Higit 1,000 residente sa QC, napabilang sa benepisyaryo ng Project Binhi ng DSWD

Aabot sa 1,200 QCitizens ang napabilang sa Cash for Fork (CFW) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan sa QC Social Services Development Department (SSDD). Ang CFW ay bahagi ng implementasyon ng lungsod sa Project BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ng DSWD, na naglalayong masolusyunan ang mga… Continue reading Higit 1,000 residente sa QC, napabilang sa benepisyaryo ng Project Binhi ng DSWD

House Panel chair, naniniwala na walang halaga ang sinasabing ‘gentleman’s agreement’ ng Pilipinas at China

Para kay Special Committee on the West Philippine Sea Chair Neptali Gonzales, walang valid na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China na maaaring ibatay sa umano’y “gentleman’s agreement.” Ayon kay Gonzales, sapat na ang mga pahayag ng iba’t ibang ahensya na dumalo sa kanilang pagdinig para masabi na wala talagang kasunduan. “Ako if you’re… Continue reading House Panel chair, naniniwala na walang halaga ang sinasabing ‘gentleman’s agreement’ ng Pilipinas at China

Magiging direksyon ng panukalang Economic Cha-Cha sa ilalim ng liderato ni Senate President Chiz Escudero, pag-uusapan pa ng mga senador

Pag-uusapan pa ng majority bloc ng Senado ang kahihinatnan ng panukalang pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas o Economic Cha-Cha ngayong nagkaroon ng pagbabago sa liderato ng Mataas na Kapulungan. Ito ang ipinahayag ni bagong Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero. Dati nang ipinahayag ni Escudero ang kanyang pagtutol sa panukalang Cha-Cha at sinabi nito… Continue reading Magiging direksyon ng panukalang Economic Cha-Cha sa ilalim ng liderato ni Senate President Chiz Escudero, pag-uusapan pa ng mga senador

Pahayag ni Human Rights Panel Chair Benny Abante na di na kailangan humarap ni dating Pangulong Duterte sa nakatakdang pagdinig sa EJK, suportado ng House members

Suportado ng House members ang pahayag ni House Committee on Human Rights Chair Bienvenido Abante na hindi na kailangan ipatawag si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa nakatakdang pagdinig ng committee sa umanoy extra judicial cases sa bansa. Sa daily press conference sa Kamara, sinabi ni Manila Representative Joel Chua na hayaan munang gumulong ang pagdinig… Continue reading Pahayag ni Human Rights Panel Chair Benny Abante na di na kailangan humarap ni dating Pangulong Duterte sa nakatakdang pagdinig sa EJK, suportado ng House members

Anti-Financial Account Scamming Bill, aprubado na sa Senado

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 2560 o ang panukalang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA). Sa botong 23 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag-abstain ay lusot na ang naturang panukala sa Mataas na Kapulungan. Sa ilalim ng AFASA Bill, layong magpataw ng mas mabigat na parusa… Continue reading Anti-Financial Account Scamming Bill, aprubado na sa Senado

Pagsisikap ng gobyerno upang maibsan ang kahirapan sa bansa, tuloy-tuloy sa pamamagitan ng Bangon Pilipinas Serbisyo Fair — solon

Naniniwala si Zambales Representative Jefferson Khonghun na nakararanas ang ating mga kakababayan ng kahirapan. Ito ang pahayag ng kongresista kasunod ang pahayag ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Atty. Larry Gadon na “haka-haka” lamang ang kahirapan sa bansa. Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Khonghun na ito ang dahilan kaya pinaiigting ng Marcos Jr.… Continue reading Pagsisikap ng gobyerno upang maibsan ang kahirapan sa bansa, tuloy-tuloy sa pamamagitan ng Bangon Pilipinas Serbisyo Fair — solon

NSC sa mga mangingisda: ‘Wag pansinin ang banta ng China na aarestohin ang mga ‘trespasser’ sa West Philippine Sea

Binalewala ng National Security Council (NSC) ang huling banta ng China na aarestuhin ang mga “trespasser” sa kanilang inaangking teritoryo sa West Philippine Sea. Sa palatuntunang “Bagong Pilipinas Ngayon” sa PTV-4 kahapon, sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na pawang “scare tactic” lang ang banta ng China. Paliwanag ni Malaya, kung ireklamo ito… Continue reading NSC sa mga mangingisda: ‘Wag pansinin ang banta ng China na aarestohin ang mga ‘trespasser’ sa West Philippine Sea

Bagong barracks para sa Philippine Navy personnel, itatayo sa Pag-asa Island

Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, kasama sina Senador Juan Miguel Zubiri, JV Ejercito, at Joel Villanueva ang groundbreaking ceremony para sa bagong barracks ng mga tauhan ng Philippine Navy sa Pag-Asa Island. Sa pagbisita ng kalihim at ng mga senador sa Pag-Asa Island noong nakaraang Huwebes, kinumusta nila ang mga… Continue reading Bagong barracks para sa Philippine Navy personnel, itatayo sa Pag-asa Island

Mga Pilipino sa Indonesia, nananatiling ligtas kasunod ng pag-aalburoto ng bulkan sa Maluku Province — DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipino o Overseas Filipino Worker (OFW) ang nasugatan o nasaktan kasunod ng pag-aalburoto ng bulkang Mt. Ibu sa North Maluku Province sa Indonesia. Ito ang inihayag ng DMW kasunod ng kanilang masinsing pakikipag-ugnayan sa Migrant Workers Office nito sa Singapore. Batay sa ulat ng Philippine Consulate… Continue reading Mga Pilipino sa Indonesia, nananatiling ligtas kasunod ng pag-aalburoto ng bulkan sa Maluku Province — DMW

DILG, bukas sa pagsasampa ng reklamo sa mga dating opisyal ng Tarlac dahil sa pagpasok ng umano’y POGO hub na ikinokonekta kay Bamban Mayor Alice Guo

Hindi isinasantabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga dating opisyal ng Tarlac kasunod ng pagpasok ng umano’y POGO hub na ini-uugnay kay Bamban Mayor Alice Guo. Ito ang inihayag ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. kasunod ng pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na… Continue reading DILG, bukas sa pagsasampa ng reklamo sa mga dating opisyal ng Tarlac dahil sa pagpasok ng umano’y POGO hub na ikinokonekta kay Bamban Mayor Alice Guo