Paglalabas ng pondo para sa Tulong Dunong Program, pinamamadali ng House Appropriations chair

Pinulong ni House Committee on Appropriations at AKO BICOL Party-list Representative Zaldy Co ang Commission on Higher Education (CHED), para sa agarang paglalabas ng pondo para sa Tulong Dunong Program (TDP) nito. Sa pulong ni Co at ni UniFAST executive director Atty. Ryan Estevez, pinaglalatag ng hakbang ang CHED para matiyak na maibibigay sa tamang… Continue reading Paglalabas ng pondo para sa Tulong Dunong Program, pinamamadali ng House Appropriations chair

Sen. Grace Poe, umaasang makakatulong ang itinatag na Water Management Office sa nagbabadyang krisis sa tubig sa Pilipinas

Welcome para kay Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe ang pagbuo ng Water Management Office habang nakabinbin pa sa Kongreso ang mga panukalang batas para sa pagtatatag ng isang hiwalay na ahensyang mangangasiwa sa suplay ng tubig ng bansa. Para kay Poe, napapanahon ang naging hakbang na ito ng Ehekutibo. Umaasa ang… Continue reading Sen. Grace Poe, umaasang makakatulong ang itinatag na Water Management Office sa nagbabadyang krisis sa tubig sa Pilipinas

Preventive suspension sa mga isinasangkot sa isyu ng Pharmally procurement, pinagpasalamat ni Sen. Hontiveros

Ikinagalak ni Senadora Risa Hontiveros ang paglalabas ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension sa mga isinasangkot sa kwestiyunableng transaksyon ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) sa kumpanyang Pharmally Pharmaceutical corporation. Matatandaang sina dating Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon at Senadora Risa Hontiveros ang nagsulong ng pagsasampa ng… Continue reading Preventive suspension sa mga isinasangkot sa isyu ng Pharmally procurement, pinagpasalamat ni Sen. Hontiveros

Sen. Gatchalian, nais nang ganap na i-ban ang mga POGO

??????? ??????????, ???? ???? ????? ?? ?-??? ??? ??? ???? Pinanawagan ni Senate Committee on Ways and Means chairman Sherwin Gatchalian na ipagbabawal na ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pilipinas. Sa isang privilege speech, prinesenta ni Gatchalian ang Chairman’s Report o ang findings ng kanyang kumite sa isinagawa nilang mga pagdinig tungkol… Continue reading Sen. Gatchalian, nais nang ganap na i-ban ang mga POGO

New Agrarian Emancipation Act, isa sa pinakamahalagang legislative accomplishment ng Marcos Jr. admin

Ikinalugod ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang ratipikasyon sa New Agrarian Emancipation Act. Dahil aniya dito, ay maiaakyat na ito sa tanggapan ng pangulo para malagdaan. Ani Salceda, halos tatlong dekada na niyang itinutulak ang naturang panukala na magpapalaya sa may 654,000 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa pagkakautang na nagkakahalaga ng P58.125… Continue reading New Agrarian Emancipation Act, isa sa pinakamahalagang legislative accomplishment ng Marcos Jr. admin

Negros Oriental Rep. Arnie Teves, nais makausap si Pangulong Marcos Jr.

Naglabas ng panibagong video si Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. Tugon niya ito sa naging panayam kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaninang umaga, kung saan nanawagan ito sa pag-uwi ng mambabatas. Ayon kay Teves, nais niyang makausap si Pangulong Marcos Jr. upang maipaliwanag sa kaniya ang kaniyang panig. “Ewan ko papaano, gusto ko… Continue reading Negros Oriental Rep. Arnie Teves, nais makausap si Pangulong Marcos Jr.

PDP-Laban Legislators, nagkausap hinggil sa paano uusad ang panukalang charter change

PDP-Laban legislators, nagkausap hinggil sa paano uusad ang panukalang charter change Nagkaroon ng pulong sa pagitan ng mga mambabatas at senador mula sa partidong PDP-LABAN kaugnay sa usapin ng charter change (cha-cha). Pagbabahagi ni Leyte Representative Richard Gomez, kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang paraan ng pag-amyenda sa Saligang Batas, ano ang babaguhin sa konstitusyon… Continue reading PDP-Laban Legislators, nagkausap hinggil sa paano uusad ang panukalang charter change

Dating Agriculture Sec. Proceso Alcala, pinawalang sala ng Sandiganbayan

Inabswelto ng Anti Graft Court si dating Agriculture Secretary Proceso Alcala mula sa kasong graft and corruption at malversation of public funds mula sa kanyang “pork barrel” noong siya pa ang kinatawan ng Quezon Province. Sa desisyon ng Sandiganbayan, walang matibay na ebidensiya na naipakita ang Ombudsman para idiin si Alcala sa P6 million na… Continue reading Dating Agriculture Sec. Proceso Alcala, pinawalang sala ng Sandiganbayan

Mabagal na pagproseso ng SSS retirement claims, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Isinusulong ni Senador Raffy Tulfo na magkaroon ng imbestigasyon sa Senado tungkol sa napaulat na reklamo ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa mabagal na pagproseso ng kanilang mga benepisyo, partikular ang kanilang retirement claims. Sa paghahain ng Senate Resolution 544, iginiit ni Tulfo na ang pagkaantala sa pagproseso ng mga claim ay… Continue reading Mabagal na pagproseso ng SSS retirement claims, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

23 sa 31 LEDAC Bills, napagtibay na ng Kamara

Dalawampu’t tatlo sa kabuuang 31 LEDAC priority bills ang napagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa. Ito ang ibinahagi ni House Speaker Martin Romualdez bago tuluyang mag-adjourn ang Kamara para sa Holy Week break. Ang nalalabing walong priority measures naman ay kasalukuyang nasa deliberasyon para maiakyat na rin sa plenaryo. Kabilang dito ang Regional… Continue reading 23 sa 31 LEDAC Bills, napagtibay na ng Kamara