Isang senador, naniniwalang malapit nang mapalayas ang mga POGO sa Pilipinas

Para kay Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian malapit nang tuluyang mapa-ban ang mga Philippine offshore gaming operator (POGO) sa bansa. Ayon kay Gatchalian, mas dumadami ang dahilan para i-ban ang mga POGO dahil sa mga nautuklasang kaso ng human trafficking kamakailan ay may mga Pilipino nang nabibiktima nito. Ibinahagi rin… Continue reading Isang senador, naniniwalang malapit nang mapalayas ang mga POGO sa Pilipinas

Paggamit ng PCG ng oil company rebate sa pagbili ng luxury vehicle, ‘di tama – Sen. Gatchalian

Kung si Senador Sherwin Gatchalian ang tatanungin, hindi tama ang ginawa ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumili ng luxury vehicle gamit ang rebate sa isang oil company. Sa report kasi ng Commission on Audit (COA), lumalabas na aabot sa P5 million ang biniling luxury car ng PCG at pina-bullet proof pa na nagkakahalaga ng… Continue reading Paggamit ng PCG ng oil company rebate sa pagbili ng luxury vehicle, ‘di tama – Sen. Gatchalian

Pagtitipid ng tubig at pagtugon sa water crisis, ipinanawagan

Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang mga residente ng Metro Manila na magtipid ng tubig sa gitna ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam. Ito lalo na aniya at inaasahang patuloy pang bababa ang lebel ng tubig sa dam, na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila dahil… Continue reading Pagtitipid ng tubig at pagtugon sa water crisis, ipinanawagan

Turismo ng Pilipinas, isa sa magbebenepisyo sa pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol

Positibo si House Committee on Tourism Vice-chair Marvin Rillo, na malaki ang maiaambag sa turismo ng bansa ng inaasahang pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol. Kung matatandaan sa presentation of credentials ng bagong ambassador ng Seoul sa Pilipinas na si Ambassador Lee Sang-Hwa ay sinabi nito, na balak ng South Korean president na… Continue reading Turismo ng Pilipinas, isa sa magbebenepisyo sa pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol

Seryosong pagtugon sa problema sa suplay ng tubig, ipinanawagan

Nakikita ni Senador Sherwin Gatchalian na makakaapekto sa suplay ng tubig, kuryente at pagkain ang umiiral na El Niño sa bansa. Pangamba ni Gatchalian, maaaring magdulot ng inflation ang mga problemang ito. Sa problema sa tubig, nakikita ng senador na pangmatagalang solusyon ang pagkakaroon ng bagong water source ng bansa lalo sa Metro Manila. Kailangan… Continue reading Seryosong pagtugon sa problema sa suplay ng tubig, ipinanawagan

Pondo na magagamit ng mga magsasakang maaapektuhan ng El Niño, pinabubuo

Pinaghahanda ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar ang pamahalaan ng pondo na maaaring magamit para tulungan ang mga magsasaka na maaapektuhan ng El Niño. Diin ng mambabatas, mahalaga na habang maaga ay may contingency measures nang nakalatag na magsisilbing ayuda sakaling tamaan ng El Niño ang sektor ng agrikultura. Tinukoy pa nito… Continue reading Pondo na magagamit ng mga magsasakang maaapektuhan ng El Niño, pinabubuo

ACT-CIS Party-list Rep. Tulfo, iminungkahi na magsagawa ng cloud seeding para tugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig

Naniniwala si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na makatutulong para madagdagan ang water supply kung paiigtingin lang ang cloud seeding. Ayon kay Tulfo, matagal naman nang ginagawa ang cloud seeding upang umulan sa isang partikular na lugar. Katunayan ilan aniya sa mga residente sa Bulacan ang naghihintay kung kailan magka-cloud seeding upang madagdagan naman ang… Continue reading ACT-CIS Party-list Rep. Tulfo, iminungkahi na magsagawa ng cloud seeding para tugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig

Sen. Poe, kinalampag ang MWSS na tugunan ang water supply interruption na nararanasan ng customers ng Maynilad

Nanawagan si Senador Grace Poe sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na agarang aksyunan ang water service interruption na makakaapekto sa halos 600,000 customers ng Maynilad Water Services Inc. mula july 12. Ayon kay Poe, hindi dapat balewalain ang usapin na ito lalo na at pauit-ulit na. Igiit ng Senate Committee on Public Services… Continue reading Sen. Poe, kinalampag ang MWSS na tugunan ang water supply interruption na nararanasan ng customers ng Maynilad

Kamara, nakapagtala ng P4.7 billion na sobrang pondo para sa 2022

Nakapagtala ang House of Representatives ng P4.7 billion na budget surplus noong 2022. Batay sa datos ng Commission on Audit (COA), mula sa P2.64 billion noong 2021 ay tumaas ng 78% percent ang budget surplus ng Kamara. Ito ay kahit pa lumaki ang gastos ng Mababang Kapulungan ng P934.41 million. Batay sa 2022 Financial Statements… Continue reading Kamara, nakapagtala ng P4.7 billion na sobrang pondo para sa 2022

NegOr Rep. Teves, hindi maaaring dumalo sa SONA sa July 24, ayon sa House Sec.Gen

Sisimulan na ng Kamara ngayong linggo ang pagpapadala ng imbitasyon sa mga bisita para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. Pero hindi kasama dito si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. Ayon kay House Sec. Gen. Reginald Velasco, dahil sa suspendido pa rin si Teves, ay wala… Continue reading NegOr Rep. Teves, hindi maaaring dumalo sa SONA sa July 24, ayon sa House Sec.Gen