Code White Alert, itinaas ng DOH bilang paghahanda sa Bagyong Pepito

Itinaas ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert sa Central Office nito at mga apektadong rehiyon bilang paghahanda sa paparating na Bagyong Pepito. Kabilang dito ang mga rehiyon ng National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Eastern at Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao. Sa ilalim ng alertong… Continue reading Code White Alert, itinaas ng DOH bilang paghahanda sa Bagyong Pepito

PPA, umapela sa agarang paglikas ng mga stranded na pasahero patungo sa mga evacuation center

Ipinanawagan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa mga stranded na pasahero na agad lumikas patungo sa evacuation centers ng mga local goverment unit (LGU) bilang pag-iingat sa panganib na dulot ng storm surge bunsod ng Bagyong #PepitoPH. Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, inatasan na nito ang lahat ng Port Management Offices na makipag-ugnayan… Continue reading PPA, umapela sa agarang paglikas ng mga stranded na pasahero patungo sa mga evacuation center

PRC, nakaalerto na sa Bagyong #PepitoPH

Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang kahandaan sa pagpasok ng panibagong bagyong Pepito sa bansa. Sa ulat ng PRC, in-activate na ang kanilang anticipatory action efforts para maprotektahan ang publiko sa perwisyong idudulot ng bagyo. Payo ng PRC Disaster Management Services sa komunidad na protektahan na ang mga tahanan, mga pananim at iba… Continue reading PRC, nakaalerto na sa Bagyong #PepitoPH

LRT 1 Cavite Extension Project Phase 1, pormal nang binuksan ngayong araw, Nobyembre 16

Pormal nang binuksan ngayong araw, Nobyembre 16, ang Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project. Ang proyektong ay sinasabing isang mahalagang hakbang ng pamahalaan katuwang ang pribadong sektor para sa mas mabilis, mas maayos, at mas abot-kayang transportasyon sa pagitan ng Metro Manila at Cavite. Ang Phase 1 ng extension ay may kabuuang haba na… Continue reading LRT 1 Cavite Extension Project Phase 1, pormal nang binuksan ngayong araw, Nobyembre 16

NGCP at NEA, tiniyak na ang paghahanda sa epekto ng Bagyong #PepitoPH

Nagpatupad na ng mga paghahanda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagpasok ng Bagyong #PepitoPH. Pagsisikapan ng NGCP na maibsan ang epekto ng bagyo sa mga operasyon at transmission facilities nito. Kasama sa kanilang paghahanda ang pagtiyak na may sapat na communication equipment, pagkakaroon ng hardware materials at mga suplay na kailangan… Continue reading NGCP at NEA, tiniyak na ang paghahanda sa epekto ng Bagyong #PepitoPH

DILG, inatasan ang mga LCE na magpatupad ng pre-emptive forced evacuation protocol bilang paghahanda sa Bagyong #PepitoPH

Pinaghahanda na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGU) na maapektuhan ng Bagyong #PepitoPH. Hinimok ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang mga LGU na ipatupad ang pre-emptive at forced evacuation protocols partikular sa mga lugar na may banta ng mga pagbaha, pagguho ng lupa, storm surge, at… Continue reading DILG, inatasan ang mga LCE na magpatupad ng pre-emptive forced evacuation protocol bilang paghahanda sa Bagyong #PepitoPH

DSWD, inalerto na ang Mobile Command Center nito sa Samar bilang paghahanda sa bagyong #PepitoPH

Naka-deploy na ang Mobile Command Center ng Department of Social Welfare (DSWD) sa lalawigan ng Samar. Ayon sa DSWD Eastern Visayas Field Office 8, bilang paghahanda na ito sa paparating na Bagyong #PepitoPH. Isa ang lalawigan ng Samar ang tinutumbok na daanan ng bagyo katunayan nakataas na ang typhoon signal sa lalawigan ng Samar. Nais… Continue reading DSWD, inalerto na ang Mobile Command Center nito sa Samar bilang paghahanda sa bagyong #PepitoPH

Taas-babang performance grade ng PhilHealth, nasita sa Senado

Napuna ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang tila ‘rollercoaster’ o taas-babang performance ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa nakalipas na mga taon.Sa plenary deliberations ng panukalang 2025 budget ng Governance Commission for Government-Owned or Controlled Corporations (GCG), nausisa ni Pimentel ang gradong binigay ng ahensya sa PhilHealth. Ibinahagi naman ito ng sponsor ng… Continue reading Taas-babang performance grade ng PhilHealth, nasita sa Senado

LTFRB Chair Guadiz, dumalo sa Transport Summit sa Iloilo City

Nagtipon sa isinagawang transport summit ang mga kasapi ng transport cooperative at corporation sa buong Western Visayas, na inorganisa ng Western Visayas Alliance of Transport Cooperative and Corporation Incorporated. Mismong si Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III ang pangunahing panauhin pandangal sa okasyon. Sa kanyang mensahe inihayag nito ang buong… Continue reading LTFRB Chair Guadiz, dumalo sa Transport Summit sa Iloilo City

Meralco, handang tumugon sa posibleng epekto ng bagyong Pepito

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na nakahanda silang rumesponde sa anumang epekto ng bagyong Pepito. Ayon sa Meralco, nakaalerto ang kanilang mga tauhan upang agad na matugunan ang ano mang problema sa serbisyo ng kuryente. Kaugnay nito, umapela ang Meralco sa mga kumpanya at sa mga may-ari at operator ng mga billboard na pansamantalang… Continue reading Meralco, handang tumugon sa posibleng epekto ng bagyong Pepito