Sen. Nancy Binay sa Dept. of Tourism: Rebyuhin ang mga proyekto ng Nayong Pilipino

Dapat nang rebyuhin ng Department of Tourism (DOT) ang mga proyekto ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) matapos iulat ng Commission on Audit (COA) na aabutin na lang ng lima hanggang anim na taon ang pondo nito. Kabilang sa pinarerebyu ng senador ang ₱1.5 billion na toursim oriented theme project na inaprubahan ng National Economic Development… Continue reading Sen. Nancy Binay sa Dept. of Tourism: Rebyuhin ang mga proyekto ng Nayong Pilipino

Pagsasapribado ng Nayong Pilipino, iminungkahi

Iminumungkahi ni Senate Ways and Means Chairman Senador Sherwin Gatchalian ang pagsasapribado ng Nayong Pilipino. Ang rekomendasyong ito ng senador ay kasunod ng ulat ng Commission on Audit (COA) na sa mga susunod na lima o anim na taon ay tuluyang mauubos ang pondo ng Nayong Pilipino Foundation (NPF). Batay sa ulat, hanggang nitong katapusan… Continue reading Pagsasapribado ng Nayong Pilipino, iminungkahi

Panukalang magmamandato ng paglalagay ng lifeguard sa pampublikong swimming pool, dapat nang ipasa — Sen. Gatchalian

Pinamamadali ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapatibay sa panukalang batas na mag-oobliga sa lahat ng public swimming pools at bathing facilities na magtalaga ng lifeguard. Ang apela ng senador ay kasunod na rin ng naitalang mahigit sa 70 nasawi dahil sa insidente ng pagkalunod nitong Holy Week at bakasyon. Ayon kay Gatchalian, nakakalungkot na ang… Continue reading Panukalang magmamandato ng paglalagay ng lifeguard sa pampublikong swimming pool, dapat nang ipasa — Sen. Gatchalian

Youth solon, diskumpiyado sa paraan ng pagtatanong sa survey kung saan lumabas na mayorya ang suporta sa Mandatory ROTC

Kinuwestiyon ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang pamamaraan ng pagtatanong ng Pulse Asia sa isinagawa nitong survey patungkol sa Mandatory ROTC. Ayon sa kinatawan, hindi aniya maayos ang pagkakalatag ng tanong sa survey. Batay kasi aniya sa survey question, kung “no” ang isasagot ng respondent ay lalabas ito na anti-discipline at unpatriotic. Bukod dito,… Continue reading Youth solon, diskumpiyado sa paraan ng pagtatanong sa survey kung saan lumabas na mayorya ang suporta sa Mandatory ROTC

Manila lawmaker, hinimok ang bagong mga abogado na pagsilbihan ang kanilang mga hometown

Nagpaabot ng pagbati si Manila Representative Joel Chua sa mga bagong abogado. Kasunod ito ng paglalabas ng Supreme Court ng resulta ng Bar Exams kung saan 3,992 sa 9,183 examinees ang pumasa. Payo ni Chua, na sa pagsisimula ng kanilang bagong papel bilang mga abogado ay magbigay serbisyo sila sa kanilang komunidad at hometown. Mungkahi… Continue reading Manila lawmaker, hinimok ang bagong mga abogado na pagsilbihan ang kanilang mga hometown

Mataas na survey rating ng Kamara at House Speaker, patunay sa tiwala ng publiko sa legislative priorities ng Kapulungan

Ipinapakita ng mataas na survey ratings na nakuha ng House of Representatives at ni House Speaker Martin Romualdez ang kumpiyansa ng publiko sa pagsusulong ng Mababang Kapulungan ng legislative priorities ng pamahalaan. Ito ang sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe matapos makakuha ng 56% net performance rating ang Kamara sa isinagawang SWS survey… Continue reading Mataas na survey rating ng Kamara at House Speaker, patunay sa tiwala ng publiko sa legislative priorities ng Kapulungan

Mga kasanayan o skills na makatutulong para sa ekonomiya ng bansa, dapat palakasin

Mahalaga ngayon na tutukan ng pamahalaan ang pagpapalakas sa kasanayan o skills na makatutulong sa ating ekonomiya na lumakas at maging matatag. Ito ang payo ni Albay Representative Joey Salceda kasunod na rin ng inilabas na ulat ng Commission on Higher Education (CHED), na mahina ang ‘pandemic generation’ graduates sa kanilang soft skills dahilan para… Continue reading Mga kasanayan o skills na makatutulong para sa ekonomiya ng bansa, dapat palakasin

Automatic na pagtala sa mga biktima ng kalamidad bilang 4Ps beneficiary, muling isinusulong ni Sen. Alan Peter Cayetano

Sa gitna ng pananalasa ng unang bagyong tumama sa Pilipinas ngayong taon, muling isinusulong ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagpapasa ng panukalang isama ang mga bitkima ng mga kalamidad sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ito ay upang matulungan ang mga biktima na makabangon. Sa Senate Bill 302 ni Cayetano, gagawing… Continue reading Automatic na pagtala sa mga biktima ng kalamidad bilang 4Ps beneficiary, muling isinusulong ni Sen. Alan Peter Cayetano

Sapat na suplay ng kuryente sa mga health facility, pinatitiyak ng mambabatas sa NGCP

Kinalampag ni Anakalusugan Party-list Representative Ray Reyes ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), na gampanan ang mandato nito at tiyaking may sapat na suplay ng kuryente ngayong summer season. Ayon sa mambabatas, mahalaga ang stable na power supply upang masiguro ang dekalidad na serbisyo ng mga health facility. Diin nito, na buhay ng… Continue reading Sapat na suplay ng kuryente sa mga health facility, pinatitiyak ng mambabatas sa NGCP

Water Trust Fund, pinasasama sa bubuuing Department of Water Resources

Kasabay ng pagsusulong sa agarang pagpasa ng panukalang bubuo sa Department of Water Resources (DWR), pinatitiyak din ni Davao City Representative Paolo Duterte na maipaloob sa probisyon ang pagkakaroon ng Water Trust Fund. Sa ilalim ng House Bill 3727, o bersyon ng DWR na inihain ni Duterte at Benguet Rep. Eric Yap ay magkakaroon ng… Continue reading Water Trust Fund, pinasasama sa bubuuing Department of Water Resources