PNP, may sapat na tauhan para tiyakin ang seguridad ng pagbisita ni Indonesian Pres. Joko Widodo at ng Traslacion ng Itim na Nazareno

Muling tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na may sapat silang tauhan para tutukan ang dalawang mahahalagang okasyon sa bansa ngayong buwan. Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, kasunod ng isasagawang Traslacion ng Itim na Nazareno at ang pagbisita ni Indonesian President Joko Widodo bukas, January 9. Paliwanag ni… Continue reading PNP, may sapat na tauhan para tiyakin ang seguridad ng pagbisita ni Indonesian Pres. Joko Widodo at ng Traslacion ng Itim na Nazareno

MMDA, hihilingin sa LTO na bawiin ang lisensya ng driver na bumundol sa traffic enforcer matapos dumaan sa busway

Hihilingin ngayon ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) na i-revoke o bawiin ang lisensya ng driver ng kotseng nagtangkang tumakas dahil sa pagdaan sa ESDA Busway. Ito’y ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, matapos ang ginawa nilang imbestigasyon hinggil sa nangyaring insidente kahapon ng umaga. Ayon… Continue reading MMDA, hihilingin sa LTO na bawiin ang lisensya ng driver na bumundol sa traffic enforcer matapos dumaan sa busway

₱7-M halaga ng ipinuslit na sigarilyo, nasabat ng Philippine Navy

Nahuli ng Philippine Navy ang isang motorized banca na may kargang ₱7-milyong pisong halaga ng ipinuslit na sigarilyo sa karagatan ng Maitum, Sarangani Province nitong Sabado. Ayon kay Naval Forces Eastern Mindanao Commander, Commodore Carlos Sabarre, nagsasagawa ng Maritime patrol ang BRP Rafael Pargas (PC379) sa ilalim ng Naval Task Force 71 nang ma-intercept nila… Continue reading ₱7-M halaga ng ipinuslit na sigarilyo, nasabat ng Philippine Navy

Mataas na lider-komunista, nutralisado sa enkwentro sa Borongan

Na-nutralisa ng mga tropa ng 78 Infantry “Warrior” Battalion ng 8th Infantry “Stormtroopers” Division ng Philippine Army ang isang mataas na lider-komunista sa enkwentro sa Brgy. San Gabriel, Borongan City, Eastern Samar nitong Sabado. Kinilala ni 8ID Public Affairs Office Chief Captain Jefferson Mariano ang nasawing terorista na si Martin Colima Alias Moki, ang secretary… Continue reading Mataas na lider-komunista, nutralisado sa enkwentro sa Borongan

20K sako ng donasyong bigas mula Taiwan, itinurn-over na sa Pilipinas

Malugod na tinanggap ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa pangunguna ng Chairman nito na si Silvestre Bello III ang 20,000 sako ng donasyong bigas na mula sa Taiwan. Sinasabing ang mga donasyon ay mapupunta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong suportahan ang mga nangangailangan, mga pinakamahihirap na pamilya, at… Continue reading 20K sako ng donasyong bigas mula Taiwan, itinurn-over na sa Pilipinas

Pangulong Marcos, palaging bukas na makipag-usap kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Palasyo

Aalamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kung nais makipagpulong sa kaniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Pahayag ito ni Communications Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, kasunod ng sinabi ng dating pangulo sa isang panayam na nais niyang makausap “indirectly” si Pangulong Marcos, kaugnay sa issue ng SMNI. Kung matatandaan, nagpro-programa ang dating pangulo sa… Continue reading Pangulong Marcos, palaging bukas na makipag-usap kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Palasyo

Taguig LGU nagbukas ng satellite pharmacy para sa mga residente ng EMBO Barangays

Pormal nang binuksan ng lungsod ng Taguig ang isang satellite pharmacy para sa mga taga-EMBO Barangay para tugunan ang kanilang mga pangangailangang pangkalusugan. Alok ng bagong pasilidad ang mga libreng gamot na ireresta sa mga pasyente sa pamamagitan ng telemedicine consultations na libre ring ibinibigay sa mga residente. Maliban sa pharmacy, bukas rin ang iba… Continue reading Taguig LGU nagbukas ng satellite pharmacy para sa mga residente ng EMBO Barangays

Higit P1.3 halaga ng recyclables materials, nakolekta sa MMDA sa loob ng 2 taon

Halos 300,000 kilo ng recyclable materials ang nakolekta na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Metro Manila sa loob ng dalawang taon. Ayon sa MMDA, umiikot sa iba’t ibang barangay ang kanilang Mobile Materials Recovery Facility para lamang mangolekta ng mga recyclable materials sa mga residente na may katumbas na kaukulang puntos. Bawat puntos… Continue reading Higit P1.3 halaga ng recyclables materials, nakolekta sa MMDA sa loob ng 2 taon

Imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa PUV modernization program, kasado na sa darating ng Miyerkules

Sisimulan ng House Committee on Transportation ang pagsisiyasat sa napaulat na katiwalian sa pagpapatupad ng public utility vehicle (PUV) modernization sa susunod na linggo. Tugon ito sa panawagan ni Speaker Martin Romualdez sa komite upang alamin kung may katotohanan ba na may iregularidad sa programa na ikinasa ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Antipolo City Rep.… Continue reading Imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa PUV modernization program, kasado na sa darating ng Miyerkules

Mga sinalanta ng bagyong Kabayan sa Surigao del Sur, pinadalhan ng tulong ng DSWD

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga sinalanta ng nagdaang bagyong Kabayan sa Caraga Region. Sa ulat ng DSWD, kabuuan pang 186 family food packs ang ipinamahagi ng DSWD Caraga sa mga pamilya sa Munisipalidad ng San Luis, Agusan del Sur. Ang Agusan del Sur ay isa… Continue reading Mga sinalanta ng bagyong Kabayan sa Surigao del Sur, pinadalhan ng tulong ng DSWD