Mga programa para tugunan ang inflation, patuloy na isusulong ng Kamara

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na patuloy na susuporta ang Kamara kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. para mapababa ang inflation at presyo ng pagkain. Kasunod ito ng naitalang 3.9% inflation rate para sa buwan ng December 2023. Ayon kay Romualdez, noong pagpasok ng 2023 ay sinalubong ng bansa ang pinakamataas na inflation rate sa… Continue reading Mga programa para tugunan ang inflation, patuloy na isusulong ng Kamara

Prusisyon ng itim na Nazareno sa San Mateo, Rizal, sabay ding isasagawa sa Martes

Kasabay ng traslacion ng itim na Nazareno sa Quiapo sa martes,Enero 9,magsasagawa din ng prusisyon sa bayan ng San Mateo, Rizal mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng gabi. Ito’y bilang pakikiisa sa selebrasyon ng kapistahan ng Poong Nazareno sa nasabing bayan. Sa abiso ng pamahalaang bayan ng San Mateo, ipatutupad ang “Stop and Go Traffic Scheme”… Continue reading Prusisyon ng itim na Nazareno sa San Mateo, Rizal, sabay ding isasagawa sa Martes

Ease of Paying Taxes Act, pirmado na ni Pangulong Marcos

Pirmado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 11976 o ang Ease of Paying Taxes Act, na layong palakasin pa ang ekonomiya ng bansa, at tiyakin ang karapatan ng taxpayers. Ayon kay Communications Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, makakaambag ang batas na ito sa pag-abot sa 8-point socioeconomic agenda ng Marcos… Continue reading Ease of Paying Taxes Act, pirmado na ni Pangulong Marcos

Pagtatayo ng P1.3-B Taguig Pumping Station at Reservoir ng Manila Water, inaasahang matatapos sa 2025

Target ng Manila Water na tapusin sa Setyembre 2025, ang konstruksyon ng P1.391-bilyong Cayetano Pumping Station and Reservoir sa Taguig City. Sa sandaling matapos ang proyekto ay tiyak na ang maaasahang serbisyo ng tubig sa mga customer ng Manila Water sa Pasig, Pateros, at Taguig. Ayon kay Manila Water’s Corporate Communication Affairs Group Director Jeric… Continue reading Pagtatayo ng P1.3-B Taguig Pumping Station at Reservoir ng Manila Water, inaasahang matatapos sa 2025

Firework injuries umabot na sa 609, mga kaso ng tetanus patuloy na binabantayan ng DOH

Patuloy na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang mga kaso ng tetanus na kaugnay ng paputok habang umabot na sa bilang na 609 ang kabuuang kaso ng mga firework related injury (FWRI). Ayon sa pinakahuling bulletin ng surveillance ng DOH, mayroong 9 na bagong kaso ng mga naputukan habang patuloy pa rin ang pag-validate… Continue reading Firework injuries umabot na sa 609, mga kaso ng tetanus patuloy na binabantayan ng DOH

Nomination para sa 2024 Search for Outstanding Government Workers, binuksan na ng CSC

Tumatanggap na ng nominations para sa 2024 Search for Outstanding Government Workers ang Civil Service Commission. Ayon sa CSC, maaaring gawin ang online submission sa pamamagitan ng kanilang Regional Offices at itinakda ang deadline sa Marso 31, 2024. Bilang bahagi ng rewards and incentives mechanism ng gobyerno sa ilalim ng Honor Awards Program, layon ng… Continue reading Nomination para sa 2024 Search for Outstanding Government Workers, binuksan na ng CSC

Field hospital handa na para sa mga mangangailangan ng atensyong medikal sa gaganaping Traslacion ngayong taon

Handa na para sa paparating na Traslacion sa Martes ang itinayong field hospital ng Manila City LGU para sa mga deboto ng Poong Itim na Nazareno kung sakaling mangangailangan ang mga ito ng agarang atensyong medikal. Kahapon, ininspeksyon ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang itinayong field hospital sa Karilya sa likod ng Bonifacio Shrine… Continue reading Field hospital handa na para sa mga mangangailangan ng atensyong medikal sa gaganaping Traslacion ngayong taon

Mga pinakamalinis na barangay, bibigyan ng parangal ayon sa DILG

Bubuo ng isang recognition system ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para subaybayan, susuriin, at bigyan ng parangal ang mga pinakamalinis na barangay sa bansa. Ang hakbang ng DILG ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Pinangunahan kahapon ni DILG Secretary Benhur Abalos ang nationwide simultaneous launching ng Kalinga… Continue reading Mga pinakamalinis na barangay, bibigyan ng parangal ayon sa DILG

EcoWaste Coalition nagpaabot ng ilang eco-tips para sa mga makikilahok sa paparating na Traslacion

Patuloy na hinihikayat ng environmental watchdog group na EcoWaste Coalition na iwasan o di naman kaya ay bawasan ng mga deboto ng Poong Itim na Nazareno ang pagtapon ng mga basura sa isasagawang Traslacion ngayong taon. Kaya naman ilang mahahalagang eco-tips o gabay ang ibinahagi nito sa isinagawa nitong event na “Kalakip ng Debosyon ang… Continue reading EcoWaste Coalition nagpaabot ng ilang eco-tips para sa mga makikilahok sa paparating na Traslacion

Pamunuan ng QCPD, nagsagawa ng Traditional New Year’s Call kay Quezon City Mayor Joy Belmonte

Nagbigay-galang sa alkalde ng Lungsod Quezon ang pamunuan ng Quezon City Police District na nakagawian na tuwing pagpasok ng bagong taon. Kasama ni QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan ang mga miyembro ng command group, mga Chief ng Directorial Staffs, at lahat ng Station Commander at iba pang opisyal ng QCPD sa naturang event.… Continue reading Pamunuan ng QCPD, nagsagawa ng Traditional New Year’s Call kay Quezon City Mayor Joy Belmonte