Sen. Villanueva, iginiit na mahalagang bantayan ang ilalabas na IRR ng pinapanukalang MIF

Sen. Joel Villanueva on Maharlika Investment Fund (MIF).

GSIS AT SSS, maaaring mamuhunan sa mga proyektong bubuhusan rin ng pondo ng Maharlika Investment Corporation — Senador Joel Villanueva

Giniit rin ng majority leader na ang mga proyekto lang na maaaring pag-investan ng MIF ay ang mga proyektong isinusulong ng administrasyon at aprubadong viable ng National Economic and Development Auhtority (NEDA) at iba pang approving agencies.| ulat ni Nimfa Asuncion

Teodoro at Herbosa, dagdag pwersa sa gabinete ni Pangulong Marcos Jr. — Speaker Romualdez

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang magiging epektibo ang gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkakatalaga ng bagong mga kalihim ng Department of Health (DOH) at Department of National Defense (DND). Aniya, lalo pang huhusay ang gabinete sa pagpasok nina Health Secretary Ted Herbosa at DND Secretary Gilbert Teodoro dahil… Continue reading Teodoro at Herbosa, dagdag pwersa sa gabinete ni Pangulong Marcos Jr. — Speaker Romualdez

Sen. Chiz Escudero, pabor sa pagsasapribado ng NAIA operations

Sang-ayon si Senador Chiz Escudero na ipaubaya na sa pribadong sektor ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Naniniwala kasi si Escudero na mas magiging episyente ang private sector sa pangangasiwa ng NAIA kaysa sa pamahalaan. Pero sa pagsasakatuparan nito, binigyang diin ng senador na dapat maging malinaw kung anong bahagi ng operasyon ng… Continue reading Sen. Chiz Escudero, pabor sa pagsasapribado ng NAIA operations

Pagpapalawak ng discount at VAT exemption sa water at electricity bills ng senior citizens, ipinapanukala ni Sen. Lapid

Nais ni Senador Lito Lapid na mapalawak ang discount na nakukuha ng senior citizen sa mga bill ng kuryente at tubig. Sa inihaing Senate Bill 2169 ng senador, layong amyendahan ang Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010. Ipinapanukala nitong ipatupad ang 5 percent discount sa unang 150 kilowatt hours sa… Continue reading Pagpapalawak ng discount at VAT exemption sa water at electricity bills ng senior citizens, ipinapanukala ni Sen. Lapid

Atty. Gilbert Teodoro, itinalaga bilang kalihim ng DND; Dr. Teodoro Herbosa, itinalaga bilang kalihim ng DOH

Nakapili na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kalihim ng Department of Health (DOH) sa katauhan ni Dr. Ted Herbosa. Ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil si Herbosa ay mayroong hitik na karanasan at kaalaman sa healthcare system, public health, hospital administration, emergency at disaster medicine. Dati na rin aniya itong nagsilbi… Continue reading Atty. Gilbert Teodoro, itinalaga bilang kalihim ng DND; Dr. Teodoro Herbosa, itinalaga bilang kalihim ng DOH

Pagkuwestiyon sa Maharlika Investment Fund, ‘di uubrang iakyat pa sa Korte Suprema ayon sa isang mambabatas

Nilinaw ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na hindi uubrang iakyat pa sa Supreme Court (SC) ang Maharlika Investment Fund (MIF). Ayon sa veteran lawmaker, habang maaga pa lamang ay pinapayuhan niya ang mga nais tumakbo sa SC para kuwestyunin ang constitutionality ng MIF na hindi ito diringgin ng Korte Suprema. Aniya, bagamat hindi… Continue reading Pagkuwestiyon sa Maharlika Investment Fund, ‘di uubrang iakyat pa sa Korte Suprema ayon sa isang mambabatas

Pagpapalalim ng ugnayan ng Pilipinas at Israel, natalakay sa pagbista ni Israeli Foreign Minister Eliyahu Cohen sa Malacañang

Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang, si Israeli Foreign Minister Eliyahu Cohen na dumating sa bansa, Linggo ng gabi (June 4). Base sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO), ang courtesy call ng Foreign Minister sa Malacañang ay bilang tanda na rin ng kauna-unahang pagtungo ng isang Israeli Foreign… Continue reading Pagpapalalim ng ugnayan ng Pilipinas at Israel, natalakay sa pagbista ni Israeli Foreign Minister Eliyahu Cohen sa Malacañang

Desisyon kung papayagang makapagpiyansa si dating Sen. Leila De Lima, posibleng ilabas sa Hunyo 19

Bigo pang makapaglabas ng kanilang desisyon ngayong araw ang Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) branch 256 kaugnay sa inihaing petition for bail ng kampo ni dating Sen. Leila De Lima para sa kasong may kinalaman sa iligal na droga. Ito’y ayon kay Muntinlupa RTC branch 256 Presiding Judge Albert Buenaventua ay dahil may serye pa… Continue reading Desisyon kung papayagang makapagpiyansa si dating Sen. Leila De Lima, posibleng ilabas sa Hunyo 19

OVP at DepEd, magsisilbing reinforcement ng AFP sa peace-building efforts

Tiniyak ni Vice President Sara Duterte ang suporta sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsusulong nito ng kapayapaan sa mga komunidad na apektado ng gulo at karahasan. Ayon kay VP Sara, magsisilbing reinforcement ang OVP at Department of Education sa peace-building efforts sa pamamagitan ng implementasyon ng Peace 911 program at integration ng… Continue reading OVP at DepEd, magsisilbing reinforcement ng AFP sa peace-building efforts