PCSO, namahagi ng tulong para sa 15 paaralan sa Sorsogon City

Nagbigay ng tulong ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa Lungsod ng Sorsogon. Sa isang turnover ceremony na pinanguhan ni PCSO General Manager Mel Robles kasama ang iba pang opisyal ng ahensya, ipinagkaloob ang tulong sa naturang lungsod na tinanggap ni Sorsogon City Mayor Maria Ester Hamor sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.… Continue reading PCSO, namahagi ng tulong para sa 15 paaralan sa Sorsogon City

MRT-3, may handog na libreng sakay sa lahat ng pasahero bukas

Inanunsiyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 na maghahandog ito ng “libreng sakay”para sa lahat ng mga pasahero ng tren bukas, Abril 9, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan. Sa abiso ng MRT-3, libreng makakasakay ang mga pasahero sa peak hours ng operasyon ng linya mula alas-7 hanggang alas-9 ng… Continue reading MRT-3, may handog na libreng sakay sa lahat ng pasahero bukas

3 bodega at pagawaan ng sigarilyo sa Cavite, sinalakay at isinara ng BIR

Aabot sa P5.4 billion na pagkakautang sa buwis ang nadiskubre ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mga negosyante ng fake o illicit cigarettes sa Lalawigan ng Cavite. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sinalakay ng BIR ang tatlong bodega o pabrika sa Indang at Dasmariَñas dahil sa iligal na paggawa at pagbebenta… Continue reading 3 bodega at pagawaan ng sigarilyo sa Cavite, sinalakay at isinara ng BIR

LRT-2, mananatiling regular ang operasyon sa Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magpapatupad ng regular na operasyon ang LRT-2 bukas, April 9 (Araw ng Kagitingan) at sa Miyerkules, April 10 (Eid’l Fitr). Ito ay para makapagserbisyo sa mga pasahero ng LRT-2 sa mga naturang araw. Samantala, aarangkada ang Libreng Sakay sa LRT-2 para sa lahat ng mga pasahero bukas… Continue reading LRT-2, mananatiling regular ang operasyon sa Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr

Usapin sa WPS, posibleng makaapekto sa negosyo at pagpasok ng investors sa bansa, ayon sa FFCCCII

Naniniwala ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc., na nakakaapekto sa negosyo sa bansa ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China. Ayon kay FFCCCII President Dr Cecilo Pedro, dahil sa isyu sa West Philippine Sea, bilyun-bilyong pisong pamumuhunan ang  posibleng mawala sa bansa. Paliwanag ni Dr.Pedro, takot at umiiwas ang mga investors… Continue reading Usapin sa WPS, posibleng makaapekto sa negosyo at pagpasok ng investors sa bansa, ayon sa FFCCCII

Pamahalaan, “double effort” na maibsan ang epekto ng weather disturbances sa bansa

Photo courtesy of Department of Finance

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto sa publiko ang pinaigting na aksyon ng gobyerno para higit na maprotektahan ang “purchasing power” ng mga Pilipino mula sa epekto ng El Niño at La Niña. Sinabi ni Recto, nakatutok ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market outlook sa pag-monitor ng weather related disturbances maging ang ilang external… Continue reading Pamahalaan, “double effort” na maibsan ang epekto ng weather disturbances sa bansa

Tulong sa publiko vs. inflation, inilunsad ng isang pribadong supermarket

Bilang alalay sa nararamdamang inflation sa bansa ay ilulunsad ng Super8 supermarket ang isang 2-day summer sale kung saan magbibigay ito ng mga diskwento sa kanilang mga mamimili. Ayon kay Super8 Chief Executive Officer Alvin Lim, ang kanilang pangako ay ang makapagbigay ng access sa mga Pilipino para mga pinakamahahalaga at pangunahing produkto at ang… Continue reading Tulong sa publiko vs. inflation, inilunsad ng isang pribadong supermarket

Voucher system sa ilalim ng National Rice Program, nirerepaso ng DA

Nirerepaso na ng Department of Agriculture (DA) ang voucher system ng National Rice Program at asahan ang malaking pagbabago sa susunod na mga buwan. Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. kailangang ayusin ang voucher system upang matiyak na nagagamit ng maayos ang pondo ng gobyerno. Gayundin ang matiyak na makakakuha ng buong benepisyo… Continue reading Voucher system sa ilalim ng National Rice Program, nirerepaso ng DA

PCSO, nagpaalala sa publiko na maging mapanuri sa mga email at text message na kanilang natatanggap dahil sa mga scam sa lotto

Pinaalalahan ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) ang publiko na maging mapanuri sa mga email at text message na kanilang natatanggap. Kasunod ito ng mga kumakalat na email at text message na nagpapanggap na sila ay taga-PCSO at tumatanggap ng taya sa mga bettor. Sa abiso ng PCSO, sinabi nitong walang opisyal o empleyado ng… Continue reading PCSO, nagpaalala sa publiko na maging mapanuri sa mga email at text message na kanilang natatanggap dahil sa mga scam sa lotto

DTI at isang Japanese firm, nagkasundo para sa pagsasanay ng mga Pilipino sa AI technology sa Pilipinas

Upang mas mapalaganap ang kamalayan ng ating bansa sa Artificial Intelligence (AI) Technology sa Pilipinas. Lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Japanese firm na rinna Co., Ltd. para sa isang training partnership ng dalawang bansa sa AI sa Pilipinas. Ayon sa DTI, layon ng naturang… Continue reading DTI at isang Japanese firm, nagkasundo para sa pagsasanay ng mga Pilipino sa AI technology sa Pilipinas