DTI, ipinatitigil ang pagbebenta online ng mga vape products

Ipinasususpinde ng Department of Trade and Industry (DTI) sa inilabas nitong Administrative Order ang pagbebenta online ng mga vapor products, vapor product devices, at vapor product systems. Sa nilagdaang Department Administrative Order No. 24-03 kahapon, Hulyo 20, ni DTI Secretary Fred Pascual agarang ipinatitigil nito ang pagbebenta ng mga vape products sa mga online marketplace.… Continue reading DTI, ipinatitigil ang pagbebenta online ng mga vape products

Maharlika Investment Corporation, miyembro na ng International Organization of Sovereign Wealth Funds

Miyembro na ang kauna-unahang Maharlika Investment Corporation (MIC) sa mga bansang may Sovereign Wealth Fund ng International Organization of Sovereign Wealth Funds o IFSWF. Ito ay matapos tanggapin ng international body ang aplikasyon ng Maharlika Investment Corporation noong July 11, 2024  dahil sa “willingness to endorse on voluntary basis” o ang Santiago Principles. Ito ay… Continue reading Maharlika Investment Corporation, miyembro na ng International Organization of Sovereign Wealth Funds

Buying price ng palay, mananatiling matatag sa P17 hanggang P30 kada kilo – NFA

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na mananatiling matatag ang presyo ng palay sa P17 hanggang P30 kada kilo upang masiguro ang malaking kita ng mga magsasaka mula sa kanilang ani. Sa pakikipagdiyalogo sa mga magsasaka sa Mindanao, sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson, na ang nasabing presyo ay mananatili maliban na lamang kung babaguhin… Continue reading Buying price ng palay, mananatiling matatag sa P17 hanggang P30 kada kilo – NFA

Founding principles at framework ng Maharlika Investment Corporation, aprubado na ng Board of Directors nito

Inaprubahan na ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang founding principles at framework nito na bubuo sa overall mission, governance structure at high level investment approach mula 2024 hanggang 2028. Isinapinal na rin ng MIC ang Investment and Risk Management Framework na guiding principle sa unang pag-iinvest ng Maharlika Investment Fund (MIF). Kabilang na dito ang… Continue reading Founding principles at framework ng Maharlika Investment Corporation, aprubado na ng Board of Directors nito

Pilipinas panalo sa prestihiyosong ‘Best Ports of Call 2024 Award’

Mas tumindi ang estado ng Pilipinas bilang isang primyadong cruise tourism destination mtapos nitong mapanalunan ang prestigious ‘Best Ports of Call 2024 Award’ sa 10th Asia Cruise Awards, na ginanap sa Asia Cruise Forum sa Jeju Island, Korea. Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco, ang nasabing award ay nagpapakita lang sa… Continue reading Pilipinas panalo sa prestihiyosong ‘Best Ports of Call 2024 Award’

Yellow Alert Status sa Luzon Grid, maagang inalis ng NGCP

Inalis na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang itinaas na Yellow Alert Status sa Luzon Grid. Ayon sa NGCP, ang maagang pag-alis ng yellow alert status ay dahil sa pagbaba ng inaasahang demand at sa pagkaantala ng shutdown ng SCPC Power Plant 1 to 4. Ang yellow alert ay inilalabas kapag ang operating… Continue reading Yellow Alert Status sa Luzon Grid, maagang inalis ng NGCP

Kita ng gobyerno mula sa buwis, titiyakin na mailalaan sa edukasyon at iba pang social protection measures – DOF Sec. Recto

Binigyang-diin ni Finance Secretary Ralph Recto na prayoridad ng kanyang kagawaran na ilaan ang bawat pisong nakokolektang kita ng gobyerno sa edukasyon at sa iba pang social protection at infrastructure goals ng Marcos Jr. Administration. Ito ang mensahe ni Recto sa 2024 Philippine Association of State University. Ayon kay Recto, target ng gobyerno na makapag… Continue reading Kita ng gobyerno mula sa buwis, titiyakin na mailalaan sa edukasyon at iba pang social protection measures – DOF Sec. Recto

Meralco, mahigpit na binabantayan ang sitwasyon matapos na itaas ang Yellow Alert status sa Luzon Grid ngayong hapon

Nananatiling naka-alerto ang Manila Electric Company (Meralco) kasunod ng pagtaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Yellow Alert status sa Luzon Grid kaninang hapon. Nanawagan ang Meralco sa mga kalahok ng Interruptible Load Program (ILP) na maging handa sakaling lumala pa ang sitwasyon at mag-Red Alert. Hinikayat din ni Meralco Spokesperson at… Continue reading Meralco, mahigpit na binabantayan ang sitwasyon matapos na itaas ang Yellow Alert status sa Luzon Grid ngayong hapon

Maharlika Investment Fund, inaasahang malaki ang maiaambag sa paglikha ng trabaho at poverty reduction sa bansa

Naniniwala si Maharlika Investment Corporation President and CEO Rafael Jose D. Consing Jr. na malaki ang maiaambag ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa paglikha ng trabaho at mabawasan ang kahirapan sa bansa. Sinabi ni Consing sa Pre-Sona Special, kabilang ito sa pangunahing layunin kaya itinatag ang MIF sa bansa. Ito ay ang pagbabalik ng capital at… Continue reading Maharlika Investment Fund, inaasahang malaki ang maiaambag sa paglikha ng trabaho at poverty reduction sa bansa

DA, ipinagbawal pansamantala ang pag-angkat ng manok at itlog sa Minnesota, USA dahil sa bird flu

Ipinag -utos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang temporary ban sa pag-angkat ng domestic at wild birds, kabilang ang kanilang produkto mula sa Minnesota, United States of America (USA). Ginawa ito ni Secretary Tiu Laurel Jr., dahil sa outbreak ng High Pathogenicity Avian Influenza H5N1 subtype o Bird Flu. Kinumpirma ng USDA… Continue reading DA, ipinagbawal pansamantala ang pag-angkat ng manok at itlog sa Minnesota, USA dahil sa bird flu