Online booking sa mga bus, minumungkahi ng isang senador na gawing mandatory

koko pimentel press con may 21. Photo by Angie de Silva/Rappler

Sa gitna ng exodus ng mga biyahero ngayong Christmas season, hinikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mga bus companies na ganap nang magpatupad ng online booking system. Giit ni Pimentel, ito ay para aniya mabawasan ang mga tao at mahabang pila sa mga terminal. Bukod dito, ang online booking rin aniya ay nagbibigay… Continue reading Online booking sa mga bus, minumungkahi ng isang senador na gawing mandatory

PNP, tiniyak na mayroong matatanggap na Service Recognition Incentives ang mga pulis ngayong 2024

Mariing pinabulaan ng Philippine National Police (PNP) ang kumakalat na mga pekeng dokumento tungkol sa umano’y hindi pagbibigay ng Service Recognition Incentives (SRI) sa mga pulis. Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, kasalukuyang nasa proseso na ang pagbibigay ng SRI sa mga pulis at inaasahang ito ay ilalabas sa December 26. Dagdag… Continue reading PNP, tiniyak na mayroong matatanggap na Service Recognition Incentives ang mga pulis ngayong 2024

Teaching colleges na may mababang passing rate sa Professional Regulations Commission, pinuna ng Boholano solon

Pinuna ni House Committee on Civil Service and Professional Regulations Chair Kristine Alexie Tutor ang maraming teaching colleges na may mababang passing rate sa Professional Regulations Commission o PRC. Ayon kay Tutor, base sa pinakabagong datos ng PRC, napakarami pa rin mga kolehiyo ang mababa ang kalidad ng edukasyon para sa mga guro. Aniya tila… Continue reading Teaching colleges na may mababang passing rate sa Professional Regulations Commission, pinuna ng Boholano solon

Mga nagpapakalat ng takot o maling impormasyon, maituturing na banta sa kalusugan ng publiko, ayon sa isang House leader

Nagbabala si House Deputy Majority Leader Janette Garin, laban sa mga maling impormasyon na ikinakalat ng isang doctor bilang fake expert. Ayon kay Garin, ang mga nagpapakalat ng takot sa medisina ay seryosong banta sa kalusugan ng publiko at dapat labanan ang paglaganap ng wellness related fake news. Sa kanyang privilege speech , tinukoy ni… Continue reading Mga nagpapakalat ng takot o maling impormasyon, maituturing na banta sa kalusugan ng publiko, ayon sa isang House leader

Senador Bong Go, nanawagan ng mas maigting na information campaign tungkol sa Konsulta Package ng PhilHealth

Hinimok ni Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na magsagawa ng komprehensibong education and awareness campaign tungkol sa Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) Package nito. Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng datos na nagpapakitang limang milyong Pilipino lang ang nag-avail ng Konsulta Package ng PhilHealth.… Continue reading Senador Bong Go, nanawagan ng mas maigting na information campaign tungkol sa Konsulta Package ng PhilHealth

Rightsizing Bill, hindi layong paliitin ang pamahalaan ayon kay Senate President Chiz Escudero

Nilinaw ni Senate President Chiz Escudero na hindi layon ng Rightsizing Bill na bawasan ang mga empleyado ng gobyerno at paliitin ang pamahalaan. Sa kanyang naging sponsorship speech para sa Senate Bill 890, binigyang diin ni Escudero na layon ng panukala na itaas ang kalidad ng serbisyo ng gobyerno at makalikha ng mga pwesto na… Continue reading Rightsizing Bill, hindi layong paliitin ang pamahalaan ayon kay Senate President Chiz Escudero

Kawalan ng holiday truce, nagpapakita ng hangarin ng CPP-NPA-NDF sa pagsuporta sa karahasan, ayon kay NSC Adviser Eduardo Año

Binatikos ni National Security Adviser Eduardo Año ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa kanilang pahayag na walang magaganap na holiday truce. Ayon kay Año, nagpapakita lamang ito ng patuloy nilang pagsuporta sa karahasan at armadong pakikibaka. Dagdag pa ni Año, walang saysay ang nasabing deklarasyon dahil lubos nang humina… Continue reading Kawalan ng holiday truce, nagpapakita ng hangarin ng CPP-NPA-NDF sa pagsuporta sa karahasan, ayon kay NSC Adviser Eduardo Año

Sen Imee Marcos, giniit na mas sapat na panahon ang kongreso para itama ang 2025 Budget Bill

Mas pabor rin si Senadora Imee Marcos na magkaroon na lang ng reenacted budget ang bansa kaysa sa tinawag niyang ‘very bad budget’ na naipasa ng senado. Pero ayon kay Marcos, hindi naman na kailangang paabutin pa sa pagkakaroon ng isang reenacted budget dahil pwede pa naman itong habulin sa Kongreso. Aniya, may panahon pa… Continue reading Sen Imee Marcos, giniit na mas sapat na panahon ang kongreso para itama ang 2025 Budget Bill

Sen. Bato Dela Rosa, suportado ang hindi pagtanggap ng ceasefire sa CPP-NPA-NDF

Pinuri ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang desisyon ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na ibasura ang holiday truce o ceasefire sa mga komunistang grupo ngayong kapaskuhan. Ayon kay Dela Rosa, suportado niya ang rejection ng kalihim sa holiday truce sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army –… Continue reading Sen. Bato Dela Rosa, suportado ang hindi pagtanggap ng ceasefire sa CPP-NPA-NDF

House leaders, tiwala na malalagdaan ang 2025 budget bago matapos ang taon

Tiwala si House Committee on Appropriations Vice Chair Jil Bongalon na malalagdaan pa rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2025 General Appropriations Bill bago matapos ang taon. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Bongalon na hindi naman buong budget ang ive-veto ng Pangulong Marcos kundi mayroon lamang specific line items. Ayon naman kay… Continue reading House leaders, tiwala na malalagdaan ang 2025 budget bago matapos ang taon