Mga bansa sa EU, maganda ang tugon sa ginagawang panghihikayat ni PBBM na maglagak ng kanilang puhunan sa Pilipinas

Positibo ang tugon ng mga bansa sa European Union (EU) kaugnay ng ginagawang panghihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanila para mag- invest sa Pilipinas. Ayon kay Department of Trade and Industry Philippines (DTI) Undersecretary Ceferino Rodolfo, nang nagdeklara ang Pangulo na open for business na ang bansa ay pumasok na ang EU… Continue reading Mga bansa sa EU, maganda ang tugon sa ginagawang panghihikayat ni PBBM na maglagak ng kanilang puhunan sa Pilipinas

Naranasang cybersecurity attacks ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinagkakasa ng Investigation in aid of Legislation nina 4Ps Party-list Representative JC Abalos at Minority Leader Marcelino Libanan ang Kamara para siyasatin ang magkakasunod na cyberattack sa websites ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kasama na ang Kamara Sa kanilang House Resolution 1392, partikular na pinakikilos ang House Committee on Information and Communications Technology upang… Continue reading Naranasang cybersecurity attacks ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pagbibigay ng reward money para mahuli ang mga hacker, iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano

Iminumungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano ang pag-aalok ng reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang cybercriminal. Sa pagdinig ng Senate Committee on Science and Technology tungkol sa nangyaring cyberattack sa sistema ng PhilHealth, sinabi ni Cayetano na maaaring mag-alok ang pamahalaan ng ₱250,000 hanggang ₱500,000 pesos na reward sa sinumang magre-report tungkol… Continue reading Pagbibigay ng reward money para mahuli ang mga hacker, iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano

Dagdag na mga tauhan sa mga paliparan, ipatutupad ng BI para sa BSKE at Undas

Pinaghahandaan na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagdami ng mga pasahero para sa darating na holiday, Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, at Undas. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kanilang pinaghahandaan ang long weekend na magsisimula ng October 28 hanggang November 5. Ito ay dahil gaganapin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Lunes,… Continue reading Dagdag na mga tauhan sa mga paliparan, ipatutupad ng BI para sa BSKE at Undas

DSWD, tututukan ang pagbabalik serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng Socorro

Nangako si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibabalik ang pangangasiwa ng pamahalaaan sa mga miyembro ng kontrobersyal na Socorro Bayanihan Services Inc. Sa isang inter-agency meeting, ipinunto ng kalihim na mahalagang maibalik ang pamamahala sa lugar nang agad ding umusad ang tulong lalo na sa mga kabataang pinagkaitan doon… Continue reading DSWD, tututukan ang pagbabalik serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng Socorro

Higit 12,000 guro sa QC, handa nang magsilbi sa Barangay at SK Elections — DepEd QC

Mayroong higit sa 12,000 guro ang ide-deploy sa iba’t ibang polling precints sa Quezon City para magsilbi sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa darating na October 30. Sa ginanap na QC Journalists Forum, iniulat ni Department of Education (DepEd) QC Chief Education Supervisor Dr. Heidee Ferrer na mula sa bilang na… Continue reading Higit 12,000 guro sa QC, handa nang magsilbi sa Barangay at SK Elections — DepEd QC

Israel, nangakong tutulong na mapauwi sa bansa ang labi ng 3 Pilipinong nasawi kasunod ng pag-atake ng Hamas

Tiniyak ng Pamahalaang Israel na tutulong sila upang mapauwi sa Pilipinas ang labi ng tatlong Pilipinong kumpirmadong nasawi dulot ng pag-atake ng rebeldeng Hamas sa kanilang bansa. Ito ang tiniyak ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss makaraang makipagpulong siya kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo kahapon. Kapwa nagpaabot ng pakikiramay… Continue reading Israel, nangakong tutulong na mapauwi sa bansa ang labi ng 3 Pilipinong nasawi kasunod ng pag-atake ng Hamas

PNP, may babala sa mga kandidato sa Barangay at SK elections na magbabayad ng “permit to campaign” sa mga rebelde

Nagbabala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na mapatutunayang nakikipagsabwatan sa mga Communist Terrorist Group (CTG). Ito, ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ay sa anyo ng pagbabayad ng tinatawag na “permit to campaign” sa mga rebelde sa sandaling umarangkada na… Continue reading PNP, may babala sa mga kandidato sa Barangay at SK elections na magbabayad ng “permit to campaign” sa mga rebelde

Air Force, nagpasalamat sa pamahalaan at DND sa pagkuha ng mga bagong eroplano

Malugod na tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang pag-isyu ng Department of National Defense (DND) ng “notice to proceed” sa pagkuha ng tatlong bagong C-130J-30 Super Hercules Transport aircraft. Sa isang statement na inilabas ni PAF Spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, nagpasalamat ang PAF sa Pambansang Pamahalaan at Deparment of National Defense sa pagtuloy… Continue reading Air Force, nagpasalamat sa pamahalaan at DND sa pagkuha ng mga bagong eroplano

Nigerian at Pinay girlfriend sa likod ng ‘Package scam,’ arestado ng ACG

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang Nigerian at ang kanyang Pilipinang girlfriend na nasa likod ng “package scam” sa operasyon sa Pampanga nitong Lunes. Sa ulat ni ACG Spokesperson Police Captain Michelle Sabino, ginamit ng mga suspek ang Facebook account na “Camille C. Wallace” para makipagkaibigan sa… Continue reading Nigerian at Pinay girlfriend sa likod ng ‘Package scam,’ arestado ng ACG