QuadCom, layong tumulong sa paglilinis ng mga tiwaling pulis at hindi siraan ang PNP ayon sa Bukdinon solon

Nanindigan si Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores na layon lang ng isinasagawang imbestigasyon ng Quad Committee ng Kamara na matukoy ang mga tiwaling pulis sa institusyon. Giit ni Flores, hindi siya naniniwala na ang Philippine National Police (PNP) ang pinakamalaking crime organization. Gayunman hindi aniya makakaila na may ilang opisyal na gumagawa ng mali, batay… Continue reading QuadCom, layong tumulong sa paglilinis ng mga tiwaling pulis at hindi siraan ang PNP ayon sa Bukdinon solon

Party-list solon, naghain ng resolusyon para ibalik ang tinapyas na pondo ng mga SUCs at magkaroon ng mas mataas na budget sa edukasyon

Dalawang magkahiwalay na resolusyon ang inihain ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel upang ipanawagan na maibalik ang tinapyas na pondo para sa State Universities and Colleges (SUCs) sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program. Sa 116 na SUCs, 28 ang may bawas sa kabuuang pondo. May 23 din na may P516 billion na bawas sa… Continue reading Party-list solon, naghain ng resolusyon para ibalik ang tinapyas na pondo ng mga SUCs at magkaroon ng mas mataas na budget sa edukasyon

DPWH, umapela sa Kongreso na aprubahan ang kanilang hiling na budget para sa ‘right of way obligations’ ng kagawaran

Umapela si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa Kongreso na pagbigyan sila sa kanilang hiling na budget na P36.9 billion para sa obligasyon nito sa right of way. Sa interpellation ni OFW Party-list Representative Marissa Del Mar Magsino sa budget deliberation ng House Appropriations Committee, pinuna nito ang lumulobong pagkakautang… Continue reading DPWH, umapela sa Kongreso na aprubahan ang kanilang hiling na budget para sa ‘right of way obligations’ ng kagawaran

Sen. Win Gatchalian, aminadong natatagalan sa pagsasampa ng kaso kina dating Mayor Alice Guo

Inamin ni Senador Sherwin Gatchalian na natatagalan siya sa paghahain ng kaso laban kay dating Mayor Alice Guo at sa iba pa, para sa kaugnayan ng mga ito sa mga na-raid sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga. Matatandang Marso pa ng taong ito unang pinalutang ni Gatchalian ang posibleng… Continue reading Sen. Win Gatchalian, aminadong natatagalan sa pagsasampa ng kaso kina dating Mayor Alice Guo

SP Chiz Escudero, hinimok ang OSG na maghain ng petisyon sa korte ng Pilipinas para kilalanin ang 2016 The Hague ruling

Hinikayat ni Senate President Chiz Escudero ang Office of the Solicitor General (OSG), na maghain ng petisyon sa lokal na korte sa bansa para kilalanin ang 2016 The Hague ruling na pabor sa Pilipinas laban sa China kaugnay ng isyu sa W est Philippine Sea (WPS). Sa naging budget hearing ng Senado sa panukalang 2025… Continue reading SP Chiz Escudero, hinimok ang OSG na maghain ng petisyon sa korte ng Pilipinas para kilalanin ang 2016 The Hague ruling

Pondo ng DOTr, pinadaragdagan ng isang mambabatas matapos mapaulat na nagkakaubusan ng beep cards

Hinikayat ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino ang mga kasamahang mambabatas na suportahan ang pagbibigay ng dagdag na pondo sa Department of Transportation (DOTr). Ito ay matapos makuwestyon ng lady solon ang problema sa kulang na beep cards ng Metro Rail Transit (MRT). Aniya, malaking abala sa mga pasahero na nagkakaubusan pala ng beep cards.… Continue reading Pondo ng DOTr, pinadaragdagan ng isang mambabatas matapos mapaulat na nagkakaubusan ng beep cards

Kamara, pinagtibay ang panukala para parusahan ang unauthorized practice of law

Lusot na sa Kamara ang panukalang batas na magpapataw ng parusa sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang mga abogado. Salig sa House Bill 10691, papatawan ng anim hanggang sampung taong pagkakakulong o multa na P100,000 hanggang P5 million o parehas ang mga indibidwal na hindi naman miyembro ng Philippine Bar ngunit sangkot sa unauthorized practice… Continue reading Kamara, pinagtibay ang panukala para parusahan ang unauthorized practice of law

Party-list solon, pinuri ang pagkakasagip ng sinasabing biktima ng human trafficking ng KOJC

Pinapurihan ngayon ni House Deputy Majority Leader at PBA Party-list Representative Margarita “Atty. Migs” Nograles ang Philippine National Police (PNP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 11 sa mabilis na aksyon para mailigtas ang napaulat na dalawang indibidwal na biktima ng human trafficking sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound. Naganap ang… Continue reading Party-list solon, pinuri ang pagkakasagip ng sinasabing biktima ng human trafficking ng KOJC

Mga senador, nanawagan sa publiko na huwag balewalain ang banta ng Mpox

Hinikayat ni Senator Loren Legarda ang publiko na huwag balewalain ang banta ng monkeypox o Mpox. Ayon kay Legarda, kahit na iba ang dala nitong panganib kaysa sa COVID-19 ay kailangan pa ring maging mapagmatyag para maiwasan ang isa na namang lockdown. Ganito rin ang naging panawagan ni Senate Committee on Health Chairperson Senator Christopher… Continue reading Mga senador, nanawagan sa publiko na huwag balewalain ang banta ng Mpox

House and lot at bagong sasakyan, iniabot kay Olympic bronze medalist Aira Villegas

Mainit na sinalubong ng mga taga Tacloban ang kanilang Olympic bronze medalist na si Aira Villegas. Maliban sa parada, bagong bahay na nagkakahalaga ng P6.5 million at bagong Mitsubishi expander ang ipinagkaloob ng Tingog Party-list at Office of the Speaker para kay Villegas na nanalo ng bronze sa 57kg women’s boxing category. Ipinaabot ni Tingog… Continue reading House and lot at bagong sasakyan, iniabot kay Olympic bronze medalist Aira Villegas