Senate Secretary, itinangging may confidential fund ang Senado ngayong taon

Itinanggi ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. ang impormasyon na kumakalat sa social media na may ₱331-million na confidential fund ang Senado ngayong 2023. Sa isang pahayag, sinabi ni Bantug na misleading at malisyoso ang mga pahayag ng ilang personalidad na gusto aniyang sirain ang reputasyon ng Senado. Ang “Extraordinary and Miscellaneous Expenses” aniya ang… Continue reading Senate Secretary, itinangging may confidential fund ang Senado ngayong taon

Mga aktibong kaso ng ASF sa bansa, pababa na — DA

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na pababa na ang mga aktibong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa. Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa, bumaba na sa 98 barangay mula sa 19 na probinsya ang may aktibong kaso sa ngayon ng ASF. Hindi na rin aniya tulad ng dati… Continue reading Mga aktibong kaso ng ASF sa bansa, pababa na — DA

Mga programa at operasyon sa LTFRB, di maaantala

Walang maaantalang serbisyo at operasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ito ang tiniyak ni LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano kasunod ng pagkakasuspinde kay Atty. Teofilo Guadiz III bilang LTFRB chairperson dahil sa mga ulat ng umano’y korupsyon sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ayon kay Bolano, tuloy-tuloy pa rin ang implementasyon ng… Continue reading Mga programa at operasyon sa LTFRB, di maaantala

Pag-alis ng confidential fund sa ilang mga ahensya, ikinatuwa ng Gabriela Party-list solon

Pinuri ni Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang desisyon ng small committee ng Kamara na alisin ang confidential funds ng ilang ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Bill (GAB). Ayon kay Brosas nakinig ang Kamara sa panawagan ng publiko na alisin ang CF para sa transparency at accountability.… Continue reading Pag-alis ng confidential fund sa ilang mga ahensya, ikinatuwa ng Gabriela Party-list solon

Pag-alis ng confidential fund ng ilang ahensya sa ilalim ng 2024 budget bill, ‘done deal’ na — House Appropriations Chair

“Done deal” na o hindi na mababago ang desisyon ng Kongreso na alisan ng confidential fund ang ilang ahensya sa ilalim ng panukalang 2024 National Budget. Ito ang sagot ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co nang matanong kung mapaninindigan ba ng Kamara ang desisyon nito na tanggalin ang confidential funds ang nasa limang ahensya… Continue reading Pag-alis ng confidential fund ng ilang ahensya sa ilalim ng 2024 budget bill, ‘done deal’ na — House Appropriations Chair

Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon para maiwasan ang anumang sigalot sa rehiyon ng ASEAN at Indo-Pasipiko, kapwa tiniyak ng Australia at Pilipinas

Lalo pang lumalim ang relasyong bilateral gayundin ang ugnayang pangkalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Australia. Ito’y kasunod ng pagbisita nila Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual sa Adelaide. Doon kanilang nakapulong sina Australian Minister for Foreign Affairs, Senator Penny Wong at Minister for Trade and Tourism, Senator Don… Continue reading Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon para maiwasan ang anumang sigalot sa rehiyon ng ASEAN at Indo-Pasipiko, kapwa tiniyak ng Australia at Pilipinas

Isang Pinoy na unang napaulat na nawawala, natagpuan na — DFA; umano’y pagkasawi ng isa pang Pinay, inaalam pa

Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Tel-Aviv sa Israel na natagpuan na ang isang Pilipinong unang napaulat na nawawala. Bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na sigalot sa Israel na nag-ugat sa pag-atake ng mga rebeldeng Hamas at nagtulak sa pagganti ng Israeli forces. Sa impormasyong ipinabatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) buhat sa… Continue reading Isang Pinoy na unang napaulat na nawawala, natagpuan na — DFA; umano’y pagkasawi ng isa pang Pinay, inaalam pa

Mas malawak na defense industry cooperation, inaasahan ng Pilipinas at South Korea

Nagpahayag ng pagnanais si Korean Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the Republic of Korea (ROK) to the Philippines, His Excellency Lee Sang-Hwa na mapalawak ang kooperasyong pandepensa sa pagitan ng kanyang bansa at Pilipinas. Ito ang ipinaabot ng Embahador kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa kanyang… Continue reading Mas malawak na defense industry cooperation, inaasahan ng Pilipinas at South Korea

AFP Chief, nanindigang propaganda lang ng China ang ulat ng pagtataboy sa barko ng Phil. Navy sa Bajo de Masinloc

Pinanindigan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang kanyang unang pahayag na propaganda lang ng China ang kanilang inilabas na ulat tungkol sa pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Navy sa bisinidad ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea. Ito’y sa kabila ng… Continue reading AFP Chief, nanindigang propaganda lang ng China ang ulat ng pagtataboy sa barko ng Phil. Navy sa Bajo de Masinloc

Mga iskolar na nagwagi sa International STEM Olympiads, kinilala ng DOST

Kinilala ng Department of Science and Technology (DOST) para sa mga naging pambato ng Pilipinas sa ginanap na international olympiad sa iba’t ibang bansa ngayong taon. Ilan sa mga international olympiad na sinalihan ng bansa: Ayon kay DOST – Science Education Institute Director Dr. Josette T. Biyo, malaki ang tulong na naibibigay sa mga kabataan… Continue reading Mga iskolar na nagwagi sa International STEM Olympiads, kinilala ng DOST