Taxpayer Registration-Related Application Portal, inilunsad ng BIR

Bumuo ng Taxpayer Registration-Related Application (TRRA) Portal ang Bureau of Internal Revenue. Ito’y upang mabigyan ng isa pang alternative option ang mga taxpayer sa pagsusumite ng kanilang application na nauugnay sa registration-related applications electronically sa BIR Revenue District Offices (RDOs). Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr, saklaw ng TRRA Portal ang mga transaksyong nauugnay… Continue reading Taxpayer Registration-Related Application Portal, inilunsad ng BIR

95 distressed OFWs mula Saudi Arabia, balik bansa na ngayong araw

Balik Pilipinas na ngayong araw ang 95 distressed OFWs mula Saudi Arabia matapos matagumpay na maayos ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang pag-uwi. Sa pakikipag-ugnayan ng DMW’s Migrant Workers Office sa Riyadh (MWO-Riyadh) sa Philippine Embassy at sa mga awtoridad ng Saudi Arabia, napadali ang pagproseso ng exit visas at travel documents ng… Continue reading 95 distressed OFWs mula Saudi Arabia, balik bansa na ngayong araw

Limang dayuhang walang kaukulang dokumento arestado ng BI sa Palawan

Arestado ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang limang foreign nationals sa iba’t ibang bahagi sa Palawan matapos mapag-alaman na nagtatrabaho ang mga ito sa bansa ng walang mga kaukulang dokumento. Batay sa ulat ng BI, walang naipakitang kaukulang mga dokumento ang mga dayuhan na naaresto na bunga ng mga intelligence report na… Continue reading Limang dayuhang walang kaukulang dokumento arestado ng BI sa Palawan

Social work profession sa bansa, palalakasin pa ng DSWD

Nakipagkasundo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa private organizations para sa progresibong pagpapalakas ng mga social worker at social work profession sa bansa. Sa unang Memoranda of Understanding na nilagdaan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, binigyang-diin nito ang pakikipagtulungan ng ahensiya sa Association of Foundations (AF) at League of Corporate Foundations (LCF).… Continue reading Social work profession sa bansa, palalakasin pa ng DSWD

Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu, nanawagan sa NFA na suportahan ang kanilang programang pagbebenta ng P20 per kilo na bigas

Dagdag na suplay. ‘Yan ang naging panawagan ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na sana’y madagdagan ng supply ng bigas ang regional warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Central Visayas (NFA-7) para sa kanilang gagawing pagbebenta ng P20 per kilo na bigas. Ibinunyag ni Garcia na layon ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Cebu… Continue reading Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu, nanawagan sa NFA na suportahan ang kanilang programang pagbebenta ng P20 per kilo na bigas

DILG, tiniyak na tutulong sa COMELEC sa paghabol sa mga kandidatong lalabag sa pangangampanya

Nangako ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tutulungan ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagtugis sa mga kandidato sa buong bansa na lalabag sa pangangampanya. Kasama ang Philippine National Police (PNP) at attached offices nito, titiyakin ng DILG na maparusahan sila alinsunod sa umiiral na batas sa halalan. Ayon kay DILG… Continue reading DILG, tiniyak na tutulong sa COMELEC sa paghabol sa mga kandidatong lalabag sa pangangampanya

Kaso ng mga Influenza-like Illness (ILI), tumaas ayon sa DOH

Nakikitaan ng Department of Health (DOH) sa huling tala nito na tumataas ang mga kaso ng Influenza-like Illness (ILI) sa bansa. Ayon sa DOH, nitong Oktubre, may kabuuang 151,375 na kaso ng ILI ang naitala sa buong bansa. Ito ay 45% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, kung saan mayroon lamang… Continue reading Kaso ng mga Influenza-like Illness (ILI), tumaas ayon sa DOH

CHED, nagbukas ng bagong satellite office sa Talisay, Negros Occidental

Binuksan na ng Commission on Higher Education ang bagong satellite office nito sa Talisay, Negros Occidental. Dahil dito, mas mapadadali na ang paghahatid ng mga frontline services sa Rehiyon 6, kabilang ang pag-iisyu ng certifications, special orders, scholarships at iba pang mahahalagang transaksyon sa CHEDRO 6 Office. Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III,… Continue reading CHED, nagbukas ng bagong satellite office sa Talisay, Negros Occidental

Labi ng isa sa mga nasawing OFW sa Israel, nakatakdang iuwi bukas sa Pilipinas — DMW

Nakatakdang iuwi bukas sa Pilipinas ang labi ng isa sa mga nasawing overseas Filipino workers (OFWs) sa nagpapatuloy na giyera sa Israel. Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Maria Antonette Allones, inaasahang darating bukas ng alas-4 ng hapon ang labi ng babaeng caregiver mula Israel. Samantala, na-cremate na ang labi ng isa pang OFW na nasawi… Continue reading Labi ng isa sa mga nasawing OFW sa Israel, nakatakdang iuwi bukas sa Pilipinas — DMW

Kabayan Party-list solon, pinasalamatan ang Israel sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga Pilipino sa gitna ng gulo sa pagitan ng Israel at Hamas

Nakipagpulong nitong Huwebes si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson at Kabayan Partylist Representative Ron Salo kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss salig na rin sa atas ni Speaker Martin Romualdez. Ito ay para alamin ang mga hakbang na ginagawa ng Israeli government upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino sa gitna… Continue reading Kabayan Party-list solon, pinasalamatan ang Israel sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga Pilipino sa gitna ng gulo sa pagitan ng Israel at Hamas