Flight at ground ops ng MIAA, balik operasyon na matapos maglabas ng red lightning alert status kaninang madaling araw

Balik operasyon na ang flight at ground operations ng Manila International Airport Authority (MIAA) matapos maglabas ng Red Lightning Alert Status kaninang madaling araw. Inilabas ng MIAA Airport Ground Operations and Safety Division ang naturang red alert status bandang 5:23am. Ito’y para maiwasan ang anumang untoward incident sa mga ground personnel, ganun din ang piloto… Continue reading Flight at ground ops ng MIAA, balik operasyon na matapos maglabas ng red lightning alert status kaninang madaling araw

Makati Mayor Abby Binay, pinabulaanan ang akusasyon ni Mayor Lani Cayetano hinggil sa paghingi ng masterlist ng senior citizens, mga mag-aaral sa 10 EMBO barangays

Pinabulaanan ni Makati City Mayor Abby Binay ang akusasyon ni Mayor Lani Cayetano na hindi pagbibigay ng listahan o masterlist ng senior citizens maging ang mga mag-aaral sa 10 EMBO barangays sa nailipat na mga lungsod ng Taguig. Ayon sa alkalde, hindi maaring verbal ang pagbibigay nito. Kailangan ng formal letter request ang pabibigay ng… Continue reading Makati Mayor Abby Binay, pinabulaanan ang akusasyon ni Mayor Lani Cayetano hinggil sa paghingi ng masterlist ng senior citizens, mga mag-aaral sa 10 EMBO barangays

Pondo pambili ng bigas mula sa lokal na magsasaka, pinabubuo

Itinutulak ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang pagkakaroon ng isang pondo na siyang gagamitin ng pamahalaan para bilhin ang bigas ng mga lokal na magsasaka. Aniya, sa subsidiyang ito ng gobyerno ay masisigurong maibebenta ng mga magsasaka ang bigas sa presyong hindi sila babaratin upang maengganyo rin silang pataasin ang kanilang produksyon. Sa panukalang… Continue reading Pondo pambili ng bigas mula sa lokal na magsasaka, pinabubuo

Commission on Appointments member, pinaghihinay-hinay si Health Sec. Herbosa sa pagkomento sa Vape Law

Pinayuhan ni SAGIP party-list Representative Rodante Marcoleta, miyembro ng House contingent sa makapangyarihang Committee on Appointments, si Health Secretary Ted Herbosa na maghinay-hinay sa pagkomento kontra sa Vape Law. Kasunod ito ng alinlangan umano ng kalihim sa planong gawing e-cigarette at Heated Tobacco Product (HTP) manufacturing hub ang Pilipinas dahil sa posibleng banta nito sa… Continue reading Commission on Appointments member, pinaghihinay-hinay si Health Sec. Herbosa sa pagkomento sa Vape Law

CDO solon, pinabubuo ng isang team ang OSG na tututok para aralin ang mga susunod na hakbang ng Pilipinas sa West Philippine Sea

Isinusulong ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na mabigyan ng dagdag na ₱10-million na pondo ang Office of the Solicitor General. Ito ay para makabuo ng isang team na tanging gagawin ay aralin ang susunod na magiging hakbang ng Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea. “I would like to put in ₱10-more-million for… Continue reading CDO solon, pinabubuo ng isang team ang OSG na tututok para aralin ang mga susunod na hakbang ng Pilipinas sa West Philippine Sea

QC LGU, tuloy-tuloy na sa pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral sa lungsod

Ngayong malapit na ang balik-eskwela ay tuloy tuloy na rin ang distribusyon ng Quezon City Government ng school supplies para sa mga estudyante ng pampublikong paaralan sa lungsod. Pinangunahan mismo ni QC Mayor Joy Belmonte ang pagiikot sa ilang eskwelahan para personal na ipamahagi ang libreng mga gamit sa eskwela para sa mga estudyante mula… Continue reading QC LGU, tuloy-tuloy na sa pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral sa lungsod

Bidding para sa operasyon at rehabilitasyon ng NAIA, binuksan na ng DOTr

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbubukas ng bidding para sa mga nagnanais namang mangasiwa sa operasyon at rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Dahil dito, kapwa inaanyayahan ng DOTr at ng Manila International Airport Authorithy (MIAA) ang mga intresadong kumpanya na lumahok sa single-stage competitive bidding process. Ang gagamiting modality rito ay… Continue reading Bidding para sa operasyon at rehabilitasyon ng NAIA, binuksan na ng DOTr

Sec. Teodoro, nagpasalamat sa mga mambabatas sa pag-unawa sa posisyon ng DND sa MUP Pension Reform scheme

Pinasalamatan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang mga mambabatas sa kanilang pag-unawa sa posisyon ng DND sa Miltary and Uniformed Personnel (MUP) Pension Reform Bill. Ito’y matapos sang-ayunan ni Albay 2nd District Representative at Chairman ng Ad Hoc Committee on Military and Uniformed Personnel Pension System, Joey Salceda ang request ni… Continue reading Sec. Teodoro, nagpasalamat sa mga mambabatas sa pag-unawa sa posisyon ng DND sa MUP Pension Reform scheme

Mungkahing dagdag pondo para sa pagbili ng body-worn cameras, welcome sa PNP

Target ng Philippine National Police (PNP) na makabili pa ng mas maraming body-worn cameras para sa mga ikinakasa nilang operasyon. Iyan ang tugon ng PNP sa naging mungkahi ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dagdagan pa ang pondo ng PNP para sa pagbili ng mga ito. Ayon kay PNP… Continue reading Mungkahing dagdag pondo para sa pagbili ng body-worn cameras, welcome sa PNP

Kahalagahan ng rainwater harvesting facility, binigyang diin ni Senador Revilla

Binigyang diin ni Senate Committee on Public Works Chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang kahalagahan ng rainwater harvesting bilang isang epektibong solusyon sa problema sa pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ngayong araw, tinalakay ng kumite ni Revilla ang iba’t ibang mga panukala na nagsusulong ng pagtatatag, pangangasiwa, maintenance at regulasyon ng isang… Continue reading Kahalagahan ng rainwater harvesting facility, binigyang diin ni Senador Revilla