Pagbisita sa mga PDL sa QCJMD, pinayagan sa lahat ng paraan ngayong Pasko at bagong taon

Pinapayagan ng pamunuan ng Quezon City Jail Male Dormitory ang lahat ng paraan ng pagbisita sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa araw ng Pasko, Disyembre 25, 2023 at bagong taon sa Enero 1, 2024. Alinsunod ito sa kautusan ni BJMP Regional Director Jail Chief Superintendent Clint Russel Tangeres sa lahat ng Jail Warden… Continue reading Pagbisita sa mga PDL sa QCJMD, pinayagan sa lahat ng paraan ngayong Pasko at bagong taon

Higit 200,000 pasahero naitala sa PITX isang araw bago ang bisperas ng Pasko

Pumalo sa 204,647 na pasahero ang naitalang dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kahapon para umuwi sa kani-kanilang mga lalawigan, isang araw bago ang bisperas ng Pasko. Ang nasabing bilang ay doble sa naunang projection ng terminal sa 100,000 at higit pa sa 160,000 na naitala nitong Biyernes. Ayon sa mga bus operators at… Continue reading Higit 200,000 pasahero naitala sa PITX isang araw bago ang bisperas ng Pasko

Angat at Ipo Dam, pinalakas pa ang pagpapakawala ng tubig -PAGASA

Tatlong gate na ng Angat Dam ang binuksan para sa tuloy-tuloy na pagpapakawala ng tubig. Simula kaninang alas-6:00 ng umaga, nagpapakalawa ng tubig ang dam na may taas na 1.5 meters sa bawat gate na binuksan. Pinalakas pa ang pagpapakawala ng tubig mula sa dalawang gate lamang kahapon na may gate opening na 1 meter.… Continue reading Angat at Ipo Dam, pinalakas pa ang pagpapakawala ng tubig -PAGASA

Extension ng Passenger Terminal Building ng Batangas Port bukas na sa mga pasaherong magtutungo sa pantalan ngayong holiday season

Binuksan na at pinapagamit na ngayon sa publiko ang Phase 2 o ang extension ng Passenger Terminal Building ng Batangas Port para sa mga pasaherong magtutungo sa pantalan ngayong holiday season. Ang nasabing gusali ay kayang mag-accommodate ng karagdagang 8,000 pasahero mula sa 3,500 na seating capacity ng Phase 1 ng Passenger Terminal Building. Maliban… Continue reading Extension ng Passenger Terminal Building ng Batangas Port bukas na sa mga pasaherong magtutungo sa pantalan ngayong holiday season

Mga pamilya sa Cebu na sinalanta ng bagyong Odette, pinagkalooban ng tulong pinansyal ng NHA

Binigyan na ng tulong pinansyal ng National Housing Authority (NHA) ang mga pamilyang sinalanta noon ni Super Typhoon Odette sa Cebu. Kabuuang P67.45-million ang inilabas ng NHA mula sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) para sa 6,745 pamilyang benepisyaryo. Bawat pamilya ay nakatanggap ng P10,000 na makatutulong sa pagpapaayos ng kanilang mga tahanan mula sa… Continue reading Mga pamilya sa Cebu na sinalanta ng bagyong Odette, pinagkalooban ng tulong pinansyal ng NHA

Pamilya ng nasawing Filipino caregiver sa Israel dumating na sa bansa

Nakauwi na sa bansa ang pamilya kasama ang mga labi ng yumaong OFW sa Israel na si Paul Vincent Castelvi. Sa paglapag ng eroplanong sinasakyan ni Jovelle Santiago, asawa ni Paul, agad itong sinalubong ng kanyang ina at biyenan sa NAIA Terminal 3 kahapon. Dito sinalubong din si Jovelle ng mga opisyal mula Department of… Continue reading Pamilya ng nasawing Filipino caregiver sa Israel dumating na sa bansa

Mga pasahero na pauwi ng probinsya ngayong bisperas ng Pasko, hindi na kasing dami kumpara kahapon

Hindi na kasing dami ang dagsa ng pasahero sa mga bus terminal sa Quezon City para makauwi ng probinsya ngayong umaga kumpara kahapon. Bagama’t may mga naghahabol pang makauwi pero karamihan ay sa malalapit na lalawigan na lamang tulad ng Northern at Central Luzon at Southern Tagalog Region. Sa 5 Star Bus Terminal, karamihan sa… Continue reading Mga pasahero na pauwi ng probinsya ngayong bisperas ng Pasko, hindi na kasing dami kumpara kahapon

Finance Sec. Diokno, nagpasalamat sa papuri at suhestiyong ibinigay ng IMF sa pinakahuling report nito

Ipinahayag ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno ang pasasalamat nito sa International Monetary Fund (IMF) team para sa kanilang feedback sa kasalukuyang mga polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon sa Finance Chief, nagpapasalamat siya sa mga mahalagang payo ng IMF tungo sa sustainable development at economic stability sa bansa.… Continue reading Finance Sec. Diokno, nagpasalamat sa papuri at suhestiyong ibinigay ng IMF sa pinakahuling report nito

Pagbabayad ng travel tax online ng mga palabas ng bansa hinikayat gawin ng TIEZA

Sa patuloy na pagdagsa ng mga biyahero sa mga paliparan sanhi ng Holiday season, hinikayat ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang pagbabayad ng travel tax online ng mga pasaherong papalabas ng bansa. Ito ang naging pahayag ng TIEZA, upang gawing mas maayos at mabilis ang pagcheck-in ng mga pasahero at mapaikli ang… Continue reading Pagbabayad ng travel tax online ng mga palabas ng bansa hinikayat gawin ng TIEZA

174 PDL mula sa QCJMD, pinalaya ngayong Disyembre

Aabot sa 174 na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang pinalaya sa Quezon City Jail Mail Dormitory bago ang pasko ngayong taon. Ayon kay QCJMD Jail Warden Jail Supt Michelle ng Bonto, pinalaya ang mga PDL mula Disyembre 1 hanggang Disyembre 22, 2023. Nakalaya ang mga ito bunga ng pinaigting na paralegal efforts at decongestion… Continue reading 174 PDL mula sa QCJMD, pinalaya ngayong Disyembre