ebidensya ng paggasta ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Ayon kay Cong. Tulfo, ang mga alegasyon sa paggastos ng pondo ng dalawang ahensya ng gobyerno na… Continue reading Mga alegasyon ng “financial irregularities” ng OVP at DepEd sa ilalim ng pamamahala ni VP Sara, dapat nang sagutin ng pangalawang pangulo — Party-list Coalition

Mga pahayag ni VP Sara, hindi dapat makaapekto sa panukalang 2025 budget ng OVP

Hindi dapat makaapekto sa aaprubahang budget ng Office of the Vice President (OVP) ang mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez nitong weekend ayon kay Senadora Grace Poe. Sinabi ng senadora na hindi kailanman dapat makaapekto ang ganitong… Continue reading Mga pahayag ni VP Sara, hindi dapat makaapekto sa panukalang 2025 budget ng OVP

DA, DBP at Planters Products, inilunsad ang Agri-Puhunan para matulungan ang rice farmers

Katuwang ang Development Bank of the Philippines (DBP) at Planters Products Inc., inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang Agri-Puhunan at Pantawid Program(APP). Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nilalayon nito na baguhin ang sektor ng agrikultura at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka ng palay sa buong bansa. Idinisenyo ang programa upang… Continue reading DA, DBP at Planters Products, inilunsad ang Agri-Puhunan para matulungan ang rice farmers