Kamara, kinatigan ang bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund

Adopted na ng House of Representatives ang Senate Bill 2020 o bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund. Ito’y bilang substitute sa House Bill 6608 ng Kamara. Dahil dito, maaari na itong maiakyat sa tanggapan ng Pangulo ang panukala para lagdaan at maging ganap na batas. Sa ilalim ng adopted version, malinaw na nakasaad ang… Continue reading Kamara, kinatigan ang bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund

Napagkasunduang bersyon ng Maharlika Investment Fund sa bicam, ‘di gagalawin ang SSS, GSIS pension fund

Nagdesisyon ang Kamara na i-adopt ang Senate version ng Maharlika Investment Fund (MIF) upang mabigyang pagkakataon ang Ehekutibo na masimulang bumuo ng implementing rules ang regulations (IRR), at tuluyang maging ganap na batas pagsapit ng ikalawang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ay ayon kay House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda… Continue reading Napagkasunduang bersyon ng Maharlika Investment Fund sa bicam, ‘di gagalawin ang SSS, GSIS pension fund

Panukalang taasan ang disability pension ng mga beterano, niratipikahan na ng Senado

Matapos ang halos tatlong dekada, makatatanggap na ang mga beteranong may kapansanan ng mas mataas na buwanang disability pension matapos ratipikahan ng Senado ang reconciled bicameral conference committee report, tungkol sa panukalang batas na magpapataas sa mga benepisyo ng mga beteranong sundalo at kanilang dependents.  Sinabi ni Senate Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy… Continue reading Panukalang taasan ang disability pension ng mga beterano, niratipikahan na ng Senado

GSIS at PhilHealth, lumagda ng kasunduan para sa libreng health consultation ng PhilHealth members

Seryoso ang Government Service Insurance System (GSIS) sa pagtulong sa pamahalaan na mapalawak ang healthcare benefit ng mga Pilipino. Sa ika-86 anibersaryo ng GSIS ngayong araw (May 31), sinabi ni GSIS President Wick Veloso na kaninang umaga, lumagda na sila ng kasunduan katuwang ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa paglalabas ng GSIS Surety… Continue reading GSIS at PhilHealth, lumagda ng kasunduan para sa libreng health consultation ng PhilHealth members

Ilang  private colleges at universities, nanganganib na magsara dahil sa utang ng CHED ayon sa isang mambabatas

Nababahala si House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Representative Paul Daza, na mauwi sa pagsasara ng ilang private universities at colleges dahil sa umaabot na P6 bilyong utang ng Commission on Higher Education (CHED). Sa ginawang press conference ni Daza sa Kamara, sinabi nito na mayorya ng private universities and colleges ay may… Continue reading Ilang  private colleges at universities, nanganganib na magsara dahil sa utang ng CHED ayon sa isang mambabatas

Senate President Migz Zubiri, masaya sa pagtanggap ng Kamara sa Senate version ng MIF bill

Nagpasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagtanggap ng Kamara sa kanilang bersyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill. Ipinahayag ni Zubiri, na masaya at proud siya sa nabuong bersyon ng Senado ng MIF bill dahil inilagay nila ang lahat ng safeguard na maaari nilang ilagay para maprotektahan ang pondo. Nagpasalamat rin si SP… Continue reading Senate President Migz Zubiri, masaya sa pagtanggap ng Kamara sa Senate version ng MIF bill

Arraignment ng mga suspek sa Degamo Murder Case, ipinagpaliban ng Manila RTC

Hindi itinuloy ng Manila City Regional Trial Court Branch 51 ang pagbasa ng sakdal sa 11 suspek sa pagpatay kay Governor Roel Degamo ng Negros Oriental. Ito ay dahil naghain ng motion ang panig ng prosecution at depensa, na naging dahilan para ipagpaliban ngayong araw ang arraignment. Hiningi ng prosekusyon na ilipat ang mga suspek… Continue reading Arraignment ng mga suspek sa Degamo Murder Case, ipinagpaliban ng Manila RTC

Panukalang tukuyin bilang “crime of economic sabotage” ang illegal recruitment, inihain sa Kamara

Upang pangalagaan ang overseas Filipino workers (OFWs) laban sa pang-aabuso, naghain si Davao City Representative Paolo Duterte ng panukalang batas upang i-define ang illegal recruitment sa ilalim ng Labor Code of the Philippines. Sa House Bill 8360, nais ni Rep. Duterte na tukuyin, ang illegal recruitment bilang “crime of economic sabotage” kaakibat ang mas mahigpit… Continue reading Panukalang tukuyin bilang “crime of economic sabotage” ang illegal recruitment, inihain sa Kamara

Minority solon, suportado ang senate version ng MIF

Nagpahayag ng suporta si House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza sa ipinasang bersyon ng Senado ng Maharlika Investment Fund (MIF). Sa isang presser, sinabi ni Daza na bagamat hindi pa sila nakakatanggap ng final copy ng bicameral conference committee report ng MIF, may ilang probisyon sa Senate version na kaniyang sinusuportahan. Isa na rito… Continue reading Minority solon, suportado ang senate version ng MIF

Masagana Agri Roadmap, inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.; Pagbibigay prayoridad sa farmers’ welfare consolidation, ipinagutos rin ng Pangulo

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) na layong maabot ang pinakamataas na rice sufficiency level sa pamamagitan ng implementasyon ng iba’t ibang istratehiya. Sa naging convergence meeting kasama ang mga opisyal ng National Irrigation Administration (NIA), siniguro ng Pangulo na kayang maisakatuparan ang pagpapaigting ng agricultural production.… Continue reading Masagana Agri Roadmap, inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.; Pagbibigay prayoridad sa farmers’ welfare consolidation, ipinagutos rin ng Pangulo