PNP Chief sa mga pulis: Gamitin ang baril bilang ‘last resort’

Ipinaalala ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga pulis na “last resort” lang ang paggamit ng baril. Ito ang sinabi ng PNP Chief sa pagbubukas kahapon ng Chief PNP Cup 2023 shooting competition sa ARMSCOR Shooting Range, Marikina City. Ang pahayag ni Gen. Acorda ay kasunod ng mga alegasyon na gumamit ng… Continue reading PNP Chief sa mga pulis: Gamitin ang baril bilang ‘last resort’

QC Engineering Dept., sinisilip na ang ilang lapses sa pagguho ng pader sa isang gusali sa city hall

Nagsasagawa na ng fact-finding investigation ang Quezon City Engineering Department sa pangunguna ni Atty. Dale Peral sa nangyaring aksidenteng pagguho ng pader sa isang construction site sa Civic Center B Building ng Quezon City Hall kagabi. Ayon kay Atty. Peral, batay sa kanilang initial findings, mayrooong lapses ang contractor na MRB2 construction sa nangyaring insidente.… Continue reading QC Engineering Dept., sinisilip na ang ilang lapses sa pagguho ng pader sa isang gusali sa city hall

I-ACT, nanghuli ng mga pribadong sasakyang dumadaan sa EDSA Busway

Nanghuli ang mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ng mga pribadong sasakyan na dumadaan sa EDSA Busway partikular sa EDSA Ortigas, Santolan, at Cubao. Ang nasabing operasyon ay bilang paghahanda para sa FIBA Basketball World Cup, kung saan dadaanan ito ng mga delegado. Aabot sa 72 sasakyan ang kanilang natiketan kung saan nahuli… Continue reading I-ACT, nanghuli ng mga pribadong sasakyang dumadaan sa EDSA Busway

DSWD, tiniyak ang tuloy-tuloy na tulong sa mga residenteng apektado ng aktibidad ng bulkang Mayon

Tiniyak ng Department of Social Welfare ang Development (DSWD) na magtutuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng nagpapatuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon. Kasunod ito ng ibinigay na 300 metrikong toneladang bigas ng Ministry of Agriculture, Forestry, and Fisheries ng bansang Japan. Ayon kay DSWD Disaster Response Management Bureau (DRMB) Director Michael… Continue reading DSWD, tiniyak ang tuloy-tuloy na tulong sa mga residenteng apektado ng aktibidad ng bulkang Mayon

Commanding General ng US Air Force Pacific, bumisita sa PH Air Force

Malugod na tinanggap ni Philippine Air Force (PAF) Chief Lieutenant General Stephen Parreño si United States Air Force Pacific (USAFPAC) Commander General Kenneth S. Willbach, sa kanyang pagbisita sa Philippine Air Force Headquarters sa Villamor Airbase sa Pasay City. Ayon kay PAF Spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, ang pag-uusap ng dalawang Heneral ay naging pagkakataon… Continue reading Commanding General ng US Air Force Pacific, bumisita sa PH Air Force

VP Sara Duterte, nanawagan sa publishing industry na pangalagaan ang ‘binhi ng kaalaman’

Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga tagapaglimbag na pagyamanin ang binhi ng kaalaman o “seeds of knowledge” upang mapakinabangan ng susunod na henerasyon. Sa kanyang pagdalo sa Philippine Book Festival, pinuri ng pangalawang pangulo ang dedikasyon ng National Book Development Board sa mga estudyanteng Pilipino, kung saan itinampok niya ang dedikasyon at mga… Continue reading VP Sara Duterte, nanawagan sa publishing industry na pangalagaan ang ‘binhi ng kaalaman’

Mga bulok na isda at karne, nasabat sa ilang cold storage facilities sa Navotas

Tinatayang nasa P86.8 milyon na halaga ng iba’t ibang prutas, karne, at, isda ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs at Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement. Katumbas ito ng 364,000 na kilo ng iba’t ibang prutas, karne, at isda na natuklasan sa 13 cold storage facilities sa Philstorage Corporation na matatagpuan… Continue reading Mga bulok na isda at karne, nasabat sa ilang cold storage facilities sa Navotas

Itinutulak na dagdag-sahod para sa mga kawani ng gobyerno sa 2024, welcome sa CSC

Welcome para sa Civil Service Commission (CSC) ang itinutulak ng Department of Budget and Management na dagdag-sahod para sa mga kawani ng gobyerno sa taong 2024. Sa naunang pahayag ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, sinabi nitong P16.95 bilyon na budget ang huhugutin sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund para sa umento sa sahod at nakapaloob ito… Continue reading Itinutulak na dagdag-sahod para sa mga kawani ng gobyerno sa 2024, welcome sa CSC

Mga tropang kasama sa resupply mission sa BRP Sierra Madre na binomba ng water cannon ng CCG, pinarangalan

Pinarangalan ni Philippine Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Toribio D. Adaci Jr. ang mga tauhan ng Philippine Navy na nanguna sa troop rotation and reprovision (RoRe) mission sa BRP Sierra Madre noong Agosto 5, na binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard. Iginawad ni VAdm. Adaci ang Bronze Cross Medal sa mga… Continue reading Mga tropang kasama sa resupply mission sa BRP Sierra Madre na binomba ng water cannon ng CCG, pinarangalan

Mataas na singil ng kuryente sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asya, ipinaliwang ng DOE

Nagpaliwanag ang Department of Energy (DOE) kung bakit mataas ang singil sa kuryente sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa rehiyon. Sa pagtalakay ng proposed 2024 budget ng DOE, sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla, ito ay dahil subsidized ng kanilang gobyerno ang bahagi ng binabayaran nilang kuryente. Ito ay dahil nage-export ng coal o… Continue reading Mataas na singil ng kuryente sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asya, ipinaliwang ng DOE