Free Healthcare para sa mga Pilipino, patuloy na isusulong ng Anakalusugan Party-list

Naghain ng kanilang certificate of nomination and acceptance si Incumbent Anakalusugan Party-list Representative Ray Reyes kasama si Batangas Governor Hermilando Mandanas. Ibinida ng mambabatas ang kanyang mga nagawa sa Kongreso kabilang na dito ang kanilang panawagan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na paghusayin ang kanilang mga benefit package sa mga miyembro nito. Aniya, sila… Continue reading Free Healthcare para sa mga Pilipino, patuloy na isusulong ng Anakalusugan Party-list

Posibilidad na mga Pilipino na mismo ang nagsisimula ng scamming activities na ginagawa ng POGOs, pinaiimbestigahan

Nangangamba si Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gacthalian na maaaring natututo na ang mga Pilipino sa scamming activities na ginagawa sa mga Philippine offshore gaming operator (POGO). Sinabi ito ng senador kasunod ng huling naging raid sa isang POGO hub sa Pasay City, malapit sa senado, kung saan halos 1/3 ng… Continue reading Posibilidad na mga Pilipino na mismo ang nagsisimula ng scamming activities na ginagawa ng POGOs, pinaiimbestigahan

Kilala at mga bagong mukha sa politika naghain ng COC ngayong araw

Sa pagpapatuloy ng ika-pitong araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Halalan 2025, iba’t ibang personalidad ang nagpaabot ng kanilang kandidatura sa Tent City sa Manila Hotel. Isa sa mga nag-file ng kanyang COC ay si dating Senator Bam Aquino, na tatakbo muli bilang senador sa ilalim ng Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino.… Continue reading Kilala at mga bagong mukha sa politika naghain ng COC ngayong araw

Incumbent San Juan City Mayor Zamora, nakatakdang maghain ng kandidatura sa pagka-alkalde bukas

Nakatakdang maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) bukas si incumbent San Juan City Mayor Francis Zamora bilang alkalde ng lungsod para sa 2025 midterm elections. Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng San Juan, inaasahang makakasama ni Zamora ang kaniyang mga kaalyado sa Team Makabagong San Juan sa paghahain ng COC. Bago ito, dadalo muna sa isang… Continue reading Incumbent San Juan City Mayor Zamora, nakatakdang maghain ng kandidatura sa pagka-alkalde bukas

Kapakanan ng kalikasan, pagtaguyod sa sports, at iba pang adbokasiya itinutulak ng mga naghahain ng COC at CON-CAN

Kahit lagpas na ang 5:00 cut off ng itinakda ng COMELEC sa pagtanggap ng mga Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Acceptance (CON-CAN) sa Manila Hotel Tent City ay patuloy pa rin sa pagproseso ang poll body ng mga dokumento ng mga umabot sa itinakdang oras at bitbit ng mga aspirant candidates… Continue reading Kapakanan ng kalikasan, pagtaguyod sa sports, at iba pang adbokasiya itinutulak ng mga naghahain ng COC at CON-CAN

Dating Rep. Erice hinamon si Uy ng debate hinggil sa isyu ng Miru-Smartmatic

Nais maka-debate ni dating Representative Edgar Egay Erice si Representative Mitch Cajayon Uy. Ito ay hinggil sa usapin ng Smartmatic at Miru Systems na pawang mga kumpanyang nasa likod ng voting machines na ginamit at gagamitin ng bansa sa eleksyon. Ito ang naging tugon ni Erice matapos itong akusahan ni Cajayon-Uy na nakikinabang sa Smartmatic,… Continue reading Dating Rep. Erice hinamon si Uy ng debate hinggil sa isyu ng Miru-Smartmatic

Incumbent Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro, naghain na ng COC para sa pagka-alkalde ng lungsod

Opisyal nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw si Incumbent Marikina City 1st District Representative Maan Teodoro para sa pagka-alkalde ng lungsod sa darating na 2025 midterm elections. Kasamang nagsumite ng COC ni Teodoro ang kaniyang running-mate na si Marion Andres, na tatakbo bilang bise-alkalde ng Marikina gayundin ang kanilang ibang kaalyado… Continue reading Incumbent Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro, naghain na ng COC para sa pagka-alkalde ng lungsod

Dating Sen. Manny Pacquiao, nagtatangkang makabalik ng Senado

Isinumite na ni dating Senator Manny Pacquiao ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) upang kumandidato sa pagka-senador. Kasama ng kanyang asawa, isinumite ni Pacquiao ang COC ngayong araw. Sa panayam sa dating boxing champ, ipinagtanggol niya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga pumupuna. Sumama siya sa Alyansa para… Continue reading Dating Sen. Manny Pacquiao, nagtatangkang makabalik ng Senado

Sen. Bong Revilla, naghain ng kanyang COC para sa kanyang ika-4 na termino bilang senador

Naghain na ng kanyang Certificate of Candidacy sa Commission on Elections (COMELEC) ang beteranong public servant at mambabatas na si Senator Ramon Bong Revilla, Jr. para gawing pormal ang kanyang pagtakbong muli sa halalan bilang senador sa darating na 2025 midterm elections. Kasama ng senador ang kanyang pamilya sa loob ng filing venue sa Manila… Continue reading Sen. Bong Revilla, naghain ng kanyang COC para sa kanyang ika-4 na termino bilang senador

Sen. Villar at Rose Nono Lin, mga naunang naghain ng kandidatura sa ika-7 araw ng COC filing para sa congressional race sa NCR

Magkasunod na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy sina incumbent Sen. Cynthia Villar at ang kontrobersyal na si Rose Nono Lin. Naghain ng certificate of candidacy ngayong umaga si Rose Nono Lin. Muli siyang susubok tumakbo sa pagka kongresista ng 5th district ng Quezon City. Naging kontrobersyal si Lin matapos masangkot siya sa multi million… Continue reading Sen. Villar at Rose Nono Lin, mga naunang naghain ng kandidatura sa ika-7 araw ng COC filing para sa congressional race sa NCR