Bagong WESMINCOM Chief, tumanggap ng marching orders mula kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.

Pormal nang umupo si Major General Antonio Nafarrete bilang bagong pinuno ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) kapalit ni Lieutenant General William Gonzales na nagretiro na sa serbisyo. Mismong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. ang nanguna sa Change of Command Ceremony sa Camp General Navarro sa Zamboanga… Continue reading Bagong WESMINCOM Chief, tumanggap ng marching orders mula kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.

BSP, posibleng panatilihing steady ang borrowing cost depende sa inflation

Posibleng manatili ang borrowing cost kung magpapatuloy ang inflationary pressures. Sa isang panayam kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Eli Remolona Jr. sa BSP-IMF Systematic Risk Dialogue, sinabi nito na magdedepende ito sa  inflation at paglago ng ekonomiya. Aniya, magbabase ang monetary board sa datos kung magkakaroon ng pagbawas ng interest rate. Una nang sinabi… Continue reading BSP, posibleng panatilihing steady ang borrowing cost depende sa inflation

Higit P206-M na utang ng nasa 2,000 magsasaka sa Pampanga, binura na ng Marcos Admin

Tinatayang higit P206 million na pagkakautang ng mga magsasaka sa Pampanga ang binura ngayong umaga (November 21) ng Marcos Administration. “Kasama na rito ang amortisasyon, ang interes, at iba pang mga surcharge na nakaangkla sa inyong mga lupang sakahan sa loob ng napakahabang panahon. Simula ngayon, pinapawalang-bisa na po natin ang inyong utang sa lupang… Continue reading Higit P206-M na utang ng nasa 2,000 magsasaka sa Pampanga, binura na ng Marcos Admin

Seismic Hazard Atlas for the Design Earthquake o SHADE Project, inilunsad ng PHIVOLCS

Sa layong mapaigting pa ang seismic resilience ng bansa, inilunsad ngayong araw ng DOST-PHIVOLCS ang SHADE project o Seismic Hazard Atlas para sa Design Earthquake Pinangunahan ni DOST Sec. Renato Solidum at Phivolcs Dir. Teresito Bacolcol ang paglulunsad ng proyekto sa PHIVOLCS Auditorium, Quezon City ngayong araw. Tampok sa naturang atlas ang mga seismic hazard… Continue reading Seismic Hazard Atlas for the Design Earthquake o SHADE Project, inilunsad ng PHIVOLCS

Balance of payments, naitala sa $724-M deficit ngayong Oktubre

Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang kabuuang balance of payments (BOP) deficit ng bansa sa $724-M para sa buwan ng Oktubre. Ayon sa BSP ang deficit o kakulangan ay dulot ng mga pag withdraw ng National Government sa foreign currency upang bayaran ang mga utang panlabas at para pondohan ang iba’t-ibang gastusin ng mga… Continue reading Balance of payments, naitala sa $724-M deficit ngayong Oktubre

DoF, inilahad ang mga hakbang upang gawing future proof ang ekonomiya ng bansa sa ginanap na FINEX Cebu Summit

Binigyang diin ng Department of Finance ang kahalagahan digitalization, sustainability at diversification upang pasiglahin ang negosyo at ekonomiya ng bansa. Sinabi ni DoF Revenue Operations Group Undersecretary Charlito Martin Mendoza sa 6th Financial Executives Institute of the Philippines (Finex) Cebu Summit, ang mga pundasyon at patakaran para sa katatagan ng pagnenegosyo. Ang Finex ay isang… Continue reading DoF, inilahad ang mga hakbang upang gawing future proof ang ekonomiya ng bansa sa ginanap na FINEX Cebu Summit

Kamara, kaisa sa pangako ni PBBM na magpapaabot ng tuloy-tuloy na tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Bicol

Hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga sinalanta ng magkakasunod na bagyo. Ito ang pangako ni Speaker Martin Romualdez sa mga taga Catanduanes sa kaniyang pagbisita ngayong araw para magpaabot ng tulong. Kasama niya sina Catanduanes Rep. Leo Rodriguez at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa Tabang Bicol, Tindog Oragon relief caravan. Maliban sa relief… Continue reading Kamara, kaisa sa pangako ni PBBM na magpapaabot ng tuloy-tuloy na tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Bicol

Pag-iisyu ng guarantee letter ng DSWD, hanggang Dec. 13 nalang

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hanggang December 13 na lamang muna ito makakapagisyu ng guarantee letter para sa mga nangangailangang mamamayan. Sa DSWD Forum, sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na ito ay para bigyang daan ang pagaasikaso ng mga kinakailangang dokumento para mabayaran ang mga service providers ng kagawaran.… Continue reading Pag-iisyu ng guarantee letter ng DSWD, hanggang Dec. 13 nalang

Mga magsasaka at mangingisdang apektado ng bagyong Nika, Ofel at Pepito, higit 12,000 na

Umakyat na sa 12,629 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa na apektado ng matinding ulan at bahang dulot ng Bagyong Nika, Ofel at Pepito, ayon yan sa Department of Agriculture. Sa pinakahuling bulletin ng DA, kabilang sa mga rehiyong nagtala ng pinsala ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon,… Continue reading Mga magsasaka at mangingisdang apektado ng bagyong Nika, Ofel at Pepito, higit 12,000 na

Mga pangalan sa acknowledgment receipt na isinumite ng OVP at DEPED para sa ginastos na confidential funds, pinapasuri na sa PSA at NBI

Hiniling ni Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon na mai-refer sa Philippine Statistics Authority o PSA ang nasa 158 na kahina-hinalang acknowledgement receipts na isinumite ng Office of the Vice President para sa paggamit ng confidential funds. Ayon kay Bongalon, ito ay para maberipika kung talaga bang totoong tao ang mga pangalan na nakasulat sa… Continue reading Mga pangalan sa acknowledgment receipt na isinumite ng OVP at DEPED para sa ginastos na confidential funds, pinapasuri na sa PSA at NBI