BSP Gov. Eli Remolona, nagpahayag ng senyales na tuloy ang rate cut ngayong darating na August

Nagpahayag ng senyales si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona sa planong interest rate cut ngayong August 15. Sa isinagawang Economic Briefing sa Ayuntamiento, Manila, sinabi ni Remolona na hindi na nila aantayin ang US Federal Reserve na magsagawa ng kanilang rate cut. Paliwanag ng BSP Chief, ito ay dahil sa bumagal na… Continue reading BSP Gov. Eli Remolona, nagpahayag ng senyales na tuloy ang rate cut ngayong darating na August

DA, naglabas ng guidelines para sa revised program sa hog breeding at productions

May bagong guidelines na ang Department of Agriculture (DA) para matulungan ang industriya ng pagba-baboy na pinadapa ng epekto ng African Swine Fever (ASF) at mabawasan ang importasyon ng baboy. Inaasahang papalitan ng Modified Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion, o Modified INSPIRE ang humigit-kumulang 60,000 metric tons o humigit-kumulang 10 porsiyento… Continue reading DA, naglabas ng guidelines para sa revised program sa hog breeding at productions

DHSUD at Clark Development Corporation, magtutulungan para sa pagtatayo ng 50,000 housing units sa Clark Pampanga

Lumagda sa kasunduan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Clark Development Corporation (CDC) para sa pagtatayo ng 50,000 housing units sa Clark, Pampanga. Layon ng proyekto na matugunan ang pangangailangan ng pabahay sa bansa at mapalago ang ekonomiya sa Clark. Ang Memorandum of Understanding (MOU) ay nilagdaan nina DHSUD Secretary Jose… Continue reading DHSUD at Clark Development Corporation, magtutulungan para sa pagtatayo ng 50,000 housing units sa Clark Pampanga

Department of Agriculture, nanawagan sa publiko na huwag abusin ang P29 Program

Sa paglulunsad ng malawakang pagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas bukas, nanawagan si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa publiko na huwag abusin ang programa. Ang P29 Program ay isang inisyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layong magbigay ng de-kalidad na bigas sa halagang P29 kada kilo sa mga piling… Continue reading Department of Agriculture, nanawagan sa publiko na huwag abusin ang P29 Program

P29 Project ng Department of Agriculture, ilulunsad sa 10 Kadiwa Centers bukas

Photo courtesy of Department of Agriculture

Pormal na ilulunsad ng Department of Agriculture (DA) ang malawakang pagbebenta ng murang presyo ng bigas para sa mga piling benepisyaryo bukas. Ito ay sa ilalim ng P29 Project ng DA, na layong magbigay ng de-kalidad na bigas sa halagang P29 kada kilo sa mahigit 6.9 milyong pamilyang nangangailangan. Sa isang pulong balitaan sa Quezon… Continue reading P29 Project ng Department of Agriculture, ilulunsad sa 10 Kadiwa Centers bukas

Bakuna kontra ASF, malapit nang maging available sa merkado ng Pilipinas

Malapit nang maging available sa merkado ng Pilipinas ang bakuna kontra sa African Swine Fever (ASF). Pahayag ito ni Agriculture Secretary Francisco Tiu laurel, sa ginawang pamamahagi ng presidential assistance sa Calbayog City, Samar, ngayong araw (July 4). Ayon sa kalihim, inaasahang maaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) sa susunod na dalawang linggo… Continue reading Bakuna kontra ASF, malapit nang maging available sa merkado ng Pilipinas

Meralco, pinaigting ang kampanya laban sa pagnanakaw ng metro ng kuryente

Pinalawig ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang kampanya laban sa pagnanakaw ng mga metro ng kuryente. Ito ay dahil sa dumaraming insidente ng pagbebenta ng mga nakaw na metro at mga kable ng kuryente sa online platforms. Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, aktibo silang nakikipagtulungan sa… Continue reading Meralco, pinaigting ang kampanya laban sa pagnanakaw ng metro ng kuryente

Sen. Raffy Tulfo, kinalampag ang Toll Regulatory Board na ayusin ang mga problema sa RFID system

Naghain ng resolusyon si Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Raffy Tulfo para maimbestigahan ang mga problema sa RFID system sa mga tollways. Sa inihaing Senate Resolution 1060 ng senador, pinunto nito ang pagkabahala sa mga reklamo sa palpak na RFID system na nagiging sanhi ng buhol-buhol na traffic sa mga expressway. Kabilang sa… Continue reading Sen. Raffy Tulfo, kinalampag ang Toll Regulatory Board na ayusin ang mga problema sa RFID system

DA, tinapos na ang pagsisiyasat sa Q fever na tumama sa mga kambing

Tinapos na ng Department of Agriculture (DA) ang imbestigasyon sa pagpasok sa bansa ng mga imported na kambing mula sa Estados Unidos na mayroong Q fever. Ayon sa impormasyon, ilan sa mga kambing sa farm ay nagkaroon na ng “issues” at nagpositibo sa Q fever noong Disyembre 29, 2023 bago sila dinala sa Pilipinas. Ang… Continue reading DA, tinapos na ang pagsisiyasat sa Q fever na tumama sa mga kambing

Foreign passenger, hawak na ng PNP matapos ang panibagong insidente ng bomb joke

Arestado sa Dipolog Airport ang isang foreign male passenger at kasalukuyang naka detain matapos ang isang bomb joke. Ayon sa report na natanggap ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Area Center 9, ang bomb joke incident ay nangyari mag aalas-6 ng umaga kanina kung saan sinabi ito ng isang male passenger sa kanyang… Continue reading Foreign passenger, hawak na ng PNP matapos ang panibagong insidente ng bomb joke