Pulis na isinasangkot sa pagkawala ng isang beauty pageant candidate sa Batangas, masusing pinaiimbestigahan ng DILG

Naghayag ng pagkadismaya si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. sa ulat na isang pulis ang maaaring sangkot sa pagkawala ng isang beauty queen candidate sa Batangas. Inatasan na ng kalihim ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso. Sinibak na rin sa puwesto ng PNP ang pulis upang maalis ang anumang… Continue reading Pulis na isinasangkot sa pagkawala ng isang beauty pageant candidate sa Batangas, masusing pinaiimbestigahan ng DILG

QC LGU, kasado na sa lahat ng paghahanda para sa halalan bukas

Naipamahagi na ng Quezon City government ang mga election paraphernalia sa polling precints na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election bukas. Naging maayos at walang aberya ang pamamamahagi ng kagamitan sa iba’t ibang distrito ng lungsod. Ang lungsod Quezon ay mayroong itinalagang 169 polling precints sa anim na distrito, kabilang ang tatlong mall sa… Continue reading QC LGU, kasado na sa lahat ng paghahanda para sa halalan bukas

PPA, nagpaalala sa mga pasaherong may kasamang alagang hayop na bibiyahe ngayong long weekend

Ngayong long weekend kaugnay ng isasagawang Barangay and SK Elections at Undas 2023, inaasahan ang malaking bilang ng mga pasaherong uuwi sa kanilang mga probinsiya gamit ang mga pantalan, kabilang na ang mga daungan sa ilalim ng Philippine Ports Authority (PPA). At hindi maiiwasan na ang ilang pasahero ay may kasamang alagang hayop sa kanilang… Continue reading PPA, nagpaalala sa mga pasaherong may kasamang alagang hayop na bibiyahe ngayong long weekend

Higit 150,000 na pasahero inaasahan ngayong araw sa PITX

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong araw sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kaugnay ng paparating na Barangay and SK Elections at Undas. Ayon kay PITX General Manager Jayson Salvador, asahan pa ang pagdagsa ng mga biyahero ngayong hanggang bukas sa PITX dahil umano sa weekend na ngayon. Inaasahan nila na papalo sa 150,000… Continue reading Higit 150,000 na pasahero inaasahan ngayong araw sa PITX

BFP, magtatalaga ng medical teams sa lahat ng sementeryo sa Metro Manila sa Undas

Kabuuang isang libong personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang idedeploy sa mga sementeryo sa araw ng Undas. Sinabi ni BFP-National Capital Region Senior Supt Rodrigo Reyes, partikular na magtatalaga ang BFP ng  medical teams sa 66 na stations sa Metro Manila hanggang Nobyembre 2. Sa kauna-unahang pagkakataon, magdedeploy din ang BFP ng mga… Continue reading BFP, magtatalaga ng medical teams sa lahat ng sementeryo sa Metro Manila sa Undas

Dagsa ng mga biyahero patuloy na naitatala ng PCG sa mga pantalan sa buong bansa

Aabot na sa halos 29,000 ang bilang ng mga outbound habang higit sa 25,000 inbound passengers na ang naitatala na ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw habang papalapit ang Barangay and SK Elections at Undas. Ayon sa PCG, simula alas-12 ng hatinggabi hanggang ala-6 kaninang umaga umabot sa 28,968 outbound passengers at 25,650 inbound… Continue reading Dagsa ng mga biyahero patuloy na naitatala ng PCG sa mga pantalan sa buong bansa

Pang-apat na batch ng Pinoy repatriates mula sa Israel, darating sa bansa sa Lunes

May 60 overseas Filipino workers at dalawang sanggol ang inaasahang darating sa bansa sa Lunes mula sa Israel. Ang mga OFWs ay bahagi ng ika-apat na batch ng Pinoy repatriates na makakauwi na sa bansa na naipit sa gulo sa Gitnang Silangan Sa News Forum, sinabi ni Department of Migrant Workers OIC Usec. Hans Cacdac,… Continue reading Pang-apat na batch ng Pinoy repatriates mula sa Israel, darating sa bansa sa Lunes

MIAA, patuloy na nakapatatala ng dagsa ng mga pasahero ngayong papalapit ang BSKE at araw ng Undas

Patuloy na nakakapagtala ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng pagtaas ng dumadating na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong nalalapit na araw ng Barangay at SK Elections at araw ng Undas. Sa huling tala ng MIAA, umaabot na sa higit 120,000 ang bilang ng mga pasaherong dumadagsa sa paliparan sa loob lamang… Continue reading MIAA, patuloy na nakapatatala ng dagsa ng mga pasahero ngayong papalapit ang BSKE at araw ng Undas

Sektor ng pangingisda, palalakasin muli ng administrayong Marcos ayon sa Federation of Free Farmers

Pasisiglahin muli ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sektor ng pangingisda na umano’y ilang dekada nang napabayaan ng pamahalaan. Ayon sa Federation of Free Farmers o FFF, iginiit ng Pangulo ang muling pagbuhay sa mga reporma ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa agri-fishery sector. Ilang dekada nang napag-iwanan ang… Continue reading Sektor ng pangingisda, palalakasin muli ng administrayong Marcos ayon sa Federation of Free Farmers

Manila LGU magpapatupad ng liquor ban kaugnay ng BSKE at Undas

Mahigpit na magpapatupad ng liquor ban ang Lungsod ng Maynila alinsunod sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas. Ayon sa inilabas na Exececutive Order, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbilim o pag-inom ng anumang inuming nakalalasing mula Oktubre 29, araw ng Linggo hanggan Nobyembre 2, araw ng Huwebes. Sakop din ng kautusan… Continue reading Manila LGU magpapatupad ng liquor ban kaugnay ng BSKE at Undas