Christmas bonus, libreng legal aid para sa mga barangay tanod, ipinapanukala

Isinusulong ngayon ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Yamsuan ang panukalang batas na magbibigay ng Christmas bonus at iba pang insentibo para sa mga barangay tanod. Sa kaniyang House Bill 10909, itinutulak ni Yamsuan na mabigyan ng naturang mga benepisyo kasama ang legal assistance at insurance coverage ng mga tanod bilang pagkilala sa kanilang natatanging… Continue reading Christmas bonus, libreng legal aid para sa mga barangay tanod, ipinapanukala

SP Chiz Escudero, nakipagpulong sa DOTr kaugnay ng public transport modernization program

Photo courtesy of Senate President Chiz Escudero Facebook page

Nakipagpulong si Senate President Chiz Escudero kay Transportation Secretary Jaime Bautista at iba pang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) kahapon, para talakayin ang pagpapatupad ng public transport modernization program. Ang pagpupulong na ito ay kasunod ng una nang pakikipagdiyalogo ni Escudero sa mga transport group na nakasunod na at hindi pa sa naturang programa.… Continue reading SP Chiz Escudero, nakipagpulong sa DOTr kaugnay ng public transport modernization program

Sen. Bong Revilla, giniit na dapat pangalanan ang sinasabing dating PNP chief na nasa POGO payroll

Nanawagan si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na dapat pangalanan na ang sinasabing dating hepe ng pambansang pulisya na kasama sa payola ng mga POGO. Ginawa ng senador ang pahayag na ito sa isang panayam matapos ang kanyang blood letting activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Giit ni Revilla, hindi patas para sa… Continue reading Sen. Bong Revilla, giniit na dapat pangalanan ang sinasabing dating PNP chief na nasa POGO payroll

COMELEC, ipinapaubaya na sa NBI at AMLC ang pag-iimbestiga sa umano’y panunuhol ng MIRU system sa mga opisyal ng poll body

Nasa kamay na ng National Bureau of Investigation at Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pag-iimbestiga ukol sa napaulat na panunuhol sa mga opisyal ng COMELEC ng MIRU system na siyang bagong service provider ng automated elections ng bansa. Ito ang tinuran ni appropriations vice-chair Bingo Matugas sa pagsalang ng panukalang pondo ng COMELEC para sa… Continue reading COMELEC, ipinapaubaya na sa NBI at AMLC ang pag-iimbestiga sa umano’y panunuhol ng MIRU system sa mga opisyal ng poll body

DILG at PNP, nangakong tutulong sa Kamara sa paghahanap kay dating Sec. Roque

Siniguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na tutulong sila sa pag-execute ng contempt order laban kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque. Sa ambush interview kay DILG Secretary Benhur Abalos, sinabi nitong handa silang makipag-coordinate sa House of Representatives tungkol sa contempt order at pag-aresto kay Roque.… Continue reading DILG at PNP, nangakong tutulong sa Kamara sa paghahanap kay dating Sec. Roque

House appro panel, nilinaw ang pagbabalik ng excess funds ng GOCC sa National Treasury; Unprogrammed appropriations, iginiit na di ‘pork barrel’

Nilinaw ni Marikina Representative Stella Quimbo, Senior Vice-Chair ng House Appropriations Committee, na may basehan ang paggamit sa excess fund ng Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) pampondo ng Unprogrammed Appropriations. Ito ay matapos ma-kwestyon ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang special provision para sa paggamit ng sobrang pondo ng mga GOCC. Ani Quimbo, nakasaad… Continue reading House appro panel, nilinaw ang pagbabalik ng excess funds ng GOCC sa National Treasury; Unprogrammed appropriations, iginiit na di ‘pork barrel’

Sen. Jinggoy Estrada, magpreprisinta ng mga ebidensyang magpapatunay na magkasosyo sa negosyo sina dating Mayor Alice Guo at Sual, Pangasinan Mayor Dong Calugay

Magpreprisinta si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ng mga bagong ebidensya sa magiging pagdinig ng Senate Committee on Women bukas, na magpapatunay na maramimg negosyo na magka sosyo sina dating Mayor Alice Guo at si Sual Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay. Ayon kay Estrada, maipapakita ng mga dokumentong nakalap ng kanyang tanggapan na hindi lang… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, magpreprisinta ng mga ebidensyang magpapatunay na magkasosyo sa negosyo sina dating Mayor Alice Guo at Sual, Pangasinan Mayor Dong Calugay

Ilan sa mga biktima ni KOJC leader Apollo Quiboloy, nasa ilalim na ng WPP

Kinumpirma ni House Appropriations Vice-Chair Jil Bongalon na ilan sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy ang nasa ilalim na ng Witness Protection Program (WPP) Sa interpelasyon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa panukalang budget ng Department of Justice, natanong nito kung mayroon na bang mga biktima ang nag-apply sa… Continue reading Ilan sa mga biktima ni KOJC leader Apollo Quiboloy, nasa ilalim na ng WPP

9 na priority bills, naaprubahan na ng Senado

Ibinida ni Senate President Chiz Escudero na naaksyunan na ng Senado ang 12 priority bills ng administrasyon. Nagawa ito ng Mataas na Kapulungan sa loob lamang ng 30 session days mula nang mahalal na si Escudero bilang pinuno ng Senado noong May 20, 2024.  Siyam sa panukalang batas na naaksyunan na ng senado ang nakapila… Continue reading 9 na priority bills, naaprubahan na ng Senado

Debt-to-GDP ratio ng bansa, nananatiling manageable ayon sa economist-solon

Tiniyak ni House Appropriations Senior Vice Chair Stella Quimbo na manageable pa ang naitalang 60.9 percet na debt-to-GDP ratio ng bansa. Sa interpelasyon ni Camarines Sur Representative Gabiel Bordado sa General Provisions ng 2025 General Appropriations Bill, inihayag ng mambabatas ang pagkabahala sa aniya’y lumalaking utang ng Pilipinas na sa ngayon ay na sa P15.69… Continue reading Debt-to-GDP ratio ng bansa, nananatiling manageable ayon sa economist-solon