Appro Chair Elizaldy Co, tiniyak ang kahandaan ng Kamara upang maisakatuparan ang gov’t-to-gov’t importation

Handa ang Kamara na bumuo ng panukala para mas maging madali ang government to government importation ng bigas. Ito ang sinabi ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa Department of Agriculture sa deliberasyon ng panukalang pondo ng ahensya. Puna ng mambabatas, nangako mismo si DA Usec. Leocadio Sebastian na… Continue reading Appro Chair Elizaldy Co, tiniyak ang kahandaan ng Kamara upang maisakatuparan ang gov’t-to-gov’t importation

Panukala para mapag-aral ang 4Ps beneficiaries na nasa hustong gulang, pasado na sa Kamara

Inaprubahan ng Kamara ang panukala na magbibigay pagkakataon sa mga miyembro ng pamilya na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na makapag-aral. Aamyendahan ng House Bill 8497 ang bahagi ng Republic Act 11310, o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act kung saan mga male adults lang sa family beneficiary ang nabibigyan ng ganitong… Continue reading Panukala para mapag-aral ang 4Ps beneficiaries na nasa hustong gulang, pasado na sa Kamara

DND, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni DMW Sec. Ople

Nagpahayag ng pakikidalamhati ang Department of National Defense (DND) sa pamilya at mahal sa buhay ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople sa kanyang pagpanaw kahapon. Sa isang statement, sinabi ni DND Sec. Gilbert Teodoro na ang pagkakahirang ng kanyang kaibigang si Toots Ople bilang kauna-unahang kalihim ng DMW ay isang malaking… Continue reading DND, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni DMW Sec. Ople

Gov’t agencies at pribadong sektor, pinalalaanan ng posisyon para sa mga PWD na empleyado

Inihain sa Kamara ang House Bill 8941 na layong atasan ang mga tanggapan ng pamahalaan at pribadong sektor na kumuha ng mga empleyado na may kapansanan o yung mga PWD. Pinangunahan nina ACT CIS party-list Reps. Erwin Tulfo, Jocelyn Tulfo at Edvic Yap, kasama sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City Rep. Ralph Tulfo,… Continue reading Gov’t agencies at pribadong sektor, pinalalaanan ng posisyon para sa mga PWD na empleyado

Kooperasyon ng Makati, hiningi ng Comelec at Taguig sa pag-turnover ng mga botante mula sa 10 EMBO barangays

Kasunod ng pagkilala ng Commission on Elections (Comelec) sa 10 EMBO barangays bilang bahagi na ng Taguig, umapela ang komisyon at ang Taguig LGU ng kooperasyon mula sa Makati City. Tiniyak ng Comelec na walang uusbong na tensyon sa kanilang gagawing turnover at sa mismong eleksyon dahil mayroon silang nakalatag na procedural steps na susundin… Continue reading Kooperasyon ng Makati, hiningi ng Comelec at Taguig sa pag-turnover ng mga botante mula sa 10 EMBO barangays

Makati City, sinasabing lumabag sa DepEd order na may kaugnayan sa desisyon ng SC sa Taguig-Makati dispute

Naniniwala ang ilang mga guro na hands off na dapat ang Makati City sa mga Embo Schools kasunod ng ipinalabas na order ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. Ito ay may kaugnayan pa rin sa desisyon ng Korte Suprema na sakop na ng lungsod ng Taguig ang 14 na eskwelahan… Continue reading Makati City, sinasabing lumabag sa DepEd order na may kaugnayan sa desisyon ng SC sa Taguig-Makati dispute

Mga pagyanig sa Bulkang Mayon, nadagdagan

Bahagyang tumaas ang mga naitalang pagyanig sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras. Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, nagkaroon 56 volcanic earthquake sa bulkan kabilang ang 39 volcanic tremor na tumagal ng isa hanggang 20 minuto. Umakyat din sa 134 ang naitalang rockfall events at mayroon ding dalawang pyroclastic density current events. Nagpapatuloy rin ang… Continue reading Mga pagyanig sa Bulkang Mayon, nadagdagan

‘Volunteerism’ sa mga programa ng DSWD, paiigtingin katuwang ang PNVSCA

Makakatuwang na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA) para sa pagtataguyod ng bolunterismo sa mga social protection programs ng ahensya. Kasunod yan ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at ni PNVSCA Executive Director Donald James Gawe. Ayon kay… Continue reading ‘Volunteerism’ sa mga programa ng DSWD, paiigtingin katuwang ang PNVSCA

EcoWaste, nagbabala sa pagbili ng kapote na may nakalalasong kemikal

Ilang araw bago ang pasukan ay pinayuhan ng EcoWaste Coalition ang mga magulang na maging mapanuri rin sa binibiling rain gears gaya ng kapote ng kanilang mga anak. Ginawa ng toxics watchdog group ang babala matapos madiskubre na ilan sa mga ibinebentang plastic raincoats sa pamilihan ay may nakalalasong kemikal. Tinukoy nito ang ilang kapote… Continue reading EcoWaste, nagbabala sa pagbili ng kapote na may nakalalasong kemikal

Ad Hoc Committee Chair Salceda, tinatanggap ang mga pagbabago sa MUP Pension Reform bill na nais ni DND Sec. Teodoro

Tinanggap na ni House Ways and Means Chair Joey Salceda ang proposal ni Defense Secretary Gilbert Teodoro kaugnay sa inaprubahang substitute bill sa Military and Uniformed Personnel Pension Reform. Bahagi aniya nito ang pagpapanatili sa 100% indexation at transitioned contribution scheme. Sa naunang substitute bill, 50% ang ipinapanukalang indexation. Hindi na rin magkakaroon ng contribution… Continue reading Ad Hoc Committee Chair Salceda, tinatanggap ang mga pagbabago sa MUP Pension Reform bill na nais ni DND Sec. Teodoro