VP Sara, pinuri ang ARTA sa pagsugpo sa red tape at pagsusulong ng digitalization

Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang mga nakamit na tagumpay ng Anti-Red Tape Authority sa pagsugpo sa red tape sa gobyerno at pagsusulong ng digitalization. Ayon kay VP Sara, naging daan ang pagsusumikap ng ARTA para magkaroon ng business-friendly environment na nakaaakit ng investments at nakatutulong sa mga negosyante. Pinuri rin nito ang mahusay… Continue reading VP Sara, pinuri ang ARTA sa pagsugpo sa red tape at pagsusulong ng digitalization

Kasunduan sa kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Canada, isusulong

Isusulong ng Pilipinas at Canada ang konklusyon ng Memorandum of Understanding (MOU) on Defense Cooperation sa pagitan ng dalawang bansa. Ito ang napagkasunduan ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. at Ambassador of Canada to the Philippines H.E. David Bruce Hartman sa pagbisita ng embahador sa Camp Aguinaldo.… Continue reading Kasunduan sa kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Canada, isusulong

Bilang ng naisyung PhilIDs at ePhilIDs ng PSA, sumampa na sa 65M

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga PhilID at ePhilID na naipamahagi na ng Philippine Statistic Authority. Sa pinakahuling update mula sa PSA, ay sumampa na 65 milyon ang pinagsamang PhilIDs at ePhilIDs na naisyu ng PSA. Mula sa bilang na ito, 31.2-M ang nai-deliver nang PhilIDs as of May 19 habang 33.8-M naman ang… Continue reading Bilang ng naisyung PhilIDs at ePhilIDs ng PSA, sumampa na sa 65M

Pananatili ng mas mataas na alokasyon ng tubig sa Metro Manila hanggang Hunyo, hirit ng MWSS

Patuloy na humihirit ang Manila Water Sewerage System (MWSS) sa National Water Resources Board (NWRB) na panatilihin muna ang karagdagang alokasyon ng tubig sa Metro Manila. Kasunod ito ng nalalapit na pagpaso ng unang inaprubahang 52 cubic meters per second na alokasyon ng tubig na hanggang buwan lang ng Mayo. Ayon kay MWSS Project Manager… Continue reading Pananatili ng mas mataas na alokasyon ng tubig sa Metro Manila hanggang Hunyo, hirit ng MWSS

Pamahalaan, nakatipid ng mahigit ₱200-M sa energy program ng DOE

Ipinagmalaki ng Department of Energy o DOE na nakatipid ang pamahalaan ng 20 million kilowatt-hour o katumbas ng 205 milyong piso sa ilalim ng Energy Management Program. Ito’y ayon sa DOE ay para sa unang bahagi ng taong 2023 kung saan, tumaas din ang kamalayan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa kung paano sila… Continue reading Pamahalaan, nakatipid ng mahigit ₱200-M sa energy program ng DOE

BRP Andres Bonifacio, lalahok sa Multilateral Naval Exercise Komodo sa Indonesia

Patungo ng Indonesia ang BRP Andres Bonifacio (PS17) para lumahok sa Multi-lateral Naval Exercise Komodo (MNEK). Pinangunahan ni Commander of Fleet Marine Ready Force, BGen. Edwin Amadar PN(M) ang send-off ceremony para sa BRP Andres Bonifacio at delegasyon ng Philippine Navy, kahapon. Ang ehersisyo kung saan inanyayahang lumahok ang mahigit 40 bansa ay isasagawa sa… Continue reading BRP Andres Bonifacio, lalahok sa Multilateral Naval Exercise Komodo sa Indonesia

BSKE candidates na suportado ng NPA, binalaan ng NTF-ELCAC

Posibleng maharap sa legal na aksyon ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na suportado ng New People’s Army. Ang babala ay inihayag ni Regional Task Force-ELCAC 6 Spokesperson Prosecutor Flosemer Gonzales sa regular na pulong balitaan “TAGGED Reloaded: Debunking Lies By Telling The Truth” ng National Task Force to End the… Continue reading BSKE candidates na suportado ng NPA, binalaan ng NTF-ELCAC

Overflow rooms, bubuksan ng Kamara para ma-accommodate ang mga bisita sa SONA ni PBBM

Nagpulong nitong Lunes ang ilan sa mga kinatawan mula Office of the Presidential Protocol, Senado at Kamara para ilatag ang ilan sa paunang paghahanda para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kabilang dito ang pagbubukas ng overflow rooms sa Batasang Pambansa. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco,… Continue reading Overflow rooms, bubuksan ng Kamara para ma-accommodate ang mga bisita sa SONA ni PBBM

Pagsasanay ng Philippine at Indonesian Army, matagumpay na naisagawa sa Bulacan

Matagumpay na nagtapos ang Dolphine XV-23 joint exercise ng Philippine Army at Indonesian Army sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan kahapon. Ang pagsasanay ay nilahukan ng mga tropa ng First Scout Ranger Regiment (FSRR) ng Philippine Army at Komando Cadangan Strategis Angkatan Darat (Kostrad) ng Indonesian Army. Ang closing ceremony ay pinangunahan ni FSRR Commander… Continue reading Pagsasanay ng Philippine at Indonesian Army, matagumpay na naisagawa sa Bulacan

Philippine Stock Exchange, may malaking gampanin oras na maisabatas ang panukalang MIF

Binigyang diin ni House Speaker Martin Romualdez ang malaking papel na gagampanan ng Philippine Stock Exchange oras na mapagtibay ang panukalang Maharlika Investment Fund. Sa pagdalo ng House leader sa inagurasyon ng PSE Event Hall, sinabi nito na oras na mai-set up na ang Maharlika Investment Fund ay tiyak nahahanap ito sa PSE ng blue… Continue reading Philippine Stock Exchange, may malaking gampanin oras na maisabatas ang panukalang MIF