11 opisyal ng PNP, binalasa

Muling nagpatupad ng balasahan sa hanay ng mga senior police officials si Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. Sa pinakabagong unit reassignment na pirmado ni Director for Personnel and Records Management Police Major General Robert Rodriguez, limang heneral at anim na koronel ang nabigyan ng mga bagong pwesto. Kabilang sa mga heneral… Continue reading 11 opisyal ng PNP, binalasa

Maharlika Investment Fund, daan para magamit ang trilyong pisong investible funds sa development programs ng bansa

Magsisilbing tulay ang Maharlika Investment Fund para mapunan ang kakulangan sa pondo para maipatupad ang iba’t ibang developmental projects sa bansa. Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, tinatayang nasa ₱19-na trilyong piso ang investible funds na umiikot sa ating banking system habang may ₱5.7-trillion na savings naman ang ilan sa pinakamalalaking kompanya… Continue reading Maharlika Investment Fund, daan para magamit ang trilyong pisong investible funds sa development programs ng bansa

NTF-ELCAC, nagpasalamat sa Pangulo sa paglikha ng peace and development office sa lahat ng ahensya ng gobyerno

Nagpasalamat si National Security Adviser at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman Sec. Eduardo Año sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglikha ng Project Management Office o Peace and Development Office sa lahat ng departamento, bureau, tanggapan, ahensya, at “instrumentality” ng gobyerno. Ang naturang tanggapan ang tututok sa… Continue reading NTF-ELCAC, nagpasalamat sa Pangulo sa paglikha ng peace and development office sa lahat ng ahensya ng gobyerno

Embahada ng Pilipinas sa Italy, nagbigay paalala sa OFWs na mag-ingat sa matinding init dulot ng heat wave

Nagbigay paalala ang Embahada ng Pilipinas sa Italy sa mga overseas Filipino worker (OFW) na mag-ingat sa heat wave dahil sa labis na init ng panahon na kanilang nararanasan sa naturang bansa. Sa inilabas na abiso ng Italian Ministry of Health na ilang lungsod sa Italya ang nakataas sa red alert level kung saan pumapalo… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa Italy, nagbigay paalala sa OFWs na mag-ingat sa matinding init dulot ng heat wave

7 transport groups, nangakong di makikilahok sa tigil-pasada sa July 24 — MMDA

Nangako ang nasa pitong transport groups sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi makikiisa sa tatlong araw na tigil-pasada na nakakasa sa July 24 hanggang July 26 na pangungunahan ng grupong Manibela. Ito ang naging pahayag ng grupo sa kanilang naging pagpupulong kasama si MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, at General Manager Undersecretary… Continue reading 7 transport groups, nangakong di makikilahok sa tigil-pasada sa July 24 — MMDA

Makati City Mayor Binay, nanawagan sa lungsod ng Taguig na pag-ingatan ang 10 barangay

Nanawagan si Makati City Mayor Abby Binay sa Taguig City government na pag-ingatan ang mga residenteng nakapaloob sa 10 barangay na ililipat na ang pamamahala sa lungsod ng Taguig. Sa kanyang naging mensahe sa isang video message kahapon sinabi ng alkalde na bagamat hinihintay na lamang nila ang kopya ng naging desisyon ng Korte Superma… Continue reading Makati City Mayor Binay, nanawagan sa lungsod ng Taguig na pag-ingatan ang 10 barangay

Mga empleyado ng COMELEC na mabibigong ma-liquidate ang ₱700 million na cash advances, kakasuhan ng Komisyon

Hindi magdadalawang-isip ang Commission on Elections (COMELEC) na kasuhan nito ang sariling mga empleyado na mabibigo na ma-liquidate ang natitirang mga cash advances na umaabot sa ₱700 million. Ayon kay Atty. John Rex Laudiangco, spokesperson ng COMELEC, inatasan na ng komisyon ang kanilang mga empleyado na tapusin na ang liquidation sa lalong madaling panahon. Matatandaan… Continue reading Mga empleyado ng COMELEC na mabibigong ma-liquidate ang ₱700 million na cash advances, kakasuhan ng Komisyon

ICAO at CAAP, magsasagawa ng technical mission para palakasin ang air traffic management system ng Pilipinas

Tumungo ang International Civil Aviation Organization (ICAO) sa Ating bansa katuwang ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa technical mission sa pagpapalakas ng Air Traffic Management System ng ating bansa. Ayon kay CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo, layon ng naturang Technical Mission ng ICAO na makakuha ang CAAP ng observation at… Continue reading ICAO at CAAP, magsasagawa ng technical mission para palakasin ang air traffic management system ng Pilipinas

Panukalang legislated wage hike, may tiyansang makapasa na sa Kongreso — isang senador

Nakikita ni Senate Deputy Minority Leader Senador Risa Hontiveros na may tiyansa nang makapasa sa Senado ang panukalang ₱150 legislated wage hike sa suporta ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Ayon kay Hontiveros, dahil mismong ang Senate leader ang nagtataguyod ng panukala ay posibleng maipasa na ito ng Mataas na Kapulungan. Ipinunto pa ng senador… Continue reading Panukalang legislated wage hike, may tiyansang makapasa na sa Kongreso — isang senador

DSWD, magpapadala ng dagdag na suplay ng family food packs sa Albay

Muling magpapadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng panibagong suplay ng family food packs (FFPs) sa lalawigan ng Albay. Ito ay bilang tugon sa hiling ng DSWD Bicol Regional Office partikular sa 30,000 FFPs replenishment na kailangan sa Albay warehouse at 6,500 FFPs rin sa Matnog warehouse. Bukod dito, nanawagan rin ang… Continue reading DSWD, magpapadala ng dagdag na suplay ng family food packs sa Albay