Special license plates para sa e-vehicles, ipinapanukala

Inihain ni Malasakit at Bayanihan Party-list Representative Anthony Golez Jr. ang isang panukala para mabigyan ng special license plates ang mga electronic vehicle (EVs). Sa ilalim ng kaniyang House Bill 8560, aatasan ang Land Transportation Office (LTO) na gumawa ng plaka na iba sa regular na plaka na ibinigay sa mga conventional na sasakyan. Ngunit… Continue reading Special license plates para sa e-vehicles, ipinapanukala

Insurance provider ng tumaob na motorbanca sa Rizal, nagiging mailap sa mga namatay na pasahero

Wala pang aksyon ang insurance provider ng motorbangka na nasangkot sa trahedya sa Binangonan, Rizal. Sa impormasyon ng Maritime Industry Authority (MARINA), nakikipag-negosasyon pa ang mga opisyal ng TIPMOPA o Talim Island Passenger Motorboat and Patron Association sa insurance company. Hindi pa umano tinatanggap ng insurance company ang anumang claim at wala pang impormasyon na… Continue reading Insurance provider ng tumaob na motorbanca sa Rizal, nagiging mailap sa mga namatay na pasahero

Suplay ng gamot vs. leptospirosis sa evacuation centers, pinatitiyak

Pinasisiguro ni ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Reyes na may sapat na gamot kontra leptospirosis sa mga evacuation center, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. Aniya, ang pagkakaroon ng suplay ng prophylaxis sa mga evacuation center ay makatitiyak na hindi magkakasakit ang mga lumikas. Paalala pa nito na mas mainam pa rin ang ibayong pag-iingat at… Continue reading Suplay ng gamot vs. leptospirosis sa evacuation centers, pinatitiyak

Kapitan ng tumaob na motorbanca sa Talim Island, Binangonan Rizal, nadiskubre na walang lisensya — MARINA

Inihayag ng Maritime Industry Authority (MARINA) na lumalabas sa isinagawa nilang imbestigasyon na walang lisensiya ang kapitan ng tumaob na bangka sa Binangonan, Rizal. Ayon sa MARINA, nagkaroon sila ng pagpupulong sa mga representative mula sa Talim Island Passenger Motorboat and Patron Association kung saan dito nila nalaman sa record na walang balidong lisensya si… Continue reading Kapitan ng tumaob na motorbanca sa Talim Island, Binangonan Rizal, nadiskubre na walang lisensya — MARINA

3 dam sa Luzon, nagpapakawala pa rin ng tubig — PAGASA Hydromet

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang tatlong dam sa Luzon dahil sa mga pag-ulang dala ng habagat. Kasama rito ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan at ang Ambuklao at Binga Dam. Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay umabot sa 101.09 meters ang antas ng tubig sa Ipo Dam na lagpas pa… Continue reading 3 dam sa Luzon, nagpapakawala pa rin ng tubig — PAGASA Hydromet

MRT-3, may libreng sakay para sa visually impaired passengers mula Aug 1-6

May alok na libreng sakay ang MRT-3 para sa mga pasaherong visually impaired bilang pagdiriwang ng White Cane Safety Day. Ayon sa pamunuan ng tren, maaaring ma-avail ang free ride sa buong oras ng operasyon ng MRT-3 simula ngayong araw, August 1 hanggang August 6. Kailangan lamang ipresenta ang valid Persons with Disabilities (PWD) Identification… Continue reading MRT-3, may libreng sakay para sa visually impaired passengers mula Aug 1-6

Halos 13,000 pamilyang apektado ng habagat at bagyong Egay, nananatili pa rin sa evacuation centers — DSWD

Malaki pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers kasunod ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng habagat at bagyong Egay. Sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 31, umabot pa sa 12,983 ang bilang ng mga… Continue reading Halos 13,000 pamilyang apektado ng habagat at bagyong Egay, nananatili pa rin sa evacuation centers — DSWD

Ilang jeepney driver, umaaray sa panibagong bigtime oil price hike; fuel subsidy, inaasahan na

Umaasa ang ilang jeepney driver sa Anonas, Quezon City na matuloy ang pangakong bagong fuel subsidy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Kasunod yan ng bigtime oil price hike na ipinatupad ngayong araw na para sa mga jeepney driver ay malaking kabawasan na naman sa kanilang kita. Kaninang alas-6 ng umaga epektibo na… Continue reading Ilang jeepney driver, umaaray sa panibagong bigtime oil price hike; fuel subsidy, inaasahan na

Halos 1.6 milyong indibidwal, naitala ng DSWD na apektado ng habagat na pinaigting ng bagyong Falcon

Mayroon nang inisyal na naitala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 424,988 pamilya o higit 1.6 milyong indibidwal na apektado ng pagbayo ng habagat na pinalakas pa ng bagyong Falcon. Ayon sa DSWD, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Region 3, Calabarzon, at Region 6. Aabot na rin sa 12,505 pamilya… Continue reading Halos 1.6 milyong indibidwal, naitala ng DSWD na apektado ng habagat na pinaigting ng bagyong Falcon

Medical supplies at equipment, pina-e-exempt sa Procurement Law

Isinusulong ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na ma-exempt sa Procurement Law ang pagbili ng mga life-saving medical supply at equipment. Punto ng kinatawan sa paghahain ng House Bill 8531, makatutulong ang naturang exemption upang mapabilis ang proseso ng pagbili ng mga medical supplies. Nakakabalam kasi aniya sa pagbili ng… Continue reading Medical supplies at equipment, pina-e-exempt sa Procurement Law