Mas mataas na intelligence fund para sa PNP, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Iginigiit ni Senador Sherwin Gatchalian na mabigyan ng mas mataas na intelligence fund ang Philippine National Police (PNP) sa susunod na taon para mas mapaigting ang kampanya ng bansa kontra sa mga Philippine Offsore Gaming Operator (POGO). Ito ay sa gitna ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluyan nang itigil ang POGO… Continue reading Mas mataas na intelligence fund para sa PNP, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Kamara, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-32 Children’s month

Nakikiisa ang Kamara sa paggunita ng National Children’s Month ngayong buwan. Sa sesyon ngayong Lunes ang mga kabataan na pawang mga anak ng mga kawani ng Kamara ang nanguna sa pag-awit ng Lupang Hinirang gayundin sa doxology. Ilan rin sa mga kongresista ang nagkaroon ng pribilehiyong talumpati ukol sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng mga… Continue reading Kamara, nakiisa sa pagdiriwang ng ika-32 Children’s month

PAGASA, wala pang nakitang panibagong bagyo sa susunod na 2 linggo

Wala pang nakikitang panibagong bagyo ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na papasok sa bansa sa susunod na dalawang linggo. Ito ay batay sa Tropical Cyclone Threat Potential Forecast na inilabas ng weather bureau, matapos ang pitong sunod-sunod na bagyo na pumasok sa nakalipas na linggo. Sa kaparehong forecast summary, patuloy pa ring binabantayan… Continue reading PAGASA, wala pang nakitang panibagong bagyo sa susunod na 2 linggo

House Blue Ribbon Committee, may alok na P1-M pabuya sa makapagtuturo kay ‘Mary Grace Piattos’

Nag-ambagan ang mga miyembro ng House Committee on Good Government and Public Accountability o Blue Ribbon Committee ng Kamara para sa P1 milyong pabuya sa sino mang makapagtuturo sa kinaroroonan ng isang nagngangalang “Mary Grace Piattos.” Isa si Mary Grace Piattos sa mga pangalang lumabas sa acknowledgment receipt (AR) na isinumite ng Office of the… Continue reading House Blue Ribbon Committee, may alok na P1-M pabuya sa makapagtuturo kay ‘Mary Grace Piattos’

‘Bawal Judgemental Bill’ inihain sa Kamara

Itinutulak ngayon sa Kamara ang Bawal Judgemental Bill o ang Open Door Policy Act upang maiwasan ang diskriminasyon sa mga marginalized sector na nais kumuha ng transaksyon o serbisyo ng pamahalaan. Sa ilalim ng House Bill 11078, ipagbabawal ang strict dress code o paghihigpit sas kasuotan kung wala naman itong kinalaman sa frontline service na… Continue reading ‘Bawal Judgemental Bill’ inihain sa Kamara

DILG Secretary Remulla at CSC Chair Marilyn Barua-Yap, haharap sa Commission on Appointments

Isasalang sa Commission on Appointments (CA) sa Miyerkules (November 20) ang ad interim appointments nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at Civil Service Commission (CSC) Chairperson Marilyn Bairua-Yap. Sa inilabas na advisory ni CA Committee on the Interior and Local Government Chairperson Senador Juan Miguel Zubiri, unang sasalang sa CA… Continue reading DILG Secretary Remulla at CSC Chair Marilyn Barua-Yap, haharap sa Commission on Appointments

Pagpapadala ng dagdag na 45k family food packs sa Catanduanes, tiniyak ng DSWD

Sinisiguro ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Catanduanes Provincial Government na magpapadala pa ito ng karagdagang family food packs para sa mga naapektuhan ng bagyong Pepito. Ayon kay Secretary Gatchalian, magpapadala ang DSWD ng dagdag na 45,000 family food pack (FFPs), bukod pa ito sa 10,000 FFPs na  naka-preposition na bago pa man mag-landfall ang… Continue reading Pagpapadala ng dagdag na 45k family food packs sa Catanduanes, tiniyak ng DSWD

Panukalang amyenda sa Safe Space Act, inaprubahan ng House Committee on Women ang Gender Equality

Inaprubahan ng House Committee on Women ang Gender Equality ang consolidation ng panukalang pagpapataw ng mas mahigpit na parusa sa paglabag ng gender-based sexual harassment sa mga workplace at education or training center. Layon ng panukalang batas na amyendahan ang Safe Spaces Act o RA 11313. Ayon kay Bataan Rep. Geraldine Roman na siyang chair… Continue reading Panukalang amyenda sa Safe Space Act, inaprubahan ng House Committee on Women ang Gender Equality

Panukalang Barangay Management and Information System, makatutulong tuwing may kalamidad

Inaprubahan ng House Committee on Information and Communications Technology ang pagbuo ng technical working group (TWG) para sa pagtatag ng Barangay Management and Information System. Ayon kay Committee Chair at Navotas Representative Toby Tiangco, layon ng House Bill 150 na magkaroon ng centralized system para sa mas madali ang decision making lalo na kung may… Continue reading Panukalang Barangay Management and Information System, makatutulong tuwing may kalamidad

NGCP, inaapura na ang pagsasaayos ng 3 pang bumigay na transmission line sa Luzon

Tatlong transmission line facility na lang ang hindi pa tapos makumpuni ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Gayunman inaapura na ng mga line crew na maibalik ang operasyon ng mga unavailable na transmission line. Sabayan na ang isinasagawang restoration activities sa Cabanatuan-Bulualto 69kv line, Santiago-Cauayan 69kv line, at Cabanatuan-San Luis 69kv line. Apektado… Continue reading NGCP, inaapura na ang pagsasaayos ng 3 pang bumigay na transmission line sa Luzon