Rotational brownout, handang ipatupad muli ng MERALCO kasunod ng Red at Yellow Alert Status sa Luzon Grid ngayong araw

Muling umapila Manila Electric Company (MERALCO) sa mga customer nito na ipagpatuloy ang pagtitipid sa kuryente. Ito’y matapos ilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Red at Yellow Alert ang Luzon Grid, ngayong araw. Ayon sa MERALCO, nakahanda ulit silang magpatupad ng Manual Load Dropping o rotational brownout. Kaya’t nanawagan ito sa… Continue reading Rotational brownout, handang ipatupad muli ng MERALCO kasunod ng Red at Yellow Alert Status sa Luzon Grid ngayong araw

Bangko Sentral ng Pilipinas, binigyang halaga ang capital market development sa bansa

Isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na palakasin ang capital market ng Pilipinas. Ito ang binigyang halaga ni BSP Governor Eli Remolona sa ginanap na Economic Briefing sa Manila. Ayon kay Remolona, sa pamamagitan ng capital market, mas paghuhusayin ang transmission ng mga monetary policy mechanism upang gawing mas resilient ang financial system. Aniya,… Continue reading Bangko Sentral ng Pilipinas, binigyang halaga ang capital market development sa bansa

DA, umapela sa Japan Envoy para sa pagpapalakas ng pag-export ng Philippine agri products sa Japan

Humingi ng tulong si Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. kay Japanese Ambassador Endo Kazuya, para mapalakas ang pagluluwas ng mga produktong agrikultural ng Pilipinas sa Japan. Kabilang sa mga kahilingan ni Secretary Laurel ang pagbabawas ng taripa sa saging, pagbubukas ng merkado para sa avocado, pagpapalakas ng export ng mangga, at ang posibilidad… Continue reading DA, umapela sa Japan Envoy para sa pagpapalakas ng pag-export ng Philippine agri products sa Japan

Red at Yellow Alert Status sa Luzon Grid, pinalawig pa ng NGCP

Pinalawig pa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red Alert at Yellow Alert status sa Luzon grid ngayong araw. Batay sa abiso, pinalawig pa ang Red Alert status simula 1 PM hanggang 5 PM. Habang ang Yellow Alert status naman ay extended simula 12NN hanggang 1PM, at muling ipatutupad simula 5PM hanggang… Continue reading Red at Yellow Alert Status sa Luzon Grid, pinalawig pa ng NGCP

MERALCO, handang magpatupad ng rotational brownout kung kailangan matapos ilagay sa Red at Yellow alert ang Luzon grid ngayong araw

Muling nanawagan ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga commercial at industrial customer sa ilalim ng Interruptible Load Program (ILP) na magbawas ng konsumo ng kuryente. Sa ilalim ng ILP, ang mga malalaking kumpanyang gumagamit ng maraming kuryente ay pansamantalang hindi kukuha ng kuryente mula sa grid. Sa isang pahayag, sinabi ng MERALCO na… Continue reading MERALCO, handang magpatupad ng rotational brownout kung kailangan matapos ilagay sa Red at Yellow alert ang Luzon grid ngayong araw

Operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market sa Luzon, sinuspinde ng ERC

Inanunsiyo ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pansamantalang suspensyon sa operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa Luzon epektibo simula kaninang 1:05 PM. Ito ay bunsod ng kakulangan sa generation capacity matapos na isailalim sa Red Alert status ang grid. Ayon sa ERC, ang suspensyon ay alinsunod sa kanilang kautusan noong April 30, 2024.… Continue reading Operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market sa Luzon, sinuspinde ng ERC

NEDA Sec. Balisacan at Sen. Gatchalian, nagpulong upang paigtingin ang mga programa para sa edukasyon at digital connectivity

Nagpulong sina National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at Senator Sherwin Gatchalian upang pag-usapan ang mga hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon at digital connectivity sa bansa. Sa naturang pulong, kabilang sa tinalakay ang mga panukalang batas tulad ng Batang Magaling Act, Basic Education and Early Childhood Care and Development Alignment Act, at… Continue reading NEDA Sec. Balisacan at Sen. Gatchalian, nagpulong upang paigtingin ang mga programa para sa edukasyon at digital connectivity

Toll free discount para sa truckers na naghahatid ng mga produktong agrikultural, ikinatuwa ng DA

Nagpasalamat ang Department of Agriculture (DA) sa mga tollway operator sa Luzon dahil sa pagbibigay ng diskwento sa mga truck na nagdadala ng mga produktong agrikultural. Sa ilalim ng Agri-Trucks Toll Rebate initiative, na ipatutupad simula sa June 1, hindi na magbabayad ng dagdag toll fee ang mga DA-accredited trucker na dumadaan sa mga pangunahing… Continue reading Toll free discount para sa truckers na naghahatid ng mga produktong agrikultural, ikinatuwa ng DA

Tourism Secretary Frasco, mainit na tinanggap ang mga participant sa Connections Luxury 2024 sa Boracay

Sa patuloy na pag-promote ng mga ipinagmamalaking tourism sites at mga produkto ng ating bansa. Nagtungo at nakipag meet and greet si Tourism Secretary Christina Frasco sa mga deligado ng Philippine Connections Luxury 2024. Kung saan personal na nagtalumpati ang kalihim at tiniyak ang patuloy na pagsuporta ng Tourism Department sa international buyers at Philippine… Continue reading Tourism Secretary Frasco, mainit na tinanggap ang mga participant sa Connections Luxury 2024 sa Boracay

Trade Secretary Pascual, lumagda sa IRR ng Tatak Pinoy Act

Lumagda si Trade Secretary Alfredo Pascual sa isang implementing rules and regulations (IRR) sa Tatak Pinoy Act upang mas mapalakas pa ang sektor ng agrikultura gayundin ang sektor ng manufacturing sa bansa. Kung saan layon ng naturang polisya na magkaroon ng isang comprehensive frame work ang Pilipinas para sa mga polisyang magbibigay inisyatibo sa naturang… Continue reading Trade Secretary Pascual, lumagda sa IRR ng Tatak Pinoy Act