P5 bilyong, nakalaan para sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng NAIA

Tuloy-tuloy ang ginagawang pagsasaayos at pagpapaganda sa mga pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ay sa harap na rin ng napipintong pagsasapribado ng pangunahing paliparan ng Maynila gayundin sa dumaraming pasahero nito. Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Officer-In-Charge Brian Co, aabot sa P5 bilyong ang nakalaang pondo para sa pagsasaayos sa… Continue reading P5 bilyong, nakalaan para sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng NAIA

Dating miyembro ng Monetary Board ng BSP na si Eli Remolona, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. bilang bagong Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Eli Remolona, bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, malaki ang maiaambag ni Remolona sa kaniyang bagong papel dahil sa lawak ng karanasan nito at achievement sa central banking, economic policy, international finance, at financial markets. “Throughout… Continue reading Dating miyembro ng Monetary Board ng BSP na si Eli Remolona, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. bilang bagong Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Taas presyo sa mga produktong petrolyo, nagbabadya na naman sa susunod na linggo

May aasahang taas-presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ito ay ayon sa source ng Radyo Pilipinas mula sa oil industry players, batay sa kanilang apat na araw na pagbabantay sa trading. Batay sa monitoring, posibleng maglaro sa P1 hanggang P1.20 ang magiging taas presyo sa kada litro ng gasolina. Habang nakikita namang… Continue reading Taas presyo sa mga produktong petrolyo, nagbabadya na naman sa susunod na linggo

8 biyahe ng PAL mula at patungong Cotabato, kanselado

Nagpalabas na ng kanilang abiso ang Philippine Airlines (PAL) hinggil sa kanilang mga kanseladong biyahe mula at patungong Cotabato. Ito ay kasunod ng inilabas na Notice to Airmen (NOTAM) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), hinggil sa limitadong operasyon ng nasabing paliparan dahil sa mga nakitang bitak sa runway nito. Epektibo ngayong araw,… Continue reading 8 biyahe ng PAL mula at patungong Cotabato, kanselado

Ilang lugar sa Quezon City, makararanas ng water service interruption

Makararanas ng water service interruption ang ilang lugar sa Quezon City. Ito ay bunsod ng isasagawang pipe maintenance ng Manila Water. Batay sa abiso, kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ang Barangay Paligsahan at Barangay Laging Handa, mula 10 PM ngayong June 22 hanggang 4 AM ng June 23. Pinapayuhan ang mga apektadong residente na… Continue reading Ilang lugar sa Quezon City, makararanas ng water service interruption

Pagbabago sa terminal assignments ng mga airline company, hiniling na ipagpaliban muna

Umapela si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Manila International Airport Authority (MIAA) na huwag muna ipatupad ang planong pagbabago sa terminal assignment ng mga airline company. Aniya, bagamat maganda ang intensyon ng Schedule and Terminal Assignment Rationalization (STAR) program ay napalala pa rin nito ang passenger congestion sa NAIA. Inihalimbawa nito ang naging sitwasyon… Continue reading Pagbabago sa terminal assignments ng mga airline company, hiniling na ipagpaliban muna

4 na flights sa Bicol International Airport, kanselado ngayong araw

Nagbigay abiso ang pamunuan ng Cebu Pacific na kanselado ang apat nilang flights mula Bicol patungong Maynila gayundin sa Cebu at pabalik. Ayon sa Civil Aviation Authority (CAAP), kanselado ang Cebu Pacific flight 5J 321 at 5J 322 na biyaheng Manila patungong Daraga at pabalik, dulot ng Aircraft Additional Requirements Kanselado rin ang CebGo flight… Continue reading 4 na flights sa Bicol International Airport, kanselado ngayong araw

ERC, rerebyuhin ang aplikasyon ng power utilities sa power cost adjustment

Nakatakdang rebyuhin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang aplikasyon ng power utility companies para sa power cost adjustment sa loob ng dalawa hangang tatlong buwan. Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, nasa 48 distribution utilities ang nag-apply sa naturang power cost adjustment. Dagdag pa ni Dimalanta, na ang naturang aplikasyon ay mula pa noong 2020… Continue reading ERC, rerebyuhin ang aplikasyon ng power utilities sa power cost adjustment

Philippine Airlines, nagsuspinde ng biyahe sa ilang bansa dahil sa kakapusan ng eroplano

Pansamantalang nagkansela ng kanilang biyahe ang tinaguriang flag carrier ng bansa na Philippine Airlines (PAL). Ito ay sa harap na rin ng usapin hinggil sa kakulangan ng mga eroplano ng nasabing airline company. Kabilang sa mga pansamantalang kinansela ng PAL ay ang mga biyahe nito patungong Canada, Hong Kong, Kansai, Fukoka at Narita sa Japan… Continue reading Philippine Airlines, nagsuspinde ng biyahe sa ilang bansa dahil sa kakapusan ng eroplano

MIAA, may paalala sa domestic flights passengers sa NAIA kasunod ng bagong terminal assignment

Nagpaalala ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero partikular na ng domestic flights, na agahan ng tatlong oras ang kanilang pagtungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2. Ito ay kasunod ng paglilipat ng domestic flight operations ng AirAsia Philippines sa NAIA Terminal 2 epektibo sa Hulyo 1. Ayon kay MIAA Officer-In-Charge… Continue reading MIAA, may paalala sa domestic flights passengers sa NAIA kasunod ng bagong terminal assignment