Sen. JV Ejercito, naghain ng resolusyon para maimbestigahan na sa Senado ang napaulat na sabwatan ng ilang doktor at pharma companies sa pagrereseta ng mga gamot

Naghain na si Senador JV Ejercito ng resolusyon para makapagkasa ng Senate inquiry tungkol sa napapaulat na nangyayaring ‘pyramid scheme’ na kinasasangkutan ng mga doktor at mga pharmaceutical company. Una nang napaulat na ilang pharma companies ang nagre-recruit ng mga doktor para ireseta sa mga pasyente ang kanilang mga produkto, kapalit naman nito ay binibigyan… Continue reading Sen. JV Ejercito, naghain ng resolusyon para maimbestigahan na sa Senado ang napaulat na sabwatan ng ilang doktor at pharma companies sa pagrereseta ng mga gamot

Pagbabalik ng work from home set-up, itinutulak para protektahan ang mga manggagawa sa matinding init

Humirit ngayon si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na ibalik ng gobyerno at pribadong sektor ang work from home set-up. Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang mas matinding init ng panahon na posibleng pumalo pa ng hanggang 52 degrees Celsius ayon na rin sa weather bureau. Ayon kay Villafuerte, nakapaloob naman sa Telecommunicating… Continue reading Pagbabalik ng work from home set-up, itinutulak para protektahan ang mga manggagawa sa matinding init

Sen. Bato dela Rosa, sang-ayon sa pagkaso sa mga kawani ng gobyerno na makikipagtulungan sa ICC investigation

Sinang-ayunan ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang inilabas na pahayag ng Department of Justice (DOJ) na kakasuhan nila ang sinumang kawani ng gobyerno na makikipagtilungan sa sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC). Ito ay sa gitna ng mga report na ilang PNP officials ang nakipag-usap sa ICC bilang  bahagi ng kanilang imbestigasyon sa… Continue reading Sen. Bato dela Rosa, sang-ayon sa pagkaso sa mga kawani ng gobyerno na makikipagtulungan sa ICC investigation

Party-list solon, pinarerepaso ang vaccination program ng pamahalaan

Photo courtesy of House of Representatives FB page

Kasabay ng selebrasyon ng World Immunization Week, naniniwala Anakalusugan Rep. Ray Reyes na kailangan nang rebyuhin ang vaccination program ng pamahalaan. Bunsod na rin ito ng measles at pertussis outbreak na kinakaharap ngayon ng bansa. Para sa mambabatas, hindi katanggap-tanggap na nagkaroon muli ng outbreak ng naturang mga sakit. “It is unacceptable that news of… Continue reading Party-list solon, pinarerepaso ang vaccination program ng pamahalaan

Sen. Gatchalian: Paggamit ng nuclear power sa Pilipinas, kailangan pang pag-aralang mabuti

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na hindi pa handa sa ngayon ang Pilipinas na gumamit ng nuclear power bilang isa sa mga pagkukunan ng kuryente ng bansa. Sinabi ng senador, na marami pang dapat na pag-aralang mabuti sa usaping ito. Aniya, ang maganda sa nuclear power ay mas episyente ito at kakaunting raw material lang… Continue reading Sen. Gatchalian: Paggamit ng nuclear power sa Pilipinas, kailangan pang pag-aralang mabuti

TUPAD, AICS at iba pang anti-poverty programs ng pamahalaan, dapat masiguro ang pondo sa 2025

Pinasisiguro ng isang mambabatas na may saganang pondo ang mga targeted anti-poverty programs ng pamahalaan gaya ng TUPAD at AICS sa 2025 National Budget. Ito ang tugon ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred Delos Santos matapos bumaba ang bilang ng mga Pilipino na itinututing ang sarili na mahirap batay sa ginawang survey ng OCTA Research.… Continue reading TUPAD, AICS at iba pang anti-poverty programs ng pamahalaan, dapat masiguro ang pondo sa 2025

Cloud seeding, minumungkahi ni Sen. Gatchalian para maiwasan ang pagpalya ng mga hydroelectric power plants sa bansa

Minumungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian na magsagawa na ng cloud seeding para maiwasan ang pagkatuyo ng mga hydroelectric power plants sa bansa. Ayon kay Gatchalian, isa sa mga dahilan kaya nagkaproblema ang ating bansa sa suplay ng kuryente ay ang pagkatuyo ng hydroelectric power plant kaya hindi gumana ang mga ito. Kaya naman kung kaya… Continue reading Cloud seeding, minumungkahi ni Sen. Gatchalian para maiwasan ang pagpalya ng mga hydroelectric power plants sa bansa

Pagbasura sa panukala ng Metro Manila Council na itaas ang multa sa ilegal parking sa Metro Manila, suportado ni Sen. Escudero

Sinang ayunan ni Senador Chiz Escudero ang pagbasura ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukala ng Metro Manila Council (MMC) na itaas sa P4,000 ang kasalukuyang multa sa illegal parking sa Metro Manila. Para kay Escudero, ang pagtitiyak na napapatupad ang parusa ang siyang makakapigil sa mga motorista na lumabag sa patakaran at hindi… Continue reading Pagbasura sa panukala ng Metro Manila Council na itaas ang multa sa ilegal parking sa Metro Manila, suportado ni Sen. Escudero

Sports na Padel, unti-unti na ring nauuso sa Pilipinas

Sinusuportahan ngayon ni Senator Pia Cayetano ang p agpapalakas ng Padel Sports sa bansa. Ito ay matapos mag-uwi ng karangalan ang mga batang manlalaro sa katatapos lamang na Asia Pacific Padel Tournament na ginawa sa Hong Kong kamakailan. Ayon kay Sen. Cayetano, mahalagang mabigyan ng pagkakataon na maipakilala ang bagong laro na ito na kagigiliwan… Continue reading Sports na Padel, unti-unti na ring nauuso sa Pilipinas

Panukalang magbabawal sa mga estudyante na gumamit ng cellphone sa classrooms, binubuo na ni Sen. Gatchalian

Pinag-aaralan na ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng panukalang batas para ipagbawal ang paggamit ng cellphones loob ng mga paaralan. Ito ang isa sa mga paraan na nakikita ni Gatchalian para maibalik ang interes ng mga kabataan sa pagbabasa ng mga libro. Ayon sa senador, sa ilalim ng… Continue reading Panukalang magbabawal sa mga estudyante na gumamit ng cellphone sa classrooms, binubuo na ni Sen. Gatchalian