On time na paglabas ng Balikbayan boxes mula sa mga pantalan, siniguro ng pamahalaan

Makakaasa ang publiko na magiging mabilis ang pagproseso ng Bureau of Customs (BOC) sa Balikbayan boxes, sa oras na lumapag na ang mga ito sa mga pantalan sa bansa. Pahayag ito ni Finance Secretary Ralph Recto sa harap ng inaasahang pagbigat ng traffic sa mga kargamentong papasok sa bansa, habang nalalapit ang Pasko. Sa press… Continue reading On time na paglabas ng Balikbayan boxes mula sa mga pantalan, siniguro ng pamahalaan

DA, pinuri ang PPA, BOC sa mabilis na pagresolba sa overstaying imported food items sa Manila Ports

Ikinatuwa ng Department of Agriculture (DA) ang mabilis na pagtugon ng Philippine Ports Authority (PPA) at Bureau of Customs (BOC) para sa pagpapalabas ng imported agricultural products sa mga daungan. May kaugnayan ito sa daan-daang container vans na naglalaman ng food products kabilang ang bigas, ang naka-tengga na ng ilang buwan sa mga daungan sa… Continue reading DA, pinuri ang PPA, BOC sa mabilis na pagresolba sa overstaying imported food items sa Manila Ports

Mga sangkot sa pang-iipit ng imported na bigas sa mga pantalan, pinapa-blacklist ng isang mambabatas

Nananawagan ngayon si Manila Representative Rolando Valeriano kina Finance Secretary Ralph Recto, Agriculture Secretary Francis Laurel, at Transportation Secretary Jaime Bautista na imbestigahan at tiyaking mailalabas agad sa mga pier ang mga natenggang imported na bigas. Aniya, dapat matukoy ang detalye ng sanhi sa delay sa paglalabas ng mga kargamento. Pinapurihan din ni Valeriano sa… Continue reading Mga sangkot sa pang-iipit ng imported na bigas sa mga pantalan, pinapa-blacklist ng isang mambabatas

Surplus sa balance of payment, magtutuloy-tuloy hanggang sa 2025

Inaasahang magtutuloy-tuloy ang balance of payment (BOP) surplus hanggang sa susunod na taon dahil sa global demands at domestic economy. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), base sa kanilang third quarter projection ang surplus ay inaasahang nasa $2.3 billion hanggang matapos ang taon, habang nasa $1.7 billion naman sa taong 2025. Sa inilabas na… Continue reading Surplus sa balance of payment, magtutuloy-tuloy hanggang sa 2025

Imported paints na may mataas na lead content, patuloy pa ring ipinupuslit sa bansa

Photo courtesy of Ecowaste Coalition

Ibinunyag ng Ecowaste Coalition ang patuloy na pagpasok sa lokal na pamilihan ng mga imported na pintura na may mataas na lead content. Ito ay sa kabila ng matagal nang ipinatupad na ban ng bansa sa mga lead-containing paints. Ayon sa environmental group, may limang variant ng tatak ng pintura na “Made in China” ang… Continue reading Imported paints na may mataas na lead content, patuloy pa ring ipinupuslit sa bansa

Isang international company, positibo sa energy landscape ng Pilipinas

Positibo ang international company na Macquarie sa energy landscape ng Pilipinas lalo na sa gitna ng pagpapahintulot ng ganap na “foreign ownership” sa mga proyektong renewable energy. Kamakailan nagpulong ang mataas na opisyal ng Macquarie Group at Department of Finance (DOF) sa kanilang headquarters sa Singapore upang tuklasin ang mga bagong pagkakataon sa pamumuhunan at… Continue reading Isang international company, positibo sa energy landscape ng Pilipinas

Pagbabawas ng interest rate ng US Federal reserve, inaasahang  magtutuloy sa pag-relax ng monetary policy ng BSP

Inaasahang magdudulot ng magkakasunod na Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) rate cut ang aksyon ng US Federal Reserve, matapos nitong bawasan ng 50 basis points (bps) ang kanilang interest rate. Ang rate cut ng Estados Unidos ay kauna-unahan simula noong 2010. Ayon kay sa Sumitomo Mitsui Banking Corporation o (SMBC) inaasahan na magbawas ng 50-75… Continue reading Pagbabawas ng interest rate ng US Federal reserve, inaasahang  magtutuloy sa pag-relax ng monetary policy ng BSP

BOC at PPA, hinikayat na madaliin ang unloading ng rice shipment upang maiwasan ang backlog at pagtaas ng presyo ng bigas

Photo courtesy of Philippine News Agency by Yancy Lim

Nananawagan ang isang mambabatas sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Ports Authority (PPA), na madaliin ang pagdiskarga ng mga rice shipment sa Philippine ports upang pataasin ang supply ng bigas at mapababa ang presyo nito sa merkado. Ginawa ni Agri Party-list Reresentative Wilbert T. Lee ang panawagan sa gitna ng congestion na nagiging hadlang… Continue reading BOC at PPA, hinikayat na madaliin ang unloading ng rice shipment upang maiwasan ang backlog at pagtaas ng presyo ng bigas

PCSO, nakakuha ng puwesto bilang miyembro ng Asia Pacific Lottery Association

Photo courtesy of Philippine Charity Sweepstakes Office

Isang karangalan para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagkakahalal ni General Manager Mel Robles bilang miyembro ng Executive Committee ng Asia Pacific Lottery Association (APLA). Ayon sa PCSO, nahalal si Robles sa ginanap na 2024 APLA Regional Conference sa Hanoi, Vietnam. Siya ang kauna-unahang Pilipino na naging bahagi ng Executive Committee ng APLA.… Continue reading PCSO, nakakuha ng puwesto bilang miyembro ng Asia Pacific Lottery Association

Sine Sigla sa Singkwenta at mural sa EDSA, inilunsad ng MMFF bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo nito

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Metro Manila Film Festival (MMFF), inilunsad ngayong araw ang Sine Sigla sa Singkwenta at ang mural sa bahagi ng EDSA. Layon ng proyektong ito na parangalan ang mayamang kasaysayan ng MMFF habang hinihikayat ang publiko na makiisa sa pagdiriwang ng pelikulang Pilipino. Sa pamamagitan ng “Sine Sigla… Continue reading Sine Sigla sa Singkwenta at mural sa EDSA, inilunsad ng MMFF bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo nito