Aktor na si Ricardo Cepeda, inaresto ng QCPD

Inaresto ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit ang kilalang aktor na si Ricardo Cepeda, dahil sa kasong Syndicated Estafa. Ang aktor na kilala sa totoong buhay na si Richard Go 58 taong gulang ay residente ng San Antonio St., Pasig City.  Ayon kay QCPD Director PBgen Redrico Maranan, dinakip si Cepeda… Continue reading Aktor na si Ricardo Cepeda, inaresto ng QCPD

Listahan ng mga barangay at presintong kabilang sa Mall Voting Pilot Testing, inilabas ng COMELEC

Ipinababatid ng Commission on Elections (COMELEC) para sa mga rehistradong botante sa mga piling polling precincts dahil pagdating ng October 30 sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay maaari po kayong bumoto bilang bahagi ng Mall Voting Pilot Testing. Kabilang sa mga kasama sa Mall Voting Pilot Testing Area ay gagawin sa mga malls ng… Continue reading Listahan ng mga barangay at presintong kabilang sa Mall Voting Pilot Testing, inilabas ng COMELEC

VP at DepEd Sec. Sara, tiniyak na pabibilisin ang kaso sa pagkamatay ng grade 5 student mula sa Antipolo City

Binigyan na lang hanggang bukas ng Department of Education ang Regional Office nito para tapusin ang fact finding investigation sa kaso ng pagkamatay ng Grade 5 student na si Francis Jay Minggoy Gumikib. Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, kailangan nang makapagsampa ng kaso sa may kinalaman sa pagkamatay ng estudyante. Pinag-uusapan… Continue reading VP at DepEd Sec. Sara, tiniyak na pabibilisin ang kaso sa pagkamatay ng grade 5 student mula sa Antipolo City

House Appropriations Chair, suportado ang pagpapaunlad sa Pag-asa Island

Kaisa si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa planong pagpapaunlad at pagsasaayos ng Pag-asa Island. Kasama si Co sa mga lider ng Kamara na bumisita kamakailan sa Pag-asa Island kung saan nakita nila ang ganda at potensyal ng isla. Ayon sa House Appropriations panel Chair, suportado niya ang hangarin ni Speaker Martin Romualdez na… Continue reading House Appropriations Chair, suportado ang pagpapaunlad sa Pag-asa Island

Gross International Reserve ng bansa bahagyang bumaba sa US$98.7 Billion ayon sa BSP

Umabot sa $98.7 bilyon ang antas ng gross international reserves (GIR) ng Pilipinas sa katapusan ng Setyembre 2023, bahagyang pagbaba ito mula sa nakaraang buwan na nasa $99.6 bilyon. Ang nasabing gross international reserve ng bansa ay nagbibigay ng matibay na external liquidity buffer na katumbas ng 7.3 na buwang halaga ng mga import at… Continue reading Gross International Reserve ng bansa bahagyang bumaba sa US$98.7 Billion ayon sa BSP

Gilas at iba pang Atleta sa Asian Games bibigyan ng plaque at cash ni Speaker Romualdez

Pararangalan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Gilas Pilipinas Basketball Team matapos iuwi ang gintong medalya sa bansa, makaraan ang 61-taon. Matatandaang tinalo ng Gilas ang Team Jordan sa score na 70-60 sa China noong Biyernes. Ayon kay Speaker Romualdez, “Gilas taught us Filipinos once again our resilience against all odds, yun bang never… Continue reading Gilas at iba pang Atleta sa Asian Games bibigyan ng plaque at cash ni Speaker Romualdez

House panel Chair, pinatitiyak ang kaligtasan ng mga OFW sa Israel matapos ang umano’y pandurukot ng grupong Hamas

Pinasisiguro ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Ron Salo sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) ang kaligtasan ng mga OFW na naiipit ngayon sa gulo matapos atakihin ng grupong Hamas ang Israel. Pinaka-ikinababahala ni Salo ay ang napaulat na pandurukot ng naturang grupo sa mga indibidwal kasama… Continue reading House panel Chair, pinatitiyak ang kaligtasan ng mga OFW sa Israel matapos ang umano’y pandurukot ng grupong Hamas

Tulong pinansyal sa pamilya ng OFW fisherman na nasawi sa Taiwan, ipinaabot ng pamahaalan

Ipinaabot na ng pamahalaan ang tulong pinansyal sa pamilyang naiwan ng Filipino fisherman na nasawi sa Taiwan. Sinasabing ang Pilipinong mangingisda ay nagtatrabaho sa isang fishing company sa Taiwan na namatay habang nasa loob ng isang Taiwanese vessel noong huling bahagi ng Hunyo. Ayon kay MECO Chairman Silvestre Bello III, ito ang unang kasong naitala… Continue reading Tulong pinansyal sa pamilya ng OFW fisherman na nasawi sa Taiwan, ipinaabot ng pamahaalan

Mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, higit isang libo na -PNP

Nasa 1,135 indibidwal ang naaresto na ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa gun ban habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Sa kabuuang bilang, 1,088 sa mga naaresto ay mga sibilyan, labing anim(16) naman ang security guard, dalawa (2) ang elected government official , limang (5) pulis at apat ( 4… Continue reading Mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, higit isang libo na -PNP

Speaker Romualdez, kaisa sa pagkondena sa pag-atake sa Israel; kaligtasan ng mga OFW pinatitiyak

Nakiisa si House Speaker Martin Romualdez sa mga nagpahayag ng pagkondena sa ginawang pag-atake sa Israel kung saan marami sa mga bikita ay sibilyan. Ayon sa House leader, ang karahasan ay lalo lamang magdudulot ng gulo. Nanawagan din ito sa lahat ng partido lalo na ang lider ng Hamas na idaan sa payapang pag-uusap ang… Continue reading Speaker Romualdez, kaisa sa pagkondena sa pag-atake sa Israel; kaligtasan ng mga OFW pinatitiyak