Higit 400,000 indibidwal, apektado ng bagyong Nika at Ofel — DSWD

Umabot na sa higit 100,000 pamilya o katumbas ng 405,612 na indibidwal ang apektado ng ulan at bahang dulot ng bagyong Nika at ng umiiral ngayong bagyong Ofel. Ayon sa DSWD, kasama sa apektado ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, at Cordillera Administrative Region (CAR). Nasa halos 9,000 pamilya naman ang nananatili… Continue reading Higit 400,000 indibidwal, apektado ng bagyong Nika at Ofel — DSWD

Search, Rescue, and Retrieval Team ng OCD Region 2, nakakalat na sa Cagayan bilang paghahanda sa bagyong Ofel

Ipinakalat na ng Office of Civil Defense Region 2 ang Search, Rescue, and Retrieval Teams sa lalawigan ng Cagayan bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Ofel. Kabilang sa deployment ng OCD para sa bagyo ang 3rd Light Urban Search and Rescue Team mula sa 525th Combat Engineering Battalion ng Philippine Army na binubuo ng 20… Continue reading Search, Rescue, and Retrieval Team ng OCD Region 2, nakakalat na sa Cagayan bilang paghahanda sa bagyong Ofel

Pagtataguyod ng culture of resilience ng mga Pilipino sa pagtama ng “the Big One,” layunin ng 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Tinatayang aabot sa 30,000 hanggang 52,000 indibidwal ang posibleng masawi habang mahigit 162,000 naman ang posibleng masugatan sa sandaling tumama sa bansa ang pinangangambahang the Big One kung hindi magiging handa. Kaya naman inihayag ng Office of Civil Defense (OCD) na kailangang maitaguyod ang culture of resilience sa mga Pilipino na siyang layunin ng isasagawang… Continue reading Pagtataguyod ng culture of resilience ng mga Pilipino sa pagtama ng “the Big One,” layunin ng 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw, nakasentro sa pagtugon sa banta ng Tsunami

Sa kabila ng pagtutok sa mga bagyong Ofel at Pepito, hinikayat pa rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lahat na patuloy na paghandaan ang pinsalang dulot naman ng malakas na lindol. Ito’y sa ika-4 na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gagawin sa Camiguin Provincial Sports Complex sa bayan ng… Continue reading 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw, nakasentro sa pagtugon sa banta ng Tsunami

₱43 kada kilo ng bigas, mabibili sa Pasig City Mega Market

Tiwala ang mga nagtitinda ng bigas sa Pasig City Mega Market na tatagal hanggang sa Pasko ang murang bigas na kanilang ibinebenta. Sa katunayan, sinabi sa Radyo Pilipinas ng mga nagtitinda na dalawang linggo bago pa man pulungin ng Department of Agriculture (DA) ang mga Market retailer, nagawa na nilang maibaba sa ₱43 ang kada… Continue reading ₱43 kada kilo ng bigas, mabibili sa Pasig City Mega Market

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Albay, ipinagpaliban para bigyang daan ang paghahanda sa posibleng pagtama ng bagyong Pepito

Hindi na muna itutuloy ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Albay na dapat ay gaganapin sa November 15. Ito ay bilang pagtalima sa gabay ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council dahil na rin sa banta ng bagyong Pepito. Gayundin ay matiyak na makapaghanda para sa bagyo at masiguro ang kaligtasan ng lahat ng… Continue reading Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Albay, ipinagpaliban para bigyang daan ang paghahanda sa posibleng pagtama ng bagyong Pepito

National Privacy Commission, magsasagawa rin ng imbestigasyon sa nangyaring aberya sa Gcash app noong weekend

Gagawa rin ng sarili nilang imbestigasyon ang National Privacy Commission (NPC) kaugnay sa nangyaring glitch sa mga account ng Gcash users noong weekend.  Sa isang statement, sinabi ng NPC na kanilang sisilipin kung may nangyaring paglabag sa data privacy ng mga customers ng Globe Xchange Inc ang siyang operator ng Gcash app.  Nais malaman ng… Continue reading National Privacy Commission, magsasagawa rin ng imbestigasyon sa nangyaring aberya sa Gcash app noong weekend

Higit 50 ektarya ng sakahan, naapektuhan ng bagyong Nika — DA

Nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng pinsala sa sektor ng pagsasaka dahil sa umiiral na bagyong Nika. Batay sa inilabas nitong inisyal na assessment mula sa DA-DRRM, aabot na sa 50 ektarya ng sakahan ang naapektuhan ng bagyo sa Central Luzon. Katumbas ito ng tinatayang ₱860,000 ang halaga ng pinsala sa mga sakahan… Continue reading Higit 50 ektarya ng sakahan, naapektuhan ng bagyong Nika — DA

DOJ, wala pang impormasyon sa pagpapabalik sa bansa kay dating PCSO General Manager Garma 

Hindi pa makapagbibigay ng impormasyon si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla kung kailan maibabalik ng bansa si dating PCSO General Manager Royima Garma.  Sa isang ambush interview, sinabi ni Remulla na marami pang mga aayusing dokumento sa Estados Unidos bago maipa-deport sa Pilipinas ang retiradong colonel.  Si Garma ay inaresto sa Amerika… Continue reading DOJ, wala pang impormasyon sa pagpapabalik sa bansa kay dating PCSO General Manager Garma 

Task Force on Extra Judicial Killings, nagsimula nang magtrabaho — Justice Sec. Remulla 

Sinimulan na ng binuong Task Force on Extra Judicial Killings ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng war on drugs noong nakaraang administrasyong Duterte.  Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nangangalap na ng mga ebidensya ang Task Force EJK para simulan ang pagbuo ng kaso.  Ang Task Force EJK ay pinamumunuan ni Prosecutor General Richard Anthony… Continue reading Task Force on Extra Judicial Killings, nagsimula nang magtrabaho — Justice Sec. Remulla