Halos 30,000 indibidwal, nananatili sa evacuation centers bunsod ng epekto ng bagyong Nika

Aabot na ngayon sa higit 9,000 pamilya ang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng bagyong Nika. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas na ito ng halos 30,000 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa 598 evacuation centers. Karamihan sa mga ito ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol,… Continue reading Halos 30,000 indibidwal, nananatili sa evacuation centers bunsod ng epekto ng bagyong Nika

‘Murang Pagkain Supercommittee’ ng Kamara, nagkaroon ng paunang pulong

Nagkasa ng paunang pulong ang Quinta Committee o ang Murang Pagkain Supercommittee ng Kamara. Pinangunahan ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, na siyang magiging overall chairperson ng Quinta Committe ang all-chairpersons briefing kung saan inilatag ang framework at magiging direksyon ng gagawing inquiry in aid of legislation. Partikular na tututukan ng supercommittee ang… Continue reading ‘Murang Pagkain Supercommittee’ ng Kamara, nagkaroon ng paunang pulong

NDRRMC, nangako ng maagap na pagdedeklara ng suspensyon ng klase at trabaho tuwing may bagyo

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang maagap na pagsusupinde ng klase gayundin ng trabaho sa tuwing may dumarating na bagyo sa bansa. Ito ang inihayag ni NDRRMC Vice Chair at Interior (DILG) Secretary Jonvic Remulla makaraang makatanggap ng basbas mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para gawin ito. Paliwanag… Continue reading NDRRMC, nangako ng maagap na pagdedeklara ng suspensyon ng klase at trabaho tuwing may bagyo

Mababang farm gate price ng manok, pabor sa mga retailer sa Marikina Public Market

Kung ang mga nagtitinda ng manok sa Marikina Public Market ang tatanungin, pabor sila sa mababang farm gate price ng manok. Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilang mga nagtitinda na mas magandang pagkakataon ito dahil bababa ang presyo ng dressed chicken na siyang ibinebenta sa palengke. Anila, kung mura ang presyuhan sa manok,… Continue reading Mababang farm gate price ng manok, pabor sa mga retailer sa Marikina Public Market

Bagyong Ofel, nasa typhoon category na — PAGASA

Lumakas pa sa typhoon category ang bagyong Ofel habang lumalapit sa Northern Luzon. Huli itong namataan sa layong 475 km silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120 km/h malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 150 km/h. Nakataas na naman ang Signal no. 1 sa Cagayan kabilang ang… Continue reading Bagyong Ofel, nasa typhoon category na — PAGASA

Bureau of Treasury, magpapatupad ng mas pinasimpleng tax treaty procedures para makahikayat ng mas maraming foreign investors

Inilunsad ng Bureau of Treasury (BTr) ang pagpapatupad ng streamlined tax treaty procedure para sa mga non-resident investors ng Government Securities (GS). Ayon sa BTr ito ay bahagi ng hangarin na makapag-enganyo ng mas maraming foreign investors sa government securities at mapalakas pa ang domestic capital market. Sa ilalim ng streamlined process, hindi na kailangan… Continue reading Bureau of Treasury, magpapatupad ng mas pinasimpleng tax treaty procedures para makahikayat ng mas maraming foreign investors

Mga kahinaan ng PH cyberspace, ibinabala ng AFP sa gitna ng diskusyon sa pagluluwag sa telco regulations

NAGBABALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang foreign invasions ay maaaring maging sanhi ng cyber attacks sa digital age, sa gitna ng mga diskusyon sa pagpasa ng isang batas na magluluwag sa telco regulations at restrictions. Ginawa ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner ang pahayag sa ADR Stratbase Pilipinas Conference… Continue reading Mga kahinaan ng PH cyberspace, ibinabala ng AFP sa gitna ng diskusyon sa pagluluwag sa telco regulations

Party-list Solon, nanawagan ng mas mahigpit na patakaran sa “fidelity bond” sa gobyerno

Nanawagan si Tingog Party-list Representative Jude Acidre ng masusing pagsusuri sa mga patakaran ng “fidelity bond” ng gobyerno. Ayon kay Acidre, dapat mataas ang bond upang maprotektahan ang public fund. Inihayag ni Acidre and kanyang pagkabahala kasunod ng pagkakadiskubre ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa kasalukuyang halaga ng bond ng Office… Continue reading Party-list Solon, nanawagan ng mas mahigpit na patakaran sa “fidelity bond” sa gobyerno

Sapat na pondo para sa DFA, ipinanawagan ni Sen. Marcos sa gitna ng inaasahang pagpapauwi ng mga undocumented Pinoy sa US

Hinikayat ni Senadora Imee Marcos ang mga kapwa mambabatas mula sa Senado at Kamara na bigyan ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kinakailangan nitong pondo para makatugon sa inaasahang mass deportation ng mga undocumented migrants sa Estados Unidos. Ayon kay Marcos, dapat maging handa ang DFA sa pagbibigay ng nararapat at maagap na pagtugon… Continue reading Sapat na pondo para sa DFA, ipinanawagan ni Sen. Marcos sa gitna ng inaasahang pagpapauwi ng mga undocumented Pinoy sa US

Quad Comm, wala ideya na lumabas ng bansa si dating PCSO General Manager Royina Garma

Aminado si Quad Comm overall chairperson Robert Ace Barbers na hindi nila alam na nakalabas ng bansa si dating PCSO General Manager Royina Garma. Ito ang tugon ng mambabatas nang matanong kung nabalitaan ang pagkaka harang kay Garma sa US. Una nang kinumpirma ni Barbers na wala na sa kustodiya ng Kamara si Garma pati… Continue reading Quad Comm, wala ideya na lumabas ng bansa si dating PCSO General Manager Royina Garma