Ilang pulis, kasama sa nahuling lumalabag sa EDSA Bus Lane

Hindi rin nakalusot sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) maging ang ilang mga pulis na hindi awtorisadong dumaan sa EDSA Bus lane. Karaniwan sa mga nahuhuling pulis, mga nakapribadong sasakyan na anila ay nagmamadali kaya nagbabakasakali sa exclusive city bus lane. Paglilinaw ng MMDA, tanging mga pulis na gamit ang marked vehicle ang pinapayagan sa… Continue reading Ilang pulis, kasama sa nahuling lumalabag sa EDSA Bus Lane

Mga motorista na lumabag sa unang araw ng mataas na multa sa pagdaan sa EDSA Bus lane, patuloy na nadadagdagan

Kahit na ilang press conference at paalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko para sa pagtataas ng multa sa lalabag sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway ay may mga nahuhuli pa rin sa kahabaan ng Tramo sa Pasay City ngayong umaga. Ayon sa mga nahuli na lumabag sa pagdaan sa bBuslane ay… Continue reading Mga motorista na lumabag sa unang araw ng mataas na multa sa pagdaan sa EDSA Bus lane, patuloy na nadadagdagan

Bahagi ng Zabarte Road Extension sa Caloocan, pansamantalang isinara sa trapiko

Nag-abiso sa mga motorista ang Caloocan City government na pansamantalang magpapatupad ng total road closure sa kahabaan ng Zabarte Road Extension, Bagong Silang, Phase 1 ngayong araw, November 13. Ito ay upang bigyang-daan ang isasagawang proyektong pagsasaayos ng Matarik Bridge na pangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kaugnay nito, naglatag ng ilang… Continue reading Bahagi ng Zabarte Road Extension sa Caloocan, pansamantalang isinara sa trapiko

1st Phase ng LRT Line 1 – Cavite Extension Project, inaasahang magiging operational na sa huling quarter ng 2024 — LRMC

Inaasahan na matatapos na ang unang phase ng LRT-1 Cavite Extension Project sa huling quarter ng 2024. Kung saan nasa 94.1 percent nang kumpleto ang naturang proyekto at nasa finishing touches na lamang ang bawat stations nito. Ayon kay LRMC President at CEO Juan Alfonso na ontrack ang kanilang timeline na matapos na ang naturang… Continue reading 1st Phase ng LRT Line 1 – Cavite Extension Project, inaasahang magiging operational na sa huling quarter ng 2024 — LRMC

DTI Sec. Pascual, nilagdaan ang IRR ng One Town, One Product para sa pasuporta sa local products ng iba’t ibang bayan at lungsod sa bansa

Nilagdaan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng One Town, One Product na ganap nang naging batas na naglalayong mas bigyang prayoridad ang mga produkto ng bawat bayan at lungsod sa bansa. Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, ito’y upang mapatibay ang naturang batas nitong… Continue reading DTI Sec. Pascual, nilagdaan ang IRR ng One Town, One Product para sa pasuporta sa local products ng iba’t ibang bayan at lungsod sa bansa

CWC, nakikiramay sa pagkamatay ng 2 batang estudyante sa Taguig

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Council for the Welfare of Children (CWC) sa naulilang pamilya ng dalawang batang estudyante na natagpuang wala nang buhay sa loob ng Signal Village National High School sa Taguig. Sa isang pahayag, sinabi ng CWC na labis itong nababahala sa sinapit ng dalawang estudyante. Nakikiisa aniya ito sa Taguig… Continue reading CWC, nakikiramay sa pagkamatay ng 2 batang estudyante sa Taguig

Ilang motorista, maagang nasampolan sa unang araw ng implementasyon ng mas mataas na multa sa mga pasaway na dumadaan sa EDSA bus lane

Tinutukan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang unang araw ng pagpapatupad ng mas mataas na multa laban sa mga lumalabag sa EDSA Bus Lane. Pinangunahan mismo ni MMDA Acting Chair Romando Artes kasama pa si Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza ang operasyon sa bahagi ng Ortigas Bus Lane kung saan… Continue reading Ilang motorista, maagang nasampolan sa unang araw ng implementasyon ng mas mataas na multa sa mga pasaway na dumadaan sa EDSA bus lane

Pagtatag ng Dangerous Drug Court sa lahat ng siyudad, ipinapanukala sa Kamara

Itinutulak ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang pagtatag ng a “Dangerous Drugs Court” sa lahat ng siyudad at probinsya sa buong bansa. Ito ay para mapabilis ang paglilitis sa may 300,000 na drug cases na nakabinbin sa iba’t ibang korte. Tinukoy ng chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs, ang datos ng… Continue reading Pagtatag ng Dangerous Drug Court sa lahat ng siyudad, ipinapanukala sa Kamara

Resupply mission sa Ayungin Shoal, iminungkahi na idaan sa pamamagitan ng airdrop

Hinimok ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang military na idaan na lang sa pamamagitan ng airdrop ang resupply sa mga tropa ng sundalo na nakadestino sa Ayungin Shoal imbes na ilantad sa kapahamakan ang ating mga tauhan at mga sibilyan sa karagatan. Kasunod na rin ito ng panibagong pambobomba ng tubig ng Chinese… Continue reading Resupply mission sa Ayungin Shoal, iminungkahi na idaan sa pamamagitan ng airdrop

Panibagong batch ng OFWs mula Israel, nakatakdang umuwi sa Pilipinas ngayong araw

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas ang panibagong batch ng Overseas Filipino Worker (OFWs) buhat sa Israel ngayong araw. Batay sa abiso ng Department of Migrant Workers (DMW), alas-3:10 mamayang hapon nakatakdang lumapag ang sinasakyan nilang Etihad Airways Flight EY-424 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ayon pa sa DMW, 37 OFWs ang sakay ng… Continue reading Panibagong batch ng OFWs mula Israel, nakatakdang umuwi sa Pilipinas ngayong araw