Kauna-unahang Halal Tourism and Trade Expo, ilulunsad bukas ng DOT

Nakatakdang ilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang kauna-unahang Halal Tourism and Trade and Expo sa bansa. Kung saan inaasahang makikita sa naturang expo ang mga ipinagmamalaking pagkain at delicacies ng ating mga kapatid na Muslim na ipapakilala sa bansa sa international tourism market. Ayon sa DOT, gaganapin ang naturang Halal expo sa Gateway Mall… Continue reading Kauna-unahang Halal Tourism and Trade Expo, ilulunsad bukas ng DOT

Japan, nais magkaroon ng partnership sa Pilipinas mula sa sektor ng clean energy at trade investment – DTI

Hangad ng bansang Japan na magkaroon ng partnership sa Pilipinas mula sa sektor ng clean energy at trade investment ng dalawang bansa. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ito ay matapos ang naging pagpupulong nila Japan Ministry for Economy and Trade Saito Ken alinsunod sa naging trilateral agreement ng Pilipinas, Japan at Estados Unidos sa… Continue reading Japan, nais magkaroon ng partnership sa Pilipinas mula sa sektor ng clean energy at trade investment – DTI

Konstruksyon ng Banlic Depot ng North-South Commuter Railway Project sa Calamba, Laguna, sisimulan na – DOTr

Sisimulan na ang konstruksyon ng Banlic Depot ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project sa Calamba, Laguna. Ito ay matapos na isagawa ang groundbreaking ceremony ng naturang proyekto ngayong araw. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang groundbreaking ng NSCR Depot ay patunay na mabilis ang pag-usad ng proyekto, isang taon matapos ang land development at… Continue reading Konstruksyon ng Banlic Depot ng North-South Commuter Railway Project sa Calamba, Laguna, sisimulan na – DOTr

MERALCO, magpapatupad ng P0.64 sentimo na dagdag singil sa kuryente ngayong Hunyo

Inanunsiyo ng Meralco na magpapatupad sila ng P0.64 kada kilowatt-hour na dagdag singil sa electric bill ngayong buwan ng Hunyo. Ayon sa Meralco, ang dadag-singil sa kuryente ay dahil sa mas mataas na generation charge at pass-through charges o mga gastos na dumaan lang sa kanila. Gaya na lamang ng mga binabayad sa mga power… Continue reading MERALCO, magpapatupad ng P0.64 sentimo na dagdag singil sa kuryente ngayong Hunyo

DA, nagpatupad ng temporary ban sa pag angkat ng mga ibon at poultry products mula sa Michigan

Ipinagbawal muna pansamantala ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng domestic and wild birds at poultry products mula sa Michigan, USA. Naglabas ng kautusan si DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos ang paglitaw ng H5N1 subtype ng Highly Pathogenic Avian Influenza sa nasabing bansa. Kabilang pa sa ipinagbawal na angkatin ang poultry meat,… Continue reading DA, nagpatupad ng temporary ban sa pag angkat ng mga ibon at poultry products mula sa Michigan

PCSO, itinanggi ang mga paratang laban sa ilang matataas na opisyal ng ahensya kaugnay sa umano’y katiwalian sa e-lotto agreement

Mariing itinanggi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga paratang ng katiwalian at pandarambong na inihain laban sa ilang matataas na opisyal ng ahensya. Ito ay kasunod ng reklamong inihain ng grupong FPJPM sa Office of the Ombudsman na may kaugnayan sa e-lotto agreement ng PCSO sa isang pribadong kumpanya. Sa isang panayam, ipinaliwanag… Continue reading PCSO, itinanggi ang mga paratang laban sa ilang matataas na opisyal ng ahensya kaugnay sa umano’y katiwalian sa e-lotto agreement

LRT-2, maghahandog ng libreng sakay sa mga pasahero sa Araw ng Kalayaan

Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa lahat ng mga pasahero bukas. Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan. Batay sa abiso, maaaring i-avail ang libreng sakay sa LRT Line 2 simula ng alas-7 umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang… Continue reading LRT-2, maghahandog ng libreng sakay sa mga pasahero sa Araw ng Kalayaan

ERC, pinagbawalan ang mga distribution utility sa Luzon at Visayas na singilin ang consumers base sa paunang billing ng WESM

Naglabas ng kautusan ang Energy Regulatory Commission (ERC) na nagbabawal sa lahat ng mga distribution utility (DU) sa Luzon at Visayas na singilin ang mga konsyumer base sa preliminary billing statement ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Ayon sa ERC, dapat maghintay muna ang mga distribution utility ng final billing statement mula sa Independent Electricity… Continue reading ERC, pinagbawalan ang mga distribution utility sa Luzon at Visayas na singilin ang consumers base sa paunang billing ng WESM

Mga nagbebenta ng vape, kailangang sumunod sa requirements ng BIR

Pinaalalahanan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang mga online platform at consumers na dapat silang sumunod sa requirements ng kawanihan sa pagbebenta ng vape products online. Pahayag ito ng BIR kasunod ng ulat na may online sellers ang aktibong nagbebenta ng kanilang mga produkto sa mababang presyo. Ayon kay BIR… Continue reading Mga nagbebenta ng vape, kailangang sumunod sa requirements ng BIR

Ban sa pag-aangkat ng domestic and wild birds at poultry products sa Australia, iniutos ng DA

Ipinag-utos na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa pag-angkat ng domestic and wild birds mula Australia. Ito’y matapos makumpirma ang outbreak ng H7N3 at H7N9, mga subtype ng highly pathogenic avian influenza virus. Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kabilang din sa ipinagbawal na iangkat ang poultry meat, day-old chicks, mga… Continue reading Ban sa pag-aangkat ng domestic and wild birds at poultry products sa Australia, iniutos ng DA