Mga operator at kapitan ng mga sasakyang pandagat na nasasangkot sa aksidente, malaki ang pananagutan—PCG  

Muling ipinaalala ng Philippine Coast Guard sa lahat ng mga may-ari o operator gayundin sa mga kapitan ng sasakyang pandagat ang kanilang malaking pananagutan sa mga pasahero. Ito ang inihayag ni Coast Guard Commandant, Adm. Artemio Abu kasunod ng pagkakasawi ng may dalawampu’t anim na pasahero matapos tumaob motorbanca MBCA Princess Aya Express sa Laguna… Continue reading Mga operator at kapitan ng mga sasakyang pandagat na nasasangkot sa aksidente, malaki ang pananagutan—PCG  

Larong Pinoy ng 2023 Palarong Pambansa, sinimulan na ngayong araw

Inumpisahan na ngayong araw ang Larong Pinoy ng 2023 Palarong Pambansa sa Marikina Sports Center. Ayon sa Department of Education, maglalaban-laban ang mga delegasyon sa tatlong Larong Pinoy kabilang dito ang Kadang-Kadang, Patintero, at Tumbang Preso. Bago ang patimpalak ay pinangunahan ng mga mag-aaral sa Marikina Science High School ang isang Zumba warm-up para sa… Continue reading Larong Pinoy ng 2023 Palarong Pambansa, sinimulan na ngayong araw

Pagpapatupad ng EO-18 na nagtatakda ng ‘green lanes for strategic investments,’ suportado ng BOC

Suportado ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpapatupad ng Executive Order 18 na nag-aatas sa pagtatatag Green Lanes para sa pagtataguyod ng istratehikong pamumuhunan. Pahayag ito ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio nang dumalo ito sa launching at covenant signing ng EO sa Pasay City kamakailan. Dahil dito, sinabi ni Rubio na sa pamamagitan nito ay… Continue reading Pagpapatupad ng EO-18 na nagtatakda ng ‘green lanes for strategic investments,’ suportado ng BOC

Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P62 milyon—DA

Pumalo na sa P62 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor agrikultura na dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay, ayon sa Department of Agriculture. Batay sa pinakahuling datos ng DA Regional Field Offices sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Calabarzon, Mimaropa, at Caraga, mahigit 3,000 na mga magsasaka ang naapektuhan kung saan mahigit 2,000 metriko… Continue reading Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P62 milyon—DA

DTI Sec. Pascual, hinikayat ang Malaysian businesses na mamuhunan sa Pilipinas

Hinikayat ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na mamuhunan sa bansa kung saan binigyang diin nito ang mga mid-tier Malaysian companies na dapat ikonsidera ang Pilipinas bilang strategic choice sa kanilang operational expansion. Sa kanyang talumpati, sinabi ng kalihim sa harap ng mga kasapi ng Malaysian International Chamber of Commerce and… Continue reading DTI Sec. Pascual, hinikayat ang Malaysian businesses na mamuhunan sa Pilipinas

Mga pantalan sa bansa, muling pinaghahanda sa paparating na panibagong bagyo

Mga pantalan sa bansa, muling pinaghahanda sa paparating na panibagong bagyo Muling pinaghahanda ng Philippine Ports Authority  (PPA) ang lahat ng Port Management Offices nito sa bansa hinggil sa bagong paparating na bagyo sa bansa. Sa kaniyang pag-iikot, sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na wala naman silang naiulat na major damage sa iba’t… Continue reading Mga pantalan sa bansa, muling pinaghahanda sa paparating na panibagong bagyo

DOH, muling kinalampag na bayaran na ang COVID-19 allowances ng mga healthcare worker

Nagpaalala si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa Department of Health na bayaran na ang mga healthcare worker na hindi pa natatanggap ang kanilang COVID-19 allowances. Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod ng pagtiyak ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang SONA na matatanggap na ng mga healthcare worker sa pribado at pampublikong ospital… Continue reading DOH, muling kinalampag na bayaran na ang COVID-19 allowances ng mga healthcare worker

DTI, nagbabala vs. establisimyentong lalabag sa ‘automatic price freeze’ sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Egay

Nagpaalala si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa mga business establishments na sundin ang “price freeze” para sa mga basic commodities, kasunod ng malalakas na hangin at ulan at pinsalang naidulot ng bagyong Egay sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, at Central Luzon. Ayon sa kalihim, mahigpit ang kanilang… Continue reading DTI, nagbabala vs. establisimyentong lalabag sa ‘automatic price freeze’ sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Egay

25 kalsadang naapektuhan ng bagyong Egay, binuksan na—DPWH

Puspusan ang ginagawang clearing operations ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa mga kalsadang apektado ng pananalasa ng bagyong Egay. Batay sa 12nn update ng DPWH, aabot na sa 25 mga kalsada ang kanilang nabuksan na sa daloy ng trapiko. 14 sa mga ito ay mula sa Cordillera Administrative Region, 6 sa… Continue reading 25 kalsadang naapektuhan ng bagyong Egay, binuksan na—DPWH

Ulan na dala ng Bagyong Egay, nakatulong para madagdagan ang lebel ng tubig sa Pantabangan Dam—NIA

Inihayag ng National Irigation Administration o NIA na nakatulong ang mga ulan na dala ng Bagyong Egay upang madagdagan ang lebel ng tubig sa Pantabangan Dam. Ayon kay NIA Upper Pampanga River Integrated Irrigation System Manager Engr. Rosalinda Bote, tumaas ng 185.35 meters above sea level (masl) ang lebel ng tubig sa nasabing dam mula… Continue reading Ulan na dala ng Bagyong Egay, nakatulong para madagdagan ang lebel ng tubig sa Pantabangan Dam—NIA