Higit 26,000 rice retailers at sari-sari store owners, nakinabang sa SLP -Cash Aid ng DSWD

Aabot sa kabuuang 26,266 micro-retailers at sari-sari store owners sa bansa ang nakinabang sa ipinamahaging Sustainable Livelihood Program (SLP) – Cash Assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon sa DSWD, nagtapos ang distribusyon nito ng SLP noong Biyernes, October 20. Nakatanggap ng tig-₱15,000 cash aid ang mga benepisyaryo na katumbas ng kabuuang… Continue reading Higit 26,000 rice retailers at sari-sari store owners, nakinabang sa SLP -Cash Aid ng DSWD

Benepisyo para sa mga ‘junior citizen,’ itinutulak sa Kamara

Maliban sa mga senior citizen at solo parents, itinutulak ngayon ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na mabigyan din ng benepisyo at diskwento ang ‘junior citizens’ o yung mga edad Zero o mula pagkapanganak hanggang sa pagsapit ng edad 12. Sa kaniyang House Bill 8312, awtomatikong mapapasailalim ang mga junior citizen sa PhilHealth at makatatanggap… Continue reading Benepisyo para sa mga ‘junior citizen,’ itinutulak sa Kamara

Pamamaslang sa isang OFW sa Jordan, mariing kinondena

Mariing kinokondena ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino ang brutal na pagpatay sa Overseas Filipino Worker na si Mary Grace Santos na nagtatrabaho sa Amman, Jordan. Batay sa mga ulat isang menor de edad ang suspek na ginahasa at isinilid pa sa tangke ng diesel ang katawan ng biktima. Diin ni Magsino, ipinapakita lamang nito… Continue reading Pamamaslang sa isang OFW sa Jordan, mariing kinondena

Kampanya kontra paninigarilyo at vape sa mga kabataan, dapat palakasin

Kinalampag ni Manila 6th district Rep. Bienvenido Abante ang pamahalaan na paigtingin ang kampanya para himukin ang mga kabataan na talikuran ang paninigarilyo pati ang paggamit ng vape. Ito’y matapos bumaba ang Pilipinas sa 2023 Tobacco Industry Interference (TII) Index kung saan sinusukat ang mga polisiya ng pamahalaan patungkol sa tobacco industry interference at kung… Continue reading Kampanya kontra paninigarilyo at vape sa mga kabataan, dapat palakasin

Higit 1,000 kilo ng Peking duck, nasabat ng NMIS sa QC

Aabot sa halos 66 na kahon o higit 1,000 kilo ng Peking duck ang kinumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City, Ikinasa ng NMIS Enforcement Unit ang operasyon noong October 20 sa palengke ng Project 6 sa Barangay Vasra. Ayon sa NMIS, ang mga nasamsam na karne… Continue reading Higit 1,000 kilo ng Peking duck, nasabat ng NMIS sa QC

“Manatiling tapat sa bayan” — Gen. Brawner sa mga tauhan ng AFP

Nanawagan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa mga tauhan ng militar na manatiling tapat sa bayan. Ito ang mensahe ng AFP chief na binasa ni Lt.Gen Arthur Cordura, Vice Chief of Staff AFP at Chief of the Office of Ethical Standards and Public Accountability, sa flag-raising… Continue reading “Manatiling tapat sa bayan” — Gen. Brawner sa mga tauhan ng AFP

Programa ng Marcos Jr. administration para sa mga OFW, patuloy na susuportahan ng Kamara

Kahit naka-break ngayon ang Kongreso ay magpapatuloy ang House Committee on Overseas Workers Affairs sa pagdaraos ng mga pagdinig upang talakayin ang mga panukala na makapagbibigay ng benepisyo sa mga OFW. Ayon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo, ito ay salig na rin sa atas ni Speaker Martin Romualdez upang maipakita ang suporta ng Kamara… Continue reading Programa ng Marcos Jr. administration para sa mga OFW, patuloy na susuportahan ng Kamara

Tren ng MRT-3, nagkaaberya ngayong umaga

Kinumpirma ng DOTr-MRT-3 management na nagkaroon ng aberya sa operasyon ng tren kaninang morning rush hour. Ayon sa MRT-3, alas-7:33 kaninang umaga nang makaranas ng ‘communication issue’ ang isang tren na pa-northbound malapit sa bahagi ng Magallanes station. Dahil dito, kinailangang i-offload ang mga pasahero at ilipat sa susunod na tren. Agad naman aniyang inalis… Continue reading Tren ng MRT-3, nagkaaberya ngayong umaga

Pagsuspinde ng Pass Through Fees sa mga produkto, malaki ang maitutulong sa pagbaba ng presyo ng Noche Buena items — DTI

Positibo ang Department of Trade and Industry (DTI) na malaki ang maitutulong ng suspensyon ng Pass Through Fees sa pagbaba ng presyo ng Noche Buena items ngayong ilang buwan bago sumapit ang Pasko. Ayon kay DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco, dahil sa pagsuspinde ng Pass Thourgh Fees ay malaki ang kabawasan ng mga food… Continue reading Pagsuspinde ng Pass Through Fees sa mga produkto, malaki ang maitutulong sa pagbaba ng presyo ng Noche Buena items — DTI

13 barangay sa Pasay, dumalo sa isang prayer rally at lumagda sa isang peace covenant signing para sa mapayapang BSK Elections

Isang Prayer Rally, Candidates’ Orientation, at Peace Covenant Signing ang isinagawa sa San Isidro Labrador Parish, sa Taft Avenue, Barangay 44, Pasay City. Pinangunahan ito ng Southern Police District sa ilalim ng pangangasiwa ni SPD OIC Police Brigadier General Mark Pespes, sa pamamagitan ng mga tauhan ng District Community Affairs and Development Division ni Colonel… Continue reading 13 barangay sa Pasay, dumalo sa isang prayer rally at lumagda sa isang peace covenant signing para sa mapayapang BSK Elections