Speaker Romualdez, umaasa na babagal pa ang inflation kasunod ng mga inisyatibang ipinatupad ng administrasyon

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na patuloy na susuportahan ang mga hakbang ng pamahalaan upang masiguro na mura at abot kaya ang presyo ng pagkain. Kasunod ito ng naitalang 1.9 percent inflation sa buwan ng Setyembre, pinakamababa sa loob ng apat na taon. Naniniwala si Speaker Romualdez na malaki ang naitulong ng pagtapyas ng… Continue reading Speaker Romualdez, umaasa na babagal pa ang inflation kasunod ng mga inisyatibang ipinatupad ng administrasyon

Financial literacy at economic empowerment, itinutulak ng isang party-list sa pagpa-file nito ng CON-CAN

Umaasa ang party-list group na Ahon Mahirap Party-list na makatutulong ito sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagsusulong ng financial literacy mula elementarya, economic empowerment, at social justice. Layunin ng grupo na bigyan ng pantay na access sa mga oportunidad at serbisyo publiko ang bawat Pilipino, ano man ang kanilang kalagayan sa buhay. Kabilang sa… Continue reading Financial literacy at economic empowerment, itinutulak ng isang party-list sa pagpa-file nito ng CON-CAN

3 regional political parties inaprubhan ng COMELEC para sa 2025 Bangsamoro parliamentary elections

Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang akreditasyon ng tatlong regional na partidong pulitikal para sa Bangsamoro parliamentary elections sa susunod na taon. Ang mga kinikilalang partido ay ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP), Al Itthihad UKB, at ang BARMM Grand Coalition (BGC). Matatandaang pinalawig ng Comelec ang deadline para sa akreditasyon hanggang Oktubre 8,… Continue reading 3 regional political parties inaprubhan ng COMELEC para sa 2025 Bangsamoro parliamentary elections

Sen. Jinggoy Estrada, pabor na maamyendahan ang Espionage Law ng bansa

Suportado ni Senate President Pro Tempore at Senate Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy Estrada ang rekomendasyon ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na amyendahan ang Espionage law ng bansa. Katunayan ayon kay Estrada, pagbukas pa lang ng second regular session ng 19th Congress ay nakapaghain na siya ng panukala tungkol dito (Senate Bill… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, pabor na maamyendahan ang Espionage Law ng bansa

Speaker Romualdez kaisa sa panawagan para sa sapat na pondo para maipatupad ang Expanded Centenarian’s Act

Sinuportahan ni Speaker Martin Romualdez ang panawagan ng kapwa mambabatas na si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes na tiyakin ang sapat na pondo para sa pagpapatupad ng Expanded Centenarian’s Act. Ang pahayag ng House leader ay kasabay ng paggunita ng Elderly Filipino Week ngayong unang linggo ng Oktubre. Aniya, sa pagkilala sa ating mga… Continue reading Speaker Romualdez kaisa sa panawagan para sa sapat na pondo para maipatupad ang Expanded Centenarian’s Act

Panukalang 2025 budget ng PCO, lusot na sa committee level ng Senado

Pasado na sa committee level ng Senado ang panukalang P2.28 billion ng Presidential Communications Office (PCO) at attached agencies nito. Sa PCO lang mismo, humihiling ang ahensya ng P2.4 billion pero nasa P713 million lang ang binigay na pondo sa kanila sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP). Paliwanag ni PCO Secretary Cesar Chavez,… Continue reading Panukalang 2025 budget ng PCO, lusot na sa committee level ng Senado

Party-list solon, muling nanawagan sa pagsasabatas ng Anti-Dynasty Law

Binigyang diin ngayon ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang pangangailangan na makapagpasa ng isang Anti-Dynasty Law. Ang panawagan ng mambabatas ay sa gitna na rin ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections. Aniya, dapat nang isalang sa pagtalakay ang mga panukalang naihain sa Kamara pabalik ng sesyon upang maihabol… Continue reading Party-list solon, muling nanawagan sa pagsasabatas ng Anti-Dynasty Law

South Korean Pres. Yoon at Pangulong Marcos, magkakaroon ng bilateral meeting

Bibisita sa Pilipinas si Korean President H.E. Yoon Suk Yeol, bilang tugon sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Darating sa bansa ang Korean President sa Linggo (October 6) at opisyal na tatanggapin ng Pangulo at ni First Lady Liza Araneta-Marcos si President Yoon kasama si Korean First Lady KIM Keon Hee sa Malacañang… Continue reading South Korean Pres. Yoon at Pangulong Marcos, magkakaroon ng bilateral meeting

First-time senatorial aspirants nanguna sa paghahain ng COC ngayong hapon sa Manila Hotel

Ngayong hapon, tatlong first-time senatorial aspirants ang naghain ng kanilang kandidatura sa ikatlong araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC). Si Robert Agad, unang beses sasabak sa pulitika ay nangakong tututok sa pagtulong sa overseas Filipino workers (OFWs) at pagbibigay ng trabaho kung maluluklok bilang senador. Samantala, sa kabila ng kawalan ng trabaho sa… Continue reading First-time senatorial aspirants nanguna sa paghahain ng COC ngayong hapon sa Manila Hotel

Mga naghain ng COC sa pagka-kongresista sa COMELEC-NCR, umabot na sa 8

Nadagdagan pa ang mga naghain ng kandidatura para sa pagka-kongresista sa COMELEC-NCR sa San Juan City. Sa ikatlong araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC), umabot na sa walo ang nakapaghain ng COC. Nitong alas-2:30 ng hapon, unang naghain ng kanyang COC si Makati Vice Mayor Monique Lagdameo para sa pagka-kongresista sa unang distrito… Continue reading Mga naghain ng COC sa pagka-kongresista sa COMELEC-NCR, umabot na sa 8