Senador, aminadong masama ang loob sa pagsusulong ni senadora risa hontiveros na makipagtulungan ang gobyerno sa ICC

Aminado si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na masama ang loob niya kay Senadora Risa Hontiveros matapos nitong maghain ng resolusyon ngayong araw na naghihikayat sa malakanyang na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Internatiopnal Criminal Court (ICC) tungkol sa naging war on drugs ng administrasyon ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ngayong hapon, sinabi ni… Continue reading Senador, aminadong masama ang loob sa pagsusulong ni senadora risa hontiveros na makipagtulungan ang gobyerno sa ICC

Matatag na ekonomiya ng Marcos Jr. Administration, ipinagmalaki ni Finance Sec. Diokno sa harap ng 200 top CEO at businessmen sa bansa

Ipinagmalaki ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa harap ng mga Chief Executive Officer (CEO) ang matibay at malakas na ekonomiya ng Marcos Jr. Administration. Sa kanyang pagharap sa BizNewsAsia 22nd Anniversary, sinabi ni Diokno na ang Pilipinas ay nakapagtala ng pinakamataas na paglago sa Southeast Asia ngayong taon, at inaasahang maging sa susunod na taong… Continue reading Matatag na ekonomiya ng Marcos Jr. Administration, ipinagmalaki ni Finance Sec. Diokno sa harap ng 200 top CEO at businessmen sa bansa

DOLE nagpapaalala sa mga employer sa pagbibigay ng karampatang sahod sa November 27, Bonifacio Day

Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer para sa karampatang sahod na dapat matanggap ng kanilang mga manggagawa ngayong idineklarang regular holiday ang November 27, araw ng Lunes, para sa Bonifacio Day. Ito ay kasunod na rin ng Proclamation No. 90, Series of 2022 na inilabas ng Malacañan sang-ayon sa… Continue reading DOLE nagpapaalala sa mga employer sa pagbibigay ng karampatang sahod sa November 27, Bonifacio Day

P141-B investments, naitala ng PEZA

Aabot na sa halos P140.88 bilyon ang naitalang investment ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ngayong mid-November, katumbas ito ng 147% na pag-akyat mula sa parehong panahon noong 2022. Ayon kay PEZA Director-General Tereso Panga sa kanyang talumpati sa PEZA 28th Investors Night, tiwala siyang malalagpasan ng ahensya ang kanilang target. Kung saan ayon kay… Continue reading P141-B investments, naitala ng PEZA

Open Government Partnership, panawagan ng DBM Chief para sa mapayapang Mindanao

Ipinanawagan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalakas ng Open Government Partnership (OGP) upang mapangalagaan ang kapayapaan sa Mindanao at itaguyod ang hinahangad na socio-economic recovery ng bansa. Ayon kay Secretary Pangandaman, mahalaga ang papel ng OGP sa pagpapatibay ng transparency at full digitalization sa gobyerno. Alinsunod na rin sa… Continue reading Open Government Partnership, panawagan ng DBM Chief para sa mapayapang Mindanao

Presyo ng produktong petrolyo inaasahang tataas sa susunod na linggo

Asahan na tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo partikular na sa presyo ng kerosene at diesel. Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Bureau Assistant Director Rodela Romero, magtataas ng P0.20 hanggang P0.40 sentimo ang kada litro ng diesel habang tataas naman ang presyo ng kerosene sa P0.35 hanggang P0.50… Continue reading Presyo ng produktong petrolyo inaasahang tataas sa susunod na linggo

DTI, matagumpay na naisagawa ang investment roadshow sa Osaka Japan; Pagpapatibay sa economic ties ng 2 bansa, mas pinaigting pa

Matagumpay na naisagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang investment roadshow sa bansang Japan at ang pagpapalakas ng economic ties ng dalawang bansa. Ayon kay Philippine Trade and Investment Center Commercial Councelor Micheal Alfred Ignacio, kabilang sa mga matagumpay na partnerships mula sa Japan ay mula sa sektor ng freeports at economic zones… Continue reading DTI, matagumpay na naisagawa ang investment roadshow sa Osaka Japan; Pagpapatibay sa economic ties ng 2 bansa, mas pinaigting pa

Ride hailing company, nag-alok ng reward sa sinumang makapagtuturo sa sasakyang bumanga ng isang motorcycle riding taxi na ikinasugat ng driver at angkas nito

Nag-alok ng pabuya ang ride hailing company na Angkas para sa sinumang makapagtuturo sa motoristang bumangga sa isang motorcycle taxi na ikinasugat ng driver at angkas nito. Ito’y makaraang mag-viral ang isang video na pinost sa social media hinggil sa nangyaring insidente kaninang umaga sa bahagi ng EDSA Santolan sa Mandaluyong City. Ayon kay George… Continue reading Ride hailing company, nag-alok ng reward sa sinumang makapagtuturo sa sasakyang bumanga ng isang motorcycle riding taxi na ikinasugat ng driver at angkas nito

Noche Buena price guide, inilabas na ng DTI

Pormal nang inilabas ngayong araw ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang price guide para sa mga Noche Buena product. Ito ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual ay para magsilbing gabay ng mga mamimili ng kanilang mga bibilhing panghada ngayong papalapit na Pasko. Ilan sa mga itinuturing na Noche Buena products ay ang… Continue reading Noche Buena price guide, inilabas na ng DTI

69 na korporasyon, kinasuhan dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis – BIR

Pormal nang sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang 69 na korporasyon at mga opisyal nito. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., 15 kasong kriminal ang isinampa laban sa mga buyer at seller ng ghost receipts na nahuli sa ilalim ng Run After Fake Transactions… Continue reading 69 na korporasyon, kinasuhan dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis – BIR