Mga tanggapan at kawani ng pamahalaan, nangunguna sa pagtitipid ng kuryente – DOE  

Nangunguna ang mga opisina at kawani ng gobyerno sa pagtitipid ng enerhiya upang makiisa sa energy conservation sa ating bansa. Ayon sa Department of Energy (DOE) nasa 1,085 na opisina ang dumaan sa spot-check at 938 naman na opisina ang dumaan sa energy audit noong nakaraang taon. Mula dito ay nakapagtala ng P300 million na… Continue reading Mga tanggapan at kawani ng pamahalaan, nangunguna sa pagtitipid ng kuryente – DOE  

9 na produkto, pinayagang magtaas ng presyo sa mga susunod na araw – DTI

Pinayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang siyam na produkto na magtaas ng kanilang suggested retail price (SRP) sa kanilang produkto sa mga susunod na araw. Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, aabot sa P1.50 hanggang P6 ang taas sa mga produkto ng sardinas, powdered milk, at toilet soap. Dagdag pa… Continue reading 9 na produkto, pinayagang magtaas ng presyo sa mga susunod na araw – DTI

Mga istratehiya sa pagkamit ng revenue collection target na P4.3 trillion, tinalakay ni Finance Sec. Recto sa BIR

Pinangunahan ni Finance Secretary Ralph Recto ang strategic planning efforts sa pagkamit ng P4.3 trillion na revenue target. Tinalakay ni Recto sa harap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga istratehiya para palakasin ang tax administration ng bansa, at maabot ang revenue goal na itinakda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para ngayong taong… Continue reading Mga istratehiya sa pagkamit ng revenue collection target na P4.3 trillion, tinalakay ni Finance Sec. Recto sa BIR

Policy setting ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 6.5%, mananatili ng mas matagal pa – BSP Gov. Eli Remolona

Mananatili ang policy setting ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa unang bahagi ng taon ayon kay BSP Governor Eli Remolona. Sa isang panayam, sinabi nito na hindi pa posible na magkaroon ng rate cut ngayong February 15, 2024. Paliwanag ni Remolona, ito ay dahil ang inflation forecast para sa taong 2024 ay mataas pa… Continue reading Policy setting ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 6.5%, mananatili ng mas matagal pa – BSP Gov. Eli Remolona

Ilang barangay sa QC, mawawalan ng tubig simula ngayong gabi ayon sa Manila Water

Makakaranas ng water service interruption ang ilang sineserbisyuhan ng Manila Water sa Lungsod Quezon, simula ngayong gabi. Sa abiso ng Manila Water, may isasagawa silang line maintenance sa mga apektadong lugar. Kabilang sa maaapektuhang lugar ang ilang bahagi ng Brgy. Socorro at Brgy. Proj. 6 mula mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw… Continue reading Ilang barangay sa QC, mawawalan ng tubig simula ngayong gabi ayon sa Manila Water

Operasyon ng bagong transport network company na inDrive, sinuspinde ng LTFRB

Kinumpirma ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pagsuspinde sa operasyon ng bagong transport network company (TNC) na inDrive. Ito ang napagdesisyunan sa ginanap na pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, pinatawan ng suspension ng LTFRB ang TNC dahil sa paglabag sa fare… Continue reading Operasyon ng bagong transport network company na inDrive, sinuspinde ng LTFRB

SMC, bukas sa pagbibigay ng RFID discount para sa mga senior at PWD

Nakakuha ng commitment ang Kamara mula sa San Miguel Corp. (SMC) na aaralin nila kung paano mabibigyan ng diskwento ang mga senior at PWD sa expressways na kanilang pinamamahalaan. Ito ang inihayag ni dating DPWH undersecretary Rafael Yabut, na siya ngayong pinuno ng SMC Infrastructure Group sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Ways and Means… Continue reading SMC, bukas sa pagbibigay ng RFID discount para sa mga senior at PWD

Higit 44,600 business establishments, sumailalim sa Tax Compliance Verification Drive ng BIR

Aabot sa 44,611 business stablishments sa buong bansa ang sumailalim sa Nationwide Tax Compliance Verification Drive ng Bureau of Internal Revenue nitong nakalipas na linggo. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., natuklasan ng kawanihan ang mga karaniwang paglabag sa iba’t ibang negosyo. Bunga nito, tinuruan ang mga taxpayer kung paano maging compliant sa tax… Continue reading Higit 44,600 business establishments, sumailalim sa Tax Compliance Verification Drive ng BIR

House Tax Chief, pinasalamatan ang isang kilalang coffee shop sa pagtatama ng diskwento para sa vulnerable sectors

Pinuri ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang sikat na coffee shop sa pagtatama nito sa naging pagkakamali nang limitahan ang diskwentong maaaring i-avail ng mga PWD, senior citizen at iba pang kabilang sa vulnerable sector. Batay sa anunsiyo ng Starbucks Philippines, magbibigay sila ng 40% discount sa lahat ng pagkain at… Continue reading House Tax Chief, pinasalamatan ang isang kilalang coffee shop sa pagtatama ng diskwento para sa vulnerable sectors

Finance Sec. Recto, nanumpa na bilang miyembro ng Monetary Board ng BSP

Nanumpa na si Finance Secretary Ralph Recto bilang miyembro ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Monetary Board. Ang panunumpa ay pinangunahan ni BSP Governor Eli Remolona kaninang hapon. Si Recto ang pinakabagong miyembro at bubuo ng 7-member Monetary Board kasunod ng kanyang pagkakatalaga bilang Finance Chief. Mahalaga ang kanyang magiging papel ngayong minimintine ng BSP… Continue reading Finance Sec. Recto, nanumpa na bilang miyembro ng Monetary Board ng BSP