SILG Abalos, pinatitiyak ang seguridad at kaayusan sa Labor Day

Inatasan na ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. ang local government units (LGUs) at ang Philippine National Police (PNP) na magkasa na ng mga paghahanda para masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa pagdiriwang ng Labor Day o Araw ng Paggawa sa May 1, 2023. Partikular na pinaalalahanan ng kalihim ang mga lungsod sa Metro Manila… Continue reading SILG Abalos, pinatitiyak ang seguridad at kaayusan sa Labor Day

Deadline sa pag-avail ng Estate Tax Amnesty, hanggang Hunyo 14 na lamang — BIR

Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue na pinalawig hanggang Hunyo 14, ngayong taon ang deadline sa pag-avail ng Estate Tax Amnesty. Ang extension ng panahon para sa tax amnesty ay alinsunod sa Revenue Regulations No. 17-2021 na inisyu ng BIR noong Agosto 3, 2021. Sakop ng Estate Tax Amnesty ang ari-arian ng mga yumao na… Continue reading Deadline sa pag-avail ng Estate Tax Amnesty, hanggang Hunyo 14 na lamang — BIR

DICT, 13 pang ahensya ng pamahalaan, lumagda sa kasunduan para sa e-governance

Lalarga na tungo sa digitalisasyon ang 13 ahensiya ng pamahalaan. Kasunod na rin ng paglagda ng mga ito sa isang memorandum of understanding (MOU) para sa e-governance sa pangunguna ng Department of Information and Communications Technology (DICT). Sa ilalim ng kasunduan ay magtutulungan ang bawat ahensya para sa pag-streamline ng kanilang mga proseso sa pamamagitan… Continue reading DICT, 13 pang ahensya ng pamahalaan, lumagda sa kasunduan para sa e-governance

Paniningil ng ₱20 ng SIM retailers para sa assistance sa SIM registration, reasonable — DICT

Walang nalalabag na batas ang mga nagtitinda ng SIM card at naniningil ng nasa 20 pesos sa pag-asiste sa SIM users para sa kanilang SIM registration. Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni DICT Secretary Ivan Uy na private transaction na kasi ito sa pagitan ng SIM holder at SIM retailers. Aniya, dahil data naman… Continue reading Paniningil ng ₱20 ng SIM retailers para sa assistance sa SIM registration, reasonable — DICT

Imbestigasyon ng anti-drugs panel ng Kamara sa 990-kilo shabu haul sa Maynila, kasado na ngayong araw

Tuloy ang imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs ngayong araw sa maanomalyang pagkakasabat ng 990-kilos ng shabu sa Maynila, Oktubre ng nakaraang taon. Ang imbestigasyon ng Komite ay bahagi ng motu proprio inquiry tungkol sa nabunyag na drug recycling. Una nang inihayag ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, chair ng komite na… Continue reading Imbestigasyon ng anti-drugs panel ng Kamara sa 990-kilo shabu haul sa Maynila, kasado na ngayong araw

Hakbang ng gobyerno para ilikas ang mga OFW sa Sudan, suportado

Kaisa ng pamahalaan ang OFW Party-list sa pagsusulong ng agarang repatriation ng nasa 700 OFW na nasa Sudan. Ayon kay OFW Party-list Representative Marisa Del Mar Magsino, mahalaga ang kagyat na pagkilos para matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa naturang bansa. Maliban aniya sa repatriation efforts ng ating pamahalaan ay dapat na… Continue reading Hakbang ng gobyerno para ilikas ang mga OFW sa Sudan, suportado

Iba’t ibang gamit pandigma, itinampok sa Combined Joined Littoral Live Fire Exercise

Matagumpay na naisagawa ang Combined Joint Littoral Live Fire exercise ng mga Tropa ng Armed Forces of the Philippines at US Military sa San Antonio, Zambales ngayong umaga. Ang ehersisyo ang tampok na aktibidad sa Balikatan 38 – 2023 military exercise, ang pinakamalaking pagsasanay militar sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa kasaysayan. Dito’y… Continue reading Iba’t ibang gamit pandigma, itinampok sa Combined Joined Littoral Live Fire Exercise

SDS Arroyo at Croatian Ambassador to PH, nagkasundong palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Croatia

Asahang lalalim pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Croatia kasunod ng pulong sa pagitan nina Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo at Croatian Ambassador to the Philippines Nebojša Koharović. Sa kanilang pag-uusap, inilapit ni Arroyo ang pagnanais ng Pilipinas na manatili sa GSP-Plus (Generalized Scheme of Preferences Plus) o GSP+, isang zero duties incentive… Continue reading SDS Arroyo at Croatian Ambassador to PH, nagkasundong palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Croatia

BIR, hahabulin na rin ang
mga bumibili ng pekeng resibo

Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa CAMANAVA ang mga naghahanap ng trabaho na maghanda na ng maraming resume dahil magkakaroon din ito ng malawakang job fair kasabay ng selebrasyon ng Labor Day sa May 1. Sa abiso ng DOLE NCR, libu libong job vacancies ang bubuksan nito sa job fair na gaganapin… Continue reading BIR, hahabulin na rin ang
mga bumibili ng pekeng resibo

Bilang ng mga Pilipino na lumapit sa DFA para makauwi ng Pilipinas mula Sudan, patuloy na nadadagdagan

Parami pa ng parami ang mga Pilipino na lumalapit saDepartment of Foreign Affairs (DFA) para makauwi sa Pilipinas. Yan ay sa harap na rin ng Kaguluhan sa Sudan. Ayon sa DFA mula sa 146 ngayon nasa 350 na ang lumapit sa kanilang tanggapan para makauwi na sa Pilipinas. Tumaas din sa 700 ang mga Na-monitor… Continue reading Bilang ng mga Pilipino na lumapit sa DFA para makauwi ng Pilipinas mula Sudan, patuloy na nadadagdagan