Pangulong Marcos Jr., pangungunahan ang pamamahagi ng 13,527 CoCRoM sa Region 12

Asahan nang mabubura ang P939-milyong utang ng mga magsasaka sa SOCCKSARGEN Region. Ayon sa Departmentnof Agrarian Reform (DAR), pangungunahan bukas ni Pangulong Ferdomand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng 13,527 Certificates of Condonation with Release of Mortgages (CoCRoM) sa mga magsasaka. Gaganapin ang distribusyon sa Sarangani National Sports Center, sa Alabel, Sarangani. Aabot sa 11,699… Continue reading Pangulong Marcos Jr., pangungunahan ang pamamahagi ng 13,527 CoCRoM sa Region 12

Apple pay at Google Pay, posible nang pumasok sa PH market –BSP

Para isulong ang cashless payment at alinsunod sa six-year Digital Payments Transformation Roadmap.. Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang posibleng pagpasok sa Philippine market ng Apple Pay at Google Pay. Ayon kay BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan, nakipag-usap na ang dalawang tech giants sa central bank, isang senyales upang mas lalong palakasin ang… Continue reading Apple pay at Google Pay, posible nang pumasok sa PH market –BSP

Toxic watchdog group, nagbabala sa pagbili ng skin whiteners na nagmula sa Pakistan

Pinag-iingat ng Ecowaste Coalition ang publiko sa paggamit ng dalawang hindi otorisadong facial creams na ipinuslit mula sa Pakistan. Ayon sa toxic watchdog group, natuklasan na naglalaman ng mataas na konsentrasyon ng mercury ang skin whiteners. Ang mercury ay isang mapanganib na kemikal na ipinagbabawal sa cosmetic products. Kalat na ibinebenta sa Pasay City, ang… Continue reading Toxic watchdog group, nagbabala sa pagbili ng skin whiteners na nagmula sa Pakistan

P100–M production grant para sa tobacco farmers sa buong bansa, nakahanda nang ipamahagi — DA

Photo courtesy of Department of Agriculture (DA)

Nakahanda nang ipamahagi ng National Tobacco Administration (NTA) ang P100 million crop production grant sa mga magsasaka ng tabako sa buong bansa para sa cropping year 2024 – 2025. Ayon kay Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano, may 16,666 tobacco farmers ang mabibigyan ng tig P6,000 cash assistance bago ang Disyembre 15, 2024. Sa kabuuang bilang,… Continue reading P100–M production grant para sa tobacco farmers sa buong bansa, nakahanda nang ipamahagi — DA

Global investment roadshow, ilulunsad sa susunod na taon para ipakilala ang CREATE MORE Act sa foreign investors

Nakatakdang maglunsad ang Pilipinas ng global investment roadshow para sa Create More. Ayon kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, ang roadshow ay ilulunsad kapag natapos na ang implementing rules and regulations (IRR) ng CREATE MORE, sa Pebrero ng susunod na taon. Paliwanag ni Go.. magkatuwang ang Board… Continue reading Global investment roadshow, ilulunsad sa susunod na taon para ipakilala ang CREATE MORE Act sa foreign investors

Panukalang Green Lane for Strategic Investment Act, lusot na sa komite level sa Kamara

Inaprubahan ng House Ways and Means Committee ang panukalang i-institutionalize ang Green Lane Program para mas gawing madali ang pagnenegosyo sa bansa. Sa pagtakay ng komite sa sa panukala, sinabi ni Bukidnon 14st District Rep. Jose Manuel Alba layon ng panukalang batas na gawing institutional na ang Executive Order no. 18 na inisyu ng Malacanang… Continue reading Panukalang Green Lane for Strategic Investment Act, lusot na sa komite level sa Kamara

House labor panel chair, nanawagan para sa pagpapabuti ng labor inspection system ng bansa

Umapela si House Labor and Employment Committee chair Fidel Nograles sa pamahalaan na palakasin ang kapabilidad nito sa pagsasagawa ng labor inspection. Kasunod ito ng pagratipika ng Pilipinas sa Labor Inspection Convention No. 81 ng International Labor Organization (ILO). Kailangan aniya tiyakin na hindi lang basta isang piraso ng papel o dokumento ang Labor Inspection… Continue reading House labor panel chair, nanawagan para sa pagpapabuti ng labor inspection system ng bansa

GDP growth targets ng bansa para sa 2024-2028, nirepaso ng economic managers

Nirepaso ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang medium term macroeconomic assumption at fiscal program ng gobyerno para sa taong 2024 to 2028. Sa pinakahuling pulong ng DBCC.. inaprubahan ng economic team ang gross domestic targets ng bansa bilang tugon sa emerging domestic at global developments. Para ngayong taon, kumpiyansa ang DBCC na kaya pang… Continue reading GDP growth targets ng bansa para sa 2024-2028, nirepaso ng economic managers

Manila Water at UP Diliman, naglunsad ng research program na magpapahusay sa wastewater management

Magtutulungan ang Manila Water at University of the Philippines Diliman para pahusayin ang kakayahan sa pamamahala sa tubig at wastewater. Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng Manila Water at UP Diliman para sa research program, na tinawag na Removal of Excess Nitrogen and Endocrine Disruptors from Wastewater (RENEW). Nilalayon ng Project RENEW na… Continue reading Manila Water at UP Diliman, naglunsad ng research program na magpapahusay sa wastewater management

DBCC, determinadong bawasan ang fiscal deficit at itaas ang revenue collection hanggang 2028

Kumpiyansa ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) na kayang makamit ang revenue target na ikinasa hanggang sa taong 2028. Sa inilabas na statement ng DBCC, sinabi ng economic managers na determinado silang bawasan ang deficit o kakulangan sa pamamagitan ng long term investment, paglikha ng mas maraming trabaho, mataas na sweldo at bawasan ang poverty… Continue reading DBCC, determinadong bawasan ang fiscal deficit at itaas ang revenue collection hanggang 2028