India, suportado ang Pilipinas pagdating sa isyu sa West Philippine Sea

Ibinahagi ni Senador Francis Tolentino na nangako ang bansang India na suportahan ang claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Gayunpaman, nilinaw ni Tolentino na ang antas ng suportang binibigay ng India sa ating bansa ay hindi pa umaabot sa puntong magkakaroon sila ng joint patrol sa ating bansa. Sinabi ng senador na sa ngayon… Continue reading India, suportado ang Pilipinas pagdating sa isyu sa West Philippine Sea

Budget briefing ng Department of Migrant Workers, mabilis na tinapos ng Kamara

Mabilis na tinapos ng House Committee on Appropriations ang budget briefing ng Department of Migrant Workers (DMW). Ito ay bilang pakikiisa sa pagdadalamhati ng kagawaran sa pagpanaw ni DMW Secretary Susan Ople. Sa simula ng Budget briefing ay nag-alay ng sandaling katahimikan ang komite para ipagdasal ang yumaong kalihim. Emosyonal naman na humarap si DMW… Continue reading Budget briefing ng Department of Migrant Workers, mabilis na tinapos ng Kamara

Mambabatas, pinatutugunan sa TESDA ang paniningil ng assessment fee sa mga may kapansanang kumukuha ng TESDA Certificate

Inilapit ni Deputy Minority Leader France Castro sa Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) na ilibre na sana ang mga may kapansanan mula sa pagkuha ng TESDA National Certification (NC). Sa budget briefing ng Department of Labor and Employment at attached agencies nito kasama ang TESDA, sinabi ni Castro na may ilang may kapansanan… Continue reading Mambabatas, pinatutugunan sa TESDA ang paniningil ng assessment fee sa mga may kapansanang kumukuha ng TESDA Certificate

LTFRB, tumatanggap na ng transfer requests para sa prangkisa ng mga PUVs

Tumatanggap na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga transfer requests ng certificates of public convenience (CPC) para sa public utility vehicles (PUV). Sa isang pahayag nitong Huwebes, inanunsyo ng LTFRB ang Memorandum Circular 2023-027, o ang “Guidelines on the Transfer of Certificate of Public Convenience” na nag-aalis ng “pagbabawal sa pagtanggap… Continue reading LTFRB, tumatanggap na ng transfer requests para sa prangkisa ng mga PUVs

53 bus units, binigyan ng special permit ng LTFRB para magamit sa 2023 Fiba World Cup

Nagbigay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permit sa ilang piling Public Utility Bus (PUB) na gagamitin sa 2023 FIBA Basketball World Cup. Ayon sa LTFRB, aabot sa 53 bus units ang ginawaran nito ng special permit na tatagal hanggang sa September 17. Partikular na gagamitin ang mga bus sa paghatid… Continue reading 53 bus units, binigyan ng special permit ng LTFRB para magamit sa 2023 Fiba World Cup

Mga manonood ng FIBA World Cup, may libreng toll sa Ciudad de Victoria Northbound Exit Plaza simula mamayang tanghali

Good news para sa susuporta sa Team Pilipinas dahil may libreng toll sa NLEX papasok ng Ciudad de Victoria simula mamayang tanghali. Sa inilabas na abiso ng NLEX, epektibo ang free toll para sa Class 1 vehicles na papasok ng Ciudad de Victoria Northbound Exit Plaza simula mamayang alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon.… Continue reading Mga manonood ng FIBA World Cup, may libreng toll sa Ciudad de Victoria Northbound Exit Plaza simula mamayang tanghali

Mga scammer, tuloy pa rin sa pag-atake — PNP Anti-Cybercrime Group

Aminado ang Philippine National Police- Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na namamayagpag pa rin ang mga scammer para mambiktima. Ito’y kahit nagtapos na noon pang July 25 ang SIM Registration ng pamahalaan na naglalayong masawata na ang pag-atake ng mga kawatan gamit ang cellphones. Ayon kay PNP-ACG Spokesperson, Police Captain Michelle Sabino, may nakararating pa rin sa… Continue reading Mga scammer, tuloy pa rin sa pag-atake — PNP Anti-Cybercrime Group

Menor de edad, patay matapos aksidenteng mabaril sa Rodriguez, Rizal

Isang menor de edad ang namatay matapos na aksidenteng mabaril sa insidenteng kinasangkutan ng pulis sa Rodriguez, Rizal. Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si John Francis Ompad, 16, na residente ng Southville 8B, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Nangyari ang insidente noong Linggo ng… Continue reading Menor de edad, patay matapos aksidenteng mabaril sa Rodriguez, Rizal

Senator Robin Padilla, mariing iginiit na ‘di naging traydor si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Inang Bayan

Hindi kailanman magiging traydor si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Inang Bayan. Ito ang iginiit ni Senator Robinhood “Robin” C. Padilla, matapos pabulaanan ang paratang na ipinangako ni Duterte sa Tsina, na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ito ay sa kabila ng lumalabas sa mga nakaraang araw na mga tsismis, tungkol… Continue reading Senator Robin Padilla, mariing iginiit na ‘di naging traydor si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Inang Bayan

Napaulat na pagtaas sa ‘drug-related deaths’ sa ilalim ng Marcos Jr. Administration, beberipikahin ng DOJ

Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang nangako na iba-validate ang umano’y pagtaas sa numero ng ‘drug-related deaths’ sa ilalim ng Marcos Jr. Administration. Sa deliberasyon ng panukalang budget ng ahensya, sinabi ni ACT-Teachers Party-list Representative France Castro, na sa inilathalang report ng University of the Philippines Third World Studies Center (UP TWSC)—hanggang noong… Continue reading Napaulat na pagtaas sa ‘drug-related deaths’ sa ilalim ng Marcos Jr. Administration, beberipikahin ng DOJ